Chapter 11: Bakit Kaya?

183 14 0
                                    

Kaelyn's POV

Haayy. Good morning world! Aray! Sakit ng ulo ko. Kasi naman eh masama na nga pakiramdam ko nung bago pa kami lumabas ni matthew sumama pa ko. Tsk. Teka bakit nasa kama na ko? Sino nagdala sakin kagabi dito? Natandaan ko lang nung nasa lotse ako ni Matthew pauwi kami. Siguro binuhat nya ko? Saka parang may narinig akong nagsabi ng I love you Kaelyn eh. Siya kaya yun? Bakit Kaya? Hay assume pa teh.

Sabi nga ni Madam Bertud, " Wag kang asumera para di ka ngumanga, kumain ka na lang ng hopia mabubusog ka pa". Sabagay may point sya dun

Hay baka panaginip lang yun. Bat naman nya ko sasabihan nun? Hay anong oras na ba? Oh my God! 8:00 a.m na pala napasobra ako ng tulog.

After ng morning routines ko. Bumaba ako at nagtrabaho kahit sobrang sama na ng pakiramdam ko. Buti na lang tulog pa yung tatlong magkakapatid.

*naghuhugas ako ng pinggan*

Ate Gina: O kaelyn? Bakit ikaw gumagawa nyan?

Me: Kayo naman ate Gina. Syempre para matulungan na din po kayo.

Ate Gina: Ah sya salamat. Pagkatapos mo dyan. Paki dala na yung almusal ni Sir Liam at Mattew ah.

Me: Opo.

Ate Gina: Teka, bat ang putla mo? Kumain ka na ba? May sakit ka ba?

Oh no! Ayokong may mag-alala sakin agad kong iniwas ang ulo ko ng hahawakan nya na. Saka di pa ko kumakain. Na late kasi ako ng gising.

Me: Wala po. Wala po akong sakit.

Ate Gina: Hay ang kulit mong bata ka. Pero kung may nararamdaman kang sakit sa katawan nandun lang yung Medicine box. Kuha ka na lang ng gamot dun.

Phew.

Me: Ah opo. Wag na po kaying mag alala. Ok na ok po ako.

Ate Gina: Oh sige. Sabi mo eh.

Pagkatapos ng paghuhugas ko ng pinggan at pakikipagtalo kay ate Gina ay dinalhan ko na ng almusal si Matthew at Liam.

*matthew's Room*

Me: Mat? *knocks* matthew?

Hay mukhang tulog pa.

Mat:  *boses inaantok* Paki lagay na lang sa table mamaya ko na kakainin.

At pumasok na ko sa kwarto nya. Nilagay ko na yung pagkain at dumeretso na ko sa kwarto ni Liam. Pero mas lalong nag iinit yung katawan ko. At nanghihina na yung boses ko at the same time mas malala na ang sama ng pakiramdam ko.

Me: *mahina na yung boses ko na pilit* Li- Liam? *knocks*

Salamat madali nyang binuksan ang pinto.

Liam: Goodmorning K! Paki dala na lang dito.

Aba ang sigla netong lalaking to. Kagabi lang umiiwas sakin. Ngayon mabait na.

Habang naglalakad ako papuntang table nya nagpapagewang gewang na ko sa hilo.

Liam: ok ka lang? Para kang timang dyan

Abat inasar pa ko. Pasalamat ka may sakit ako kung hindi.... nako papalukpukan kita.

Me: Oo noh.

Pero habang papunta pa rin ako. Pagewang gewang na lang ako ng bigla kong mabitawan ang dala dala kong pagkain. Napatayo si Liam. And then it all went out black.

.
.
.
.
.
.

Nagising ako sa kwarto ko? Nandito si Jillian binabantayan ako.

Jillian: Oh my G! Are you alright. Oh my we are so worried kasi. Bakit ba naman......

The TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon