Haraya ko na kilala ko sya. Pero isa lamang 'yong haraya. Mas masikot at dalisay kaysa sa una kong naikala... mas kaibig-ibig.
Pagkabasa ko sa kanyang aklat, pakiramdam ko na nakakapiling ko muli ang aking sinta. Pero hindi lamang 'yon. Nakapiling ko muli ang humahalakhak na kaibigan ng aking pagkabata, ang namumulang baguntao na paminsa'y tumili nang tinulak ko sa ilog, ang ilustrado na kasing-talas ng kalis ang isip at salita. Kaya sa pagbasa ko sa kanyang mga sulat, sa mga bagay na hindi naisalaysay sa akin... parehong estranghero at kaulayaw ang naibig ko muli.
Umibig ako muli sa mga alaala lamang. At hindi ba't iyon ang kabuuan ng isang kaluluwa—mga alaala? Hindi ba't itong mga gunita ang tanging naiiwan ng tao sa daigdig?
At dito nakasulat ang mga alaala ng aking kaibigan, aking sinta, aking kaulayaw... aking paraluman.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
haraya, png. nangangahulugang ideya o illusyon
baguntao, png. isang kabataan
kaulayaw, png. isang matalik na kasama, ngunit mas malalim pa dito ang tunay na kahulugan
paraluman, png. musa, dati'y nangangahulugang gabay
BINABASA MO ANG
Kay Paraluman: Isang Nobela sa Lumang Tagalog
Historical FictionFilipinas, 1892. Malapit nang sumiklab ang apoy ng himagsikan. Sa gitna nito, isang anak sa labas ay lumalakbay patungong Europa kasama ng Kastilang ama, para maging isang ilustrado. Hindi nya alam kung anong klaseng mandaragit ang naghihintay para...