C R U S H 101

13 1 0
                                    

Crush is paghanga, minsan nawawala, MADALAS LUMALALA!


Yan ang definition ko sa CRUSH. Hindi ako naniniwala na minsan ito ay nawawala kasi ni minsan, hindi ito nawala sa sistema ko.

Oo, ang kwento na ito ay tungkol sa crush ko. Same story, I know. Na isang araw, may nakita akong isang ubod ng gwapo na lalaki - mataas ang ilong, matangkad, maputi, macho, hmm ano pa ba? At boom! Lagi ko na siyang sinusundan, ini-stalk ang FB nia, sinisilayan tuwing daraan siya. Ehehehehe. Kinikilig na 'ko. Enebeyen. Wala pa nga tayo sa buong storya.

Anyways, ayun nga. Again, same old story about crush. Eh anong magagawa ko? Pare pareho tayong tao. Hindi lahat ng tao ay hindi pare pareho ang storya ng buhay nila. Yung iba eh pare pareho. Haha. Gets nyo? Tulad ko, crush ko siya, ikaw, kayo may crush din. O diba? Pareho tayo? So gets nyo na?

Kaso, kahit ayokong aminin at hinding hindi ko aaminin sa sarili ko na may pagkakaiba ang storya ng crushlife ko sa crushlife ng iba,  ay wala akong magagawa kundi tanggapin ang katotohanang may kakaiba sa aking crush at kahit na sinabi kong hindi ko aaminin sa aking sarili ang pagkakaiba nun ay aaminin ko sainyo. At least inamin ko sa inyo, este! Aaminin sa inyo.

Siya ay...





50% na puso, isip, at sa gawa na babae.

Hindi ko sinasabing siya ay bakla. At ayoko din namang mangyari iyon. Hindi ko lang talaga sya matantiya, I mean, yung kasarian nia.

Kung titingnan, ay normal naman siya. Lalaki pumorma, lalaki maglakad, pero kung andyan na ang mga kaibigan niya, ay nag-iiba ang mga kilos niya. Sabi nga ng mga kaklase ko, bakla daw siya. Pero hindi iyon ang nakikita ko sa kanya sa tuwing hindi niya kasama ang mga kaibigan niya. Naisip ko pa nga minsan na baka may gusto siya sa isa sa mga friends niya at hindi niya gustong ipaalam dito kaya nag papanggap siyang beki.


Pero agad ko din iyong binura sa isipan ko. Ayoko ng ganun. Ginagawan ko ang sarili ko ng karibal at ang malala, hindi ko pa kilala.

Ni hindi ko pa nga naamin sa kanya yung nararamdaman kong pag kagusto sa kanya tapos,mag-iisip pa 'ko ng pag seselosan ko?

Hindi ako yung tipo ng tao na kung magkacrush ay lantaran. Kumbaga sa mga sosyal na stalker, eh secret admirer ako. Ayokong nalalaman ng taong crush ko na crush ko siya. Kasi parang wala ng thrill di ba? Na kada makikita mo siya, pasimple ka lang susulyap na kunwari ay napadaan lang ang tingin mo sa kanya. Na kikiligin ka sa tuwing mapapangiti siya nang hindi niya nalalaman na big deal pala iyon para sayo.

And yes. Lahat ng ginagawa niya ay big deal para sakin. Yung pagpost pa nga lang ng isa niyang friend sa timeline niya, yung TBH ba. To Be Honest Challenge na yon na sinasabi ng girl na crush niya daw yung crush ko, eh nag-iinit na yung ulo ko, ano pa kaya yung araw-araw ko siyang nakikita with his friends na may pa akbay akbay pang nalalaman tska pa yakap yakap effect pa kung nagkakatuwaan sila?! At hindi talaga ako maga get over sa fact na may nagka crush din sa kanya to think na akala ko, ako lang ang may sayad sa ulo na magkacrush sa isang faggot na halos ikamatay ko ang inevitable feelings na nararamdan ko. Haaaayst!! Nakakasusot talaga!

Bakit ba kasi nauso pa yung TBH na yun?

At katulad sa maraming iba dyan na may one sided cush ay dumating din ako sa point of life ko na tinatanong ko na ang sarili ko na bakit sa dinami dami ng lalaki sa mundo eh sa isang beki  pa ako nagkagusto? Naramdaman ko din ang aura ng GIVE UP. Pero letseng hypothalamus 'to. Inevitable mga tsong! Hindi mapigilan.

Kaya katulad ulit ng maraming iba dyan, eh hanggang pasuluyap sulyap na lang sa kanya ang role ko sa ngayon.

Boring ng crushlife ko 'no? Pero wag ka! Sa daydreams ko, kambal anak namin!

C R U S HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon