C R U S H 108

1 0 0
                                    

Nakabusangot ang mukha ko habang nagpapraktis at sa buong maghapon. Wala si Mimi sa tabi dahil may mga activities about FS 3. Exempted kaming lahat na sasali sa presentation mamaya. Mabuti na rin yun at ng makaiwas ako sa pangungunsumisyon ko sa Bestfriend kong baliw.

Actually, tapos na akong mag practice. Kabisado ko naman ang chords ng kakantahin ko dahil isa iyon sa nga paborito kong kanta. Kasalukuyan akong nagtatago dito sa rooftop ng Dean's Office (may sign kaya alam ko) nang may marinig akong bulungan.

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang mga boses na iyon at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Oo. Si LJ. Kasama si..

Si...



Si....





Sino ba yung kasama niya?!? Mukha namang hindi iyon si Tarsier ah! Mahaba buhok nito. Si Tarsier kasi parang buhok ni Dora. Yung negrang naglayas! Haha!

Anyways, back to the scene, so may bago nanaman akong karibal? Hindi ko pa nga nadidispatsa yung isa eh may isa nanaman?!


At bago ko pa isipin ang dapat kong gawin, eh nagkusa nang sumugod ang katawan ko sa kinaroroonan ng dalawa. Nagulat pa yata si LJ maahlaabs nang ipulupot ko ang mga kamay ko sa braso niya.

At bago ko pa maisip ang mga sasabihin ko, nagkusa ng lumabas ang mga salita sa bibig ko.


"LJ baby ko. Sino nanaman yang kasama mo? Kanina pa ako nagtatampo sayo dahil dikit ng dikit yung 'Abby Abby' na yun sayo. Pinagtataksilan mo ba ako?"

Alam kong nagulat siya sa mga sinabi ko. Pero mas nagulat ako sa pamumula mg mukha niya. At mas MAS ngulat ako sa sinabi ng babae sa harapan naming dalawa.

"Ikaw talaga Kuya Jarred. Kayo na pala ng Crush mo, inutusan mo pa si Ate Abbygail na pasugurin ako dito para tulungan ka sa kanya. Anyways, Congrats sa inyong dalawa! Ang kyot mo pala talaga sa personal Ate. Sige Kuya, una na ako." at tuluyan na siyang nag walk out.


At mas MAS MAS ikinagulat ko pa ang ginawa ko. Alam niyo ba kung ano yun?
.
.
.
.
.
Umutot ako.
JOKE LANG!

A/N: Wala! Walang joke joke!

Huy! Hindi ako umutot! Baka ikaw Ate Otor!

A/N: Gusto mo bang hindi kayo magkatuluyan ni LJ?

Waaaaah! Ate Otor naman! H-h-hindi n-naman ka-s-si talaga ako umutot eh!! *sniff sniff*

TUMAKBO AKO. TUMAKBO NG MABILIS.

Buti mga hindi ako nadapa eh. Baka mas lalo akong mapahiya kay LJ maahlaabs. Huhu.

Hindi ko alam kung totoo yung sinabi nung babae kanina (sana mag dilang anghel siya). Pwede pa ba kong bumalik dun? Kaso nahihiya na ako sa kanya.


Eh pano na lang mamaya? Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanya? Waaah! ( / _ \ )

Buti na lang exempted ako sa activities ngayon!

~~~~~~

LJ'S POV

Tulala. Yan ang salitang makakapag describe sakin ngayon. Andito pa rin ako sa rooftop. Dito kasi ako pina diretso ni Abby-- pagkatapos niyang kunin ang pakay niya saakin. Sabi ko nga kanina magpapatulong ako sa kanya tungkol kay... May.

Kaso parang di na kailangan. Tinext ako ni Anny ng Congrats. Kung yun ay totoo talaga.

At kailangan kong kumpirmahin yun. Kailangan ko ng baguhin ang plano ko. From Confession to Confirmation.


Just wait my Baby.

~~~~~

May's POV


Gabi na. At ilang minuto na lang ay magsisimula na ang Bonfire Party. Nakapag bihis nanaman ako ng pormal. Wala din akong masyadong inilagay sa mukha ko dahil natural na ang kagandahan ko.

Pinatirintas ko na lang kay Mimi ang buhok ko yung may style na brade. Ewan kung anong tawag basta paikot siya sa ulo ko na parang headband. Para wala ring sagabal na buhok mamaya pag perform ko.


"Halika na Best. Tama na yang pakikipag usap sa salamin. Maganda ka na. Paniwalaan mo ko. Bestfriends tayo eh." kalabit sakin ni Mimi. "Maganda ka na talaga. Magkamukha tayo eh."

At humirit pa nga.

"Oo na. Kinakabahan ako eh."


"Natural lang yan Best. Pero Payt Payt Aja Aja lang! Isipin mo na lang si LJ yoohLaabs lang ang nakikinig."


Okay. Namula lang naman ang mga mukha ko nang marinig ko ang pangalan niya. Nag flashback kasi yung nangyari kanina.

A/N: walang Flashback -_-

Haayst. Opo Ate Otor.

+++++

"May twist ang ating program ngayon."

Okay. Nagsisimula na ang BP (Blood Pressure?!) BFP na lang. -_-

Nakaupo kami paikot sa malaking bonfire dito sa field ng HSU. Nakita ko kanina si LJ at iniiwasan kong mapatingin ulit sa kanya.

"Inuulit ko, may twist ang party na ito."

Si Sir Alexis. Twist twist. Pauso niya.

"Ang kada isa sa mga Universities na nandito ay may nakatokang magpepresent ng talento. Mapa sayaw, kanta, tula o ano pa man diyan ay pupwede sa portion na ito. At may prize ang mananalong University."

Naghiyawan ang mga estudyanteng animo'y sabik na sabik sa word na 'Prize'. At halos lahat naman ng mga kaklase ko ay naggoodluck sakin at nagsabi mga encouraging words na mas lalo pa atang nakapa dagdag pressure saakin.

"At ang twist ng program na ito ay..."

Okay. Pabitin effect si Sir.


"Maglalaro tayo ng Truth or Dare!"


Okay. Yun na yun? Akala ko pa naman eh exciting na twist. May narinig akong nag angalan na estudyante. Pareho yata kami ng pag-iisip.

"So let the Battles, begiiin!!!"

Nagsimula na nga ang Battle kuno. Kada may limang makaka pag truth or dare ay may isang magpeperform. Hindi naman masyadong boring. Kakaiba kasi yung mga dare at tanong. Merong ipapabilang sayo kung ilan ang chairs sa ganitong room. Eh madilim pa naman kasi nga para highlight yung bonfire. Tapos to think na Old University ang HSU. O_O

At goodnews talaga na exempted ang mga performers sa T or D :D : D




C R U S HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon