C R U S H 105

3 0 0
                                    

May's POV

"Toothpaste, check! Biogesic, check! Extra nappies, check! Stitch, check! Wait, pwede ba isama si Stitch?"


Sarili ko ulit kausap ko. I'm checking on my things kasi...
BUKAS na ang FS nameeen! At hinding hindi ko idedeny na tologong EKSOYTED ako as in Capital M-E! Hihihihi :)


Anyways, makapag-online nga muna sa FB . Baka naka OL si MimitOts at nang matanong kung pwedeng isama si Stitch sa FS.


You know Stitch? Hindi siya yung mukhang rabbit na aso na pusa na color blue na alaga nung negrang (negra ba yun?) batang babae na cartoons sa Disney Channel (o Cartoon Network?)


Si Stitch ay ang Cutie Patotie kong Dog Stufftoy na color white at gray. Always ko siyang katabi sa pagtulog. Gusto ko siyang isama kasi nasanay na 'ko na may katabing mabalahibong nilalang. Hihihi.. Sounds so childish pero nasanay na 'ko eh. Soo woot?!


So ayun nga.


*Click Google


*Type FB.com


*log in


*buffering


Wooaaah! Bumabahang notifications ang sumalubong sakin. Okay, let's check them.


Puros mga game invitations lang pala. Akala ko niLike na ni LJ maahlaabs ang PP ko. Jujuju. Yup, friends kami! Hihi at inaamin ko, ako po ay isang certified, non-requitting, stalker niya. :D

And back to our topic. Makapag status nga muna.


*click to add photos

[So excited for tomorrow's escapade I mean, FS.

@Mimi Santos: Pwede ko ba madala si Stitch? Hindi naman siya ganun kalaki at kabigat. Hihi :)

#ImpakeMode]

Ayun napost na agad. With picture ni Stitch at mukha ko of course! Baka kasi isipin nilang yung Stitch na cartoon yung tinutukoy ko. Aba! Ang layo naman ata ng iginanda ko sa amo nung original na Stitch! Haha ang haaaaangiiin!!


*Ting!

Uy, may notif ulit ako.

Lake Jarred T. Lacson like your post.
Just now.


Yaaaaaaaaaaah!! Nabasa niya! Malamang -_-

Dapat pala ginandahan ko pa yung pag smile ko dun! And note to myself, August 19, First time na niLike ni maahLaabs ang status ko!

*Ting!

May notif ulit! Baka nag comment!

Mimi Santos commented on your post.
Just now.

Friend, hindi ka na bata na kailangan pa ng asong katabi kapag ka matutulog ka. Hindi ka ba nahihiya? Third year na tayo teh. Kaedad ata ng friendship natin yang aso mo. Baka nga hindi mo pa nalalabhan. Neways, dala ka ng swimsuit, yung hindi pang Baby haa? May pool party daw sa gabi. Labyo best! ❤

Walang hiya talaga 'tong babae na 'to! Ako BABY?!  Tsaka anong hindi nalalabhan! FHI, (For Her Information) kakalaba ko lang kay Stitch last Saturday! Hmmph. Baby pala hah! Manghihiram ako mamaya sa Ate ko mg swimsuit! Two piece!

Best, mahal din kita. Kaso parang ikinakahiya mo ang pagiging cutie patottie ko. Hayaan mo't sa susunod hinding hindi na'ko magtatanong sayo. (  -_-)

Comment ko. Haha! Bwesit eh.

Back to my notifs, aba! 17 likes agad aah! 5 minutes pa lang. Marami atang naka OL ngayon.

And back to my newsfeed.

Lake Jarred T. Lacson:


Excited din siya. Ang kulet niya pa. :)

#MasAko


Aba! Ang Tarruuush ng status niya. Pero sino kaya ang tinutukoy niya? Baka yung bestpren niyang always niyang kasama. Si Dowen. Ewan ko ba sa dalawang yun. Hindi mapag hiwalay.


Pero alam niyo ba? Mag kaibang magkaiba yung ugali nilang dalawa. Kung anong ikinabilis maglakad ni LJ, ay siyang ikinabagal ni Dowen. Feeling ko nga, tuwing titingnan ko si Dowen, nag i-slow motion ang lahat. Pero hindi yung slowmotion na pang-inlove haa?! Kumbaga, literal na slow motion. Hihi :)


Speaking if mabilis maglakad, pano na lang kung maging kami ni LJ? Baka mapagod ako kakasunod sa kanya! Ayon pa naman kay Mimi, ay isa daw akong dakilang Maria Clara. Opo, kahit na aminado akong 'kalog' ako, eh mahinhin akong kumilos. Ewan ko nga ba ba't ganito ako. 'Di ko mapigilan.


Nilike ko na lang yung post niya.


Nag log out na din ako. Kelangan ko pang mang hiram ng two piece swimsuit sa ate kong swimmer at nang hindi ako mapagkamalang baby.

~~~~~

LJ's POV

Claire May Bautista like your post.
Just now.

Ang kulit nilang mag best friend. Nung mabasa ko yung status niya, ay nilike ko agad. Ang cute kasi nung picture niyang nakapout havang yakap yakap yung asong stufftoy na tinutukoy niyang dalhin bukas. Mag cocomment pa sana ako nang mag appear ang comment ng bestfriend niya. Mas lalo akong napangiti nung mabasa ko yung comment. May pool party pala.


Imbis na magcomment, nag post na lang ako ng status ko. Hindi ko siya itatag by post pero sana naman, matamaan siya sa mensahe ko.

*riiiiing~


[Dowen calling]

Ni log out ko muna ang account ko bago sagutin ang tawag. Magtatanong lang naman 'to tungkol bukas.


"Zup?" ako.


['Di ba sa Holy Spirit University Tagytay tayo bukas?]


Sinasabi ko na nga ba. Tsk tsk.



"Oo, hindi ka ba nakinig kanina?"


[Nakinig kaya ako. Kino-confirm ko lang. Nga pala hindi yun ang sadya ko. Nabasa kasi ni Abby yung status mo. Tinanong niya 'ko kung saan ba daw. Akalain mo? Dun pala siya nagtatrabaho? I mean, OJT ba?]


"Talaga? Eh di maganda. May reunion tayong tatlo.

[Tsk. Nanghihingi nga pala ng pasalubong. Kala niya naman sa USA tayo nag-aaral. Sige brad, babye na. Mag-iimpake pa 'ko.]

"Sige."


*To-toot*

Ayos 'to. May makakatulong pa 'ko sa confession 'ko.


I hope for a positive outcome.

C R U S HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon