C R U S H 106

3 0 0
                                    

LJ's POV


"4th year students, dito kayo sa right side, 3rd year, left side kayo. Faster!"

Si Prof Alexis. Siya yung kasama namin ngayon sa FS trip. Wala yung original naming teacher kasi may seminar sila sa Baguio. Malamang na mas pipiliin niya ang seminar na yun kesa sa FS ngayon kaya ipinaubaya niya kami sa vibes niyang professor nila May.


Inilibot ko ang mga mata ko at nakita ko rin sa wakas ang kanina ko pang gustong makita. Hayon at pumwesto pala sa unahan. Sabagay, secretary siya ng klase nila.

Magkaibang van ang sinakyan namin kanina at late pa siyang nakapunta sa meeting area kaya hindi ko siya nakita kanina. Inantay ko pa naman dahil binalak kong tilungan siya sa gamit niya.

One of my several moves.

"Jaaareeeed!"


Napalingon ako nang marinig ko ang pangalan kong balak pa yatang ipag sigawan sa hall.

Si Abby. Yung tinutukoy ni Dowen kagabi.


Kababata namin ni Dowen si Abby. Mag pinsan nga pala silang dalawa. Napahiwalay lang kami ni Dowen ng eskwelahang pinasukan dahil kinuha si Abby ng lola niyang nasa Tagaytay upang pag-aralin. Ulila na kasi si Abby.


"Ang gwapo gwapo gwapo mo pa din talaga JaGreen! Nasaan si Dowenats?"

Niyakap yakap pa ako ni Abby na akala mo ay sampung taon kaming nahiwalay sa kanya. Alam ko naman kung ano talagang pakay nito eh.

"Abbygail, nasa ilalim ng bag ko. Mamaya ko na ibibigay. May orientation pa kami." binalikan ko din ng yakap. Mahirap na. Baka mamaya magtampo pa 'to. Ang hilig pa naman nitong mangonsensya.

"Thanks JaBlue! Text mo 'ko haa! HAA?! JaPink?!"

"Oo na."



"Dooowenaats!!"


Hayon! Kumalas na sakin at kay Dowen naman lumambitin. Tsk tsk. Same old Abby.


"Wait, CR lang ako. Wag ka ng sumama  Mimi. Babalik naman ako."


Napalingon ulit ako sa pwesto ko kanina ng marinig ko ang kilalang kilala ko na boses.

At bakit yung kaninang masayang aura niya ay tila napalitan ng itim?

Is there something wrong?

~~~~~

May's POV



Okay. Masaya na sana ako kanina kahit nalate ako dahil gumawa pa ako ng paraan para makasama ko si Stitch. Kaso, nung makita ko ang pag lambitin ng BABAENG yun, ay unti-unting nagbago ang pakiramdam ko lalo pa't may isang nilalang sa tabi ko na ginagatungan ang pagseselos ko kuno kay 'Jarred'.


"Naku best, wala ka pala eh. May girlfriend na. Kaya pala hindi ka pinapansin. Tsk tsk. Hanap ka na lang ng iba. Dami dito oh. Mga yummy din at macho at mataas ang ilo---."


" Wait, CR lang ako. Wag ka ng sumama Mimi. Babalik naman ako."

And yes! Nag walk out ako? Bakit bawal? Girlfriend lang ang may karapatan?! Ganun?! Ganun?! Nasaan ang hustisya dun?!

At kung inaakala ni Mimi na mag eemote ako dito sa CR ay hindi siya nag kakamali! Pero umihi din naman talaga ako. Ang lamig kaya dito sa Tagaytay.

Pagkatapos kung ibuhos ang sama ng loob ko sa kubeta, ay ang panget pakinggan, baka isipin ng iba ay jumebs ako, ay bumalik na ako sa aking silya at ginampanan ang aking tungkulin bilang sekretarya ng aming seksyon.

Tinikis ko ang aking sarili na sumulyap kay 'Jarred'. Bagama't alam ko sa aking sarili na hindi ko iyon kayang gawin, ay pinilit kong magtagumpay sa aking misyon. Kailangan ko nang pigilan ang aking damdamin sa nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ako ang klase ng tao na ipagpapatuloy pa ang kahibangan ko sa kanya kahit na alam ko nang mayroon na siyang sinisinta.


-_-

*sulat

-_-

*sulat

-_-

*sulat

"Best, kawawa naman yung ballpen. Tsaka lingon ka dun oh, ang sweet nung 'Abby' kay yoohlaabs mo oh!"


Lilingon na sana ako nang maalala ko ang goal ko ngayon. Pahamak talaga tong si Mimi.


"Aba bestpren, seenzoned na lang message ko ngayon?! Hanep ka mag Jelly jelly aah!" asar ni Mimi may pa sundot sundot pa sa tagiliran ko.


"Anong seenzoned seenzoned ang sinasabi mo dyan?! Facebook lang best? Amina't ng malike ko. Pauso mo." poker face pa din ako. Asar na nga ako sa 'Abby-waitingForyooo' na yun dadagdag pa yung pang-aasar niya. "Tsaka anong jelly jelly?! Pagkain lang?! Gutom ka best?!"


"Anong pagkain? Selos yun best. Pang beki ata na language. Akala ko ba alam mo yun?!" sagot ni Mimi with matching kamot pa sa ulo.


#FeelingOnyok- Haay nakuu!

"Syempre alam ko! Ano ka ba naman?! Alam mo yung---"

"Anong alam mo Ms.?"


Paktay! Andito sa harapan namin ni Mimi yung nag o-orient samin. Agad naman akong napalingon sa pwesto ni LJ. Nakatingin siya saakin maging amg mga kaklase niya. Nakooo talaga itong si Mimi! Hindi ko na tuloy na achieve ang goal ko nagyon!


"A-a-ah, a-an-no ma'am, kung alam po ba ni Bes-- este! May Kung nasaan yung CR dito! Tama! CR! Ihing ihi na po talaga kasi ako. Huhuhu!"


Aba! Ang galing din umarte nitong si Mimi ah! Buti na lang at mabait yung si Ma'am Orientation (nakalimutan ko name niya eh). Pumunta naman si Mimi sa CR.

Naupo naman ako ng maayos at sinimulang mag takenotes.

C R U S HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon