C R U S H 109

2 0 0
                                    

May's POV

Susunod na akong mag peperform. At sa kabutihang palad, wala pa naman akong nasasagap na bad aura. Nasa ika-apat na T or D victim na kami. At dahil nga kakaiba ang mga Dares ng Teachers eh puros Truth na lang ang sinasagot ng mga biktima.

Katulad ngayon. Yung tanong sa kanya ay: Anong bagay ang pwede mong ihambing sa o irepresent sa Abstract?

Oh di bah? Ang hirap? Kung ako tatanungin ang sagot ko dyan ay, Ehem, thank you for that wonderful question Sir. I, thank you! Mwah mwah!

Hihihi. Yun lang. Di ko alam kung ano sagot eh. Walang formula nun sa Math.

Hindi nakasagot yung ika apat na biktima. Ayon pinag Dare. Buti nga madali lang. Pinakuha lang ng Marshmallow tsaka pina ihaw sa kanya. Dapat nga sa kusina eh. Swerte niya lang may dala siyang isang bag ng Marshmallows.

Pinaikot na ni Sir yung bote. Oo, bote ng Tanduay Long neck. Wala silang mahanap eh. Yung bote nga galing pa sa boarding house nung isang estudyante. Tsk tsk.

*ikot

*ikot

*ikot

*stop----

"Wooooah!! LJ! LJ! LJ! LJ!"


At tama kayo ng basa. Si LJ yung natapatan ng bote ng Tanduay at pinag che-cheer siya ng mga classmates niya.

"Alraaaayt! Come here sa gitna Mr. Lacson. You know everyone, he is one of my students." si Sir.

Blah blah blah! Si Ma'am Asuncion kaya Prof nila. Pauso ni Sir. -_-

"Pakilala ka." utos ni Sir sa kanya.

Nakatingin ako sa kanya. Malamang eh nakatingin lahat sa kanya eh?! Ano ako, nakikiuso lang. Haha!

So ayun nga, nakatingin ako sa kanya. At ewan ko ba bago siya magsalita ay parang may hinahanap ang kanyang mga mata.

At nung magtama ang aming mga paningin, ay sumilay ang mga ngiti sa kanyang labi na mas lalong nagpadagdag sa kanyang kakisigan, kamachohan, kayummyha---

"Best laway mo, isang kutsara na. Ngumiti lang yung tao eh!"

At ayan na nga. Yun bang nasa Slow Motion stage na kayo ng mahal niyo ay bigla na lang huminto kasi may asungot na umapak ng preno?

"Best naman! Isang kutsara pa lang naman! Pinutol mo yung kasiyahan ko eh!" binatukan ko nga. Panira moment eh.

"O siya sige, continue."

Ta mo 'to? Hay naku. Sige lang best tanggap naman kita maging sino kaman.

Tapos magpakilala si LJ maahlaabs at hindi na ata mawawala ang mga bulungan na nagpapahiwatig ng panghihinayang. Pano ba naman? Ambakla mag salita. Pero tanggap pa rin kita, maging sino at ano ka man LJ maahlaabs. :)

"Truth or Dare?" ayan, nagtanong na si Sir.

"Truth po."

Hah! Nag truth siya. Eh duwag naman pala to. Sabagay, ano pa nga bang aasahan ko sa kanya?

~~~~~

LJ's POV

"Truth."

Hinanap ng mga mata ko si May. Hindi siya nakatingin sakin. Pero makikita sa mga mata niya ang disappointment.

Bakit? Mali ba sagot ko? Truth or Dare pa lang naman aah!

"Okay, nag Truth ang aming BigBoy! At dahil Truth ang sagot mo, may itatanong ako sayo! Pero bago ang lahat, sabihin mo munang, LALAKI AKO!"

Okay. Anong kakornihan to? Pero sige, pagbigyan si Sir.

"LALAKI AKO!"


*Silence*
.
.
.
.
.
.
.

'Kyaaaaah!'

'Hot~'

'Ang wafu ng voice niya!'

Maraming nagbulungan pagkatapos kong sumigaw. Tiningnan ko si May. Napangiti ako nung makita ko siyang namumula.

"Allraaayt. Ayos BigBoy ah! So here's your question. Kung may gusto kang patunayan ngayon, ano iyon at please justify your answers with concrete solutions."

Nagtawanan yung mga estudyante. Solutions daw. Ano to paper and pencil assessment?

Dati, pinag-iisipan ko pa kung paano ako mag coconfess sa kanya. Andami kong naisip na paraan. Pero hindi ko inaasahan na tadhana na ang gagawang paraan para malaman niya ang nararamdaman ko.

This is it.

"Once upon a time, I thought ako na talaga kung ano ang nakikita niyo ngayon. Pero hindi pa pala. Pano ko nalaman? Simula nung makita ko siya."

May mga nagbulungan. Negative. Positive. I don't care. Hindi pa tapos ang speech ko.

"Akala ko masaya na ko sa buhay ko. Na kontento ako na tanggap ako ng mga kaibigan ko kung ano ba talaga ako. Hindi pa pala.

"Second year ako at freshy siya. Medyo makulit, pero mahinhin siya."

~~~~~~

May's POV



"Uy best, parang ikaw lang yung dinidescribe ni LJ aah! Haha! MAKulit na Mahinhin."

Sarap talaga batukan ulit nitong si Mimi eh.

"Shhhhh!"

Ayan, sinaway siya ng mga classmates namin. Ayun at nag pi peace sign.

"Ang kulit niya talaga to the point na nakapasok siya sa classroom namin ng di niya napapansin kasi busy siya kakabasa nung Form niya ata. Pareho kasi kami ng uniform. Kaya akala niya, classmates niya kami. Pero yung classroom pala nila ay nalagpasan na niya. Saka niya lang napansin nung sinabihan niya akong 'hoy ako nakaupo jan, wag kang mang-agaw'. Napangiti ako at yun nga, ang una naming paglalapit."

Pinagpatuloy ni LJ yung speech este! Sagot niya. Teka.. Eh parang nangyari yun sakin nung first year din ako. Nakakahiya nga eh. Tumakbo ako palabas nun. To think na nakaheels ako nun at may dala pang laptop. Nakalimutan ko na nga yung kakahihiyaang iyon dahil di ko naman kilala kung sino yung sinigawan ko nun.

"Ang corny mang-isipin, pero tinamaan yata ako ng sinsabi nilang, crush at first sight. Hanggang sa 'di ko na namamalayan, na ang pag ka crush ko sa kanya ay lumalala ng lumalala na to the point na hindi na ko makatulog kakaisip sa kanya.

"Triny ko pa ngang hanapin sa Google kung ano ba yung nararamdaman ko. First time kasi yung mangyari sakin. Well sabi naman ni Mr. Google, inLove daw ako. Biruin mo, crush lang tingin ko sa kanya tapos di ko alam... Mahal ko na pala siya."



Ang hindi ko lang lubos maisip eh kung bakit sa direksyon ko siya naktingin habang nagsasalita. Atsaka kung bakit wala akong maramdamang selos o inis habang isinasalaysay niya ang history ng kanyang first love..



C R U S HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon