C R U S H 107

2 0 0
                                    

"May, may presentation of talents daw mamayang gabi sa bonfire. Ikaw na lang magpresent. Busy ako tsaka parang walang mapagkakatiwalaan sa classmates natin eh." sabi ni president ng classroon namin sakin pagpasok namin sa kwarto na tutuluyan namin.

"Bonfire? Akala ko ba may pool party?" yun kasi ying sabi ni Mimi sakin kagabi true FB.

"Ay hindi na yun natuloy. Madami kasi tayong nag FS dito sa HSU kaya binago yung program."

Oo nga pala, may mga ibang students din kanina galing sa iba't ibang universities.

Talent? Ano bang talent ko?

"Eh Thine, wala akong talent except sa marunong akong mag gitara at wala akong dalang gitara." syempre, FS 'to. Si Stitch nga nahirapan na akong magpalusot, gitara pa kaya?!

"May dala si Kuya LJ. Hiramin mo na lang. Sige una na 'ko May. Galingan mo mamaya haa?!"
At ayon nga, nag walk out na ang mahal naming president.

"Nakoooo! Nagtatampo pa nga ako sa kanya eh. Bahala na. Hindi naman niya alam."

~~~~~~

LJ's POV

Kasalukuyan kong hinahalungkat ang bag ko dahil hinahanap ko ang binili kong pasalubong kuno kay Abby. Walandyo kasing babae yun, wala pa ngang 30 minutes eh nangongonsensya na. Sinubukan ko ngang paalisin at pabalikin sa duty niya aba't sinagot ako ng 'malakas ako sa boss. Akina ang pasalubong ko.'

*Toktoktok

"Abbygai---"

"A-an-ano, Kuya ano, a-a-no, ano.."

"May..."

Si May pala. Akala ko si Abby at mangungulit nanaman tungkol sa pasalubong.

"Wa-waag n-na lang p-pala."

Tumayo ako at hinawakan ko ang braso niya nung tumalikod na siya. Pagkakataon nga naman, ba't ba ang bait mo saakin?

"What do you need?" tanong ko.

"A-ano, kuya.. Aa-a-ah s-sabi brrrrr! Wait lang haa?" iwinagayway niya ang mga daliri niya sa harapan ko at iniling-iling ang kanyang ulo.

She's nervous. I wonder why.

Pinanuod ko lang siyang i-relax ang kanyang sarili. Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga nakikita ko sa kanya ngayon. Bagama't naiilang, ay hindi siya nahiyang gawin ang mga bagay na komportable sa kanya.

And that makes me want to get her even more.

"Game! Ano kuya! Dala mo ba daw yung gitara mo? Kasi may talent portion chu-chu daw mamaya, eh naatasan akong magpakitang gilas kahit na walang kagilas gilas sa pagigitara. Pahiram naman Koya oh." dire-diretso niyang sabi.

"Marunong ka?" tanong ko. Madami akong gustong sabihin sa kanya. Pero, sadyang baliw ang puso ko. Inaamin kong kinakabahan ako ngayon dahil magkaharap kami. Hindi naman yata maiiwasan yun.

"Sa kasamaang palad, oo." sagot niya sabay yuko.

"Alam mo May, hindi misfortune ang pagkakaroon ng talento sa pagtugtog ng gitara. Pasalamat ka pa nga dahil marunong ka. At dapat mo yung ipagmalaki." nginitian ko siya pagkatapos ng aking parangal sa kanya.

"Salamat koya. Hihi amina, mag pa practice pa 'ko." ngumiti di siya at inilahad ang kanyang mga palad sa harap ko.


Tumalikod ako at kinuha sa ilalim ng higaan ang gitara ko. Itinago ko talaga ito baka kasi maconfiscate.


"Ito oh, galingan mo." inilagay ko ang kanang kamay ko sa kanyang ulo at ginulo ito.

"Salamat koya!" tumalikod na siya at tumakbo ng mabilis palabas ng kwarto.

"Koya."

Kakaiba yung pag pronounce niya ng Kuya. Ko-ya. Ang sarap isipin na inaangkin niya ako kahit sa simpleng pagtawag niya saakin ng Koya.

~~~~~

May's POV

Nakakainis talaga yung si 'Abby' na yon! Andun na eh! Ang saya saya ko na kasi lagpas 21 seconds na yung convo namin! Gusto niyo ba ng flashback?! O sige..

Flashback..

Aay! Wag na pala, tinatamad si Otor magtype.

A/N: At talagang dinamay mo pa ako haa?

Uy, hindi Ate Otor aah! Pero kasi kinikilig ako sa nangyari kanina! Sige na! Flashback na please? Kahit i copy-paste mo nalang?!

A/N: Gusto mo bang hindi kayo magkatuluyan ni LJ? Haa?!?

Aay! Hindi po Ate Otor na maganda! Hihi sige next topic tayo.

Arrrggh! Naiinis talaga ako! Ang sweet na namin kanina ni LJ maahlaabs eh! Sinisira niya lang ang magandang mood ko ngayo. Eh pano ba naman makalambitin kay LJ akala mo tarsier! Sabagay, mukha siyang tarsier! Pwe! Ang bitter ko! Soo woot?!

"Best, tunaw na si LJ sayo."

Ayan na naman si Mimi.


"Hindi si LJ ang tinutunaw ko, si Tarsier, at bakit ko tutunawin si LJ? Eh di ba mahal ko yun?"

"Aba! Bongga ka friend! Dati crush lang, ngayon love na! Ini-re-relate mo talaga ang Calculus sa real life. Rate of change sa major natin, sayo, Change of Feelings!"

"Ganun talaga. Maganda ako eh!"

"Ay, tama ka!" sang ayon niya. "Pareho tayo. Magandang maganda."

-_-

Sabi ko na nga ba eh, may dagdag.

"O siya, tama na ang pambobola, mag papractice pa 'ko para sa presentation mamaya."


"Ano bang kakantahin mo? Parting time? The past? The Day You said Goodnight? O Where Do Brokenhearts Go na lang kaya?"


"Bakit naman? FS 'to Best. Hindi Telenovela. Tsaka mga pang brokenhearted yun ah!" tanga talaga nito ni Mimi.

"Eh tingnan mo naman kasi yang mukha mo, pang November 1 ampeg! Tsaka tingnan mo sila LJ dun parang ang saya saya nila ng syota niya." ani Mimi sabay turo sa kinaroroonan nila ni Tarsier.

Aba't! Eh di sila na sweet. Napakapait.

"Halika na nga, magpapraktis pa 'ko! Way Back into Love kakantahin ko kasi Move On na 'ko sa kanya!"
Hinila ko na si Mimi palayo sa dalawang magkalampungan.


C R U S HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon