C R U S H 104

2 0 0
                                    

May's POV

"Hoy May! Ano bang nangyayari sayo?! Paparating na ang sinta mong baklush aba't himala atang ngtatago ka diyan?"


Wag niyong pansinin yan. Si Mimi lang yan. Isa sa mga supporters ko sa ligaw na pagsinta ko kay LJ.


Hindi ako natinag sa good news este! Badnews niya. Nahihiya ako sa ginawa kong kasalanan este ulit! Katangahan kagabi. Opo. Kagabi yun mga tsong!


"OMEGEED May! Nasa likod mo si LJ!"

Madiing bulong ni Mimi.


FreezOne. Ayun. Nanigas ako. Literal na nanigas. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng paninigas ng katawan ko eh naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha.


"Umm, May?"


Di ba nga naninigas yung katawan ko? At mas lalo pa siyang nanigas if that's even possible nung may nagsalita't kumalabit sa likod ko.

Si LJ. WAAAAAH!! Alam niya na siguro na ako yung kagabi! Huhu! Natatakot ako like this oh (/ _ \)


"Iyo ata 'tong quiz paper. Nahulog mo."


Quiz paper? Napalingon ako bigla at bigla kong nahablot sa kanya yung papel. Nakakahiya moments pa more.


Nakakahiya talaga! Sa dinami dami ba namang quizzes na mahuhulog mula sa bag ko eh ang quiz ko pa sa Research Education na may score na 4/15?!!!


Sinong hindi mahihiya?! SINOOO?!!!

~~~~~

LJ's POV


Ang cute niya talaga. Naninigas na namumula. Kailan ba 'ko aamin sa kanya?


I should start making moves. 4th year na 'ko. At my OJT na kami next sem.


I really should start planning.

~~~~~

May's POV


Spell haggard.


M-A-Y !


Huhuhu! First sem pa nga lang, pero feeling ko nag o-OJT na 'ko. Pano ba naman? Sabi kasi nung isa naming Prof eh may Field Study daw kami sa isang malayong lugar. Alam ko dapat excited ako. Pero kasi! Kasi naman tologo! One of the weekdays yun eh! Wednesday!


Hindi ko makikita ang aking mahLaabs! Huhuhu! Dehado na nga ako tuwing Sabado at Linggo pati ba naman Wednesday? At ang malala pa, sila din may FS that day! Pano na lang kung may makakita sa kanya dun na isang magandang babae na kahit isa siyang beki ay hindi niya matanggihan? Paano na ko?!


Ibang school pa naman yun! Hindi nila alam ang tunay na katauhang nag tatago sa katawang macho at yummy ni LJ maahLaabs!  Huhuhu!


Mabuti man lang kung--


"Ms. Bautista!"


"Ay ano po yun Sir?" napatayo ako nung narinig ko ang psagsigaw ng Prof ko sakin.


"Hindi ka nakikinig. 'Di ba ikaw ang Secretary? Isulat mo sa board ang details about our FS. And who's the secretary of your section Mr. Lacson?" bumaling si Prof sa mga taong papasok ng classroom namin.


Inilibot ko ang mga mata ko at hinanap ang isang taong nakakapag pabilis ng tibok ng aking puso.


Eyes to eyes.


"May~" si Mimi.


Ay oo nga pala! Ehehehe! Nawili ako. Naglakad ako patungong blackboard.


Teeeeka? Bakit sila nandito? As far as I know, hindi na kami classmates this sem. Don't tell me, ng US nanaman and magkaka classmates ulit kami? Eeeeeeh! Sana nga. Pero midTerm na next month ah! Pwede pa ba yun?


At bago pa man lumipad sa kung anong deminsyon ang utak ko, nakinig na ko sa Prof namin na nag e-emit na ng laser beam papunta sakin.


"May nabago sa schedule ng FS niyo." pagsisimula ni Prof. "Tutal, pareho naman ang subject na itinitake niyo at vibes (aba! Buma-vibes si Prof!) naman kami ng Prof nila, napag desisyonan namin na pagsabayin ang section niyo sa Wednesday and also with the same place. Okay? May against ba?"


"Wala po Sir." agad kong sagot sabay hands up pa.


"Hahahaha!"


Hala? Bakit nila ko tinatawanan?!


"Si May napaghahalataan! Hahahaha!"


Bwesit na Mimi to! Pinanlakihan ko nga ng mga mata! Siya yung pa
halata eh!


At syempre! Kanina na hindi ako excited, ngayon, EKSOYTED na EKSOYTED na ko!!


Makakasama ko ng one day and one night ang aking maahlaabs! *insert falling hearts here*


This will gonna be soo much fun!


With LJ maahlaabs, of course :)

~~~~~

LJ's POV


Hindi ko aakalaing tadhana na ang gumagawa ng paraan paraan para kami ay magkalapit ni... May.


Hindi na ko mahihirapan pang mag-isip kung paano ako magcoconfess sa kanya. Ang mahirap dito eh kung kaya ko bang gawin ang mga naisip ko?


But you need to.


Oo na. Sana nga lang effective.


I'll make her mine this Wednesday.

C R U S HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon