LUKE'S POV
"Luke! Gising!"
Napabalikwas na lang ako sa kama. "Ano ba?! Ang aga aga, umayos kayo!" Singhal ko sa kung sino man sumisigaw sa labas ng kwarto ko.
"Luke! Come on! I need you to look for someone" boses 'yon ng peste kong tatay.
Tumingin ako sa alarm clock sa may bedside table ko. 8:00 AM pa lang. Mamayang 11 pa ang pasok ko. Bwisit!
Inis na bumaba ako sa kama. Wala na si Galaxy. Maagang nagigising ang isang 'yon. Alas kwarto pa lang, naglalaro na 'yon. Ba't kasi hindi na lang ako bata forever para walang masusungit na instructors akong makikita mamaya sa school.
"Ano ba 'yon, dad?!" sigaw ko uli nang makalabas ako ng kwarto. Masama ang timpla ng mukha ko habang bumababa ako sa kusina.
Samantalang ang lawak ng ngiti ng tatay ko nang madatnan ko siya. Tinuro pa niya ang baso ng gatas sa tapat niya. Yes people, I drink milk.
"Sit down, sweetheart."
"Yuck. Don't go bromance on me." Umupo naman ako pagkatapos kong mag-gargle.
Tumawa naman ang magaling kong tatay. I started to drink my milk.
"You see, nanakawan kami ng mama mo kaga--!"
I spit my milk. "Ano?!
"
"Yuck, Luke. 'Yong laway mo, tumalsik!"
I wiped my mouth and chin. "Eh kayo eh! Anong nanakawan?"
"Nag-drop by kami sa isang bakery kagabi bago umuwi. Eh nung inaantay ko ang mama mo, nagyoyosi ganun ganun, biglang may dumukot sa wallet ko. Adi syempre, hinabol ko pero hindi ko naman naabutan kasi hindi ko gaano alam ang lugar na 'yon tsaka madilim 'yong pinasukan niya."
"In short, wala akong allowance ngayon, ganun?" panghuhula ko. Malamang 'yon ang ending ng story niya. Malas! Hihingi pa ako dapat ng pera sa kanila eh!
Binato niya sa'kin ang crumpled tissue paper. "Bastos!" Natatawang turo niya sa'kin.
I rolled my eyes. "O ano nga, dad? Wala akong allowance ano?"
He sighed. "Hindi pa tapos ang nobela ko. Kaya 'yon nga, hindi ko siya nahabol pero nung bumalik ako sa sasakyan may babaeng bigla na lng sumulpot sa likuran ko. Binabalik niya ang wallet ko. Tinanong ko pangalan, hindi nagsalita. Nag-sign language. Tingin ko, pipi 'yon."
Tinungga ko na ang laman ng baso ko. "So dad, may allowance ako ngayon?"
Dad made a face. "Lokong 'to. Allowance na lang ba talaga importante sa'yo?" He glared at me. "OO! May allowance ka, pasalamat ka dun sa pipi."
BINABASA MO ANG
The Delinquent and The Silent
Teen FictionA mute girl, Century, was living a cruel life in her guardian's custody. She was a victim of physical and mental abuse. That changed when she returned a man's (Jin Aragon) stolen wallet. Still delighted about the mute's help, Jin then asked his up t...