Tinitingnan ko siya habang natutulog. Kitang kita pa din ang trace ng kamay sa leeg niya. May mahaba siyang benda sa braso at kamay because of her cuts. May benda din siya sa ulo. She's blue and purple all over pero atleast nakikita na ang itsura niya hindi katulad nung isang araw dahil duguan siya.
She's so pale. Kung hindi dahil sa machine na nakakabit sa katawan niya, pagkakamalan kong bangkay na siya at anumang oras ay ipapa-cremate na. Nailipat namin siya sa hospital namin dahil na din sa request ni papa. At mas mabibigyan siya ng special treatment dito. I mentioned we own a hospital right? No? Well, we do.
"Ano daw balak ng papa mo sa kanya?" tanong ni Danny. Kararating lang niya. Dumalaw siya ngayon dahil wala daw siyang ginagawa.
And Century's sleeping for two days now. Normal lang daw 'yon pero hindi ko gets kung paano naging normal 'yon. I shrugged.
"Ewan. May kinakausap siyang lawyer. Ewan kung anong balak nila."
"What about your mom? Anong reaction niya nung nakita niya 'to?" Nguso niya kay Century.
I laughed at him habang dinadagukan siya. "Ayun, nagulat. Eh sa mukhang kamote na 'yan eh. Hindi daw niya namukhaan."
Tumango siya. He glanced at the wall clock. "Ang tagal namang gumising niyan." Reklamo niya.
I gave him a look.
He gave me an unsure look.
**************
Century's POV
I groaned. My head hurts. Buong katawan ko, actually. I tried to move my hands but they're numbed. Ayoko namang buksan ang mga mata ko but I can feel something's attached to me.
I opened my eyes slowly. Bright lights welcomed my sight and I shut them immediately. Walang ilaw ang kwarto ko kaya nagtataka ako kung bakit ang liwanag. I don't even have windows. I think I'm not in my room.
I slowly opened my eyes again. I'm right. Wala ako sa kwarto ko. Nasa... hospital ako. I furrowed my brows. I was never in a hospital before. I tried to remember what happened to me.
Inutusan ako ng asawa ng tita ko para kunin kay Manang Betty ang hiniram sa kanilang butcher knife. Marami kasing costumer sa meat booth nila at nagkukulang ang butcher knife. Pero hindi agad ako nakabalik kasi walang tao kina Manang Betty kaya pinuntahan ko pa sila sa palengke. May pwesto sila dun at saktong nadala niya ang butcher knife.
Sa dami dami ng pwede kasing hiramin, butcher knife pa. Sa layo ng palengke, hindi agad ako nakabalik samin. Idagdag pang hindi ako binigyan ng pamasahe man lang kaya naglakad ako habang hawak ang butcher knife. Ang epic ng dating ko. Para akong timang sa lansangan.
Gabi na ako nakarating sa'min. Ang sama ng tingin ko sa bahay namin dahil may nag-iinuman na naman at ang iingay nila. At kapag may nag-iinuman, lagi na lang akong nauutusan. Mga barkada ng asawa ng tita ko ang mga 'yon at daig pa nila ang sampung utos ng Diyos sa dami ng inuutos sakin. Hindi ko naman pwedeng hindi sundin dahil mapapasama na naman ako sa tita ko at asawa niya. Bugbog sarado na naman ako.
BINABASA MO ANG
The Delinquent and The Silent
Genç KurguA mute girl, Century, was living a cruel life in her guardian's custody. She was a victim of physical and mental abuse. That changed when she returned a man's (Jin Aragon) stolen wallet. Still delighted about the mute's help, Jin then asked his up t...