Chapter 7

2.6K 85 5
                                    



Century's POV



Almost one week na akong nakaratay sa ospital na 'to and my bruises and cuts are almost healed. But scars remain. Nagpipilay pa din ang isang paa ko pero maaayos naman daw 'yon in two weeks. Hindi ko alam kung magkano na ang babayaran ko kapag nakalabas ako dito. Kelangan ko na namang mag part time job.


"Hoy"


Tumingin ako kay Luke. Siya ang kasama ko dito sa ospital araw-araw dahil may inaasikaso daw ang tatay niya. Hindi ko pa nakikita ang tatay niya pero mukhang mabait dahil siya daw ang nagpalipat sakin sa ospital nila para mas mabantayan. Yup, sa kanila ang hospital na 'to. Kung meron lang din sana akong ospital, edi sana hindi tadtad ng galos, pilay, sugat, bale at kung ano ano tong katawan ko.


"Gutom ka na?" tanong niya habang bumababa sa kama niya. Wala namang ginawa ang isang to kundi maglaro ng clash of clans sa phone niya. Bad mood siya lagi dahil napag-alaman kong hindi siya nakasama sa out of town dapat nila ng mga kaibigan niya. Hindi ko naman alam kung bakit.


Inabot ko ang tablet sa tabi ko. Bigay niya sa'kin 'yon para daw sa communication. May pen stuff na din na kasama 'yon kaya dun ako nagsusulat. I scribbled 'medyo' tsaka pinakita sa kanya.


Sa wakas, binaba niya ang cellphone niya at inayos ang pagkain namin sa mesa. Ang awkward ng dating niya sakin pero sa tatlong araw na magkasama kami medyo nasanay ako sa presence niya.


Inalalayan niya akong tumayo habang hawak ang dextrose. I mouthed 'thank you'.


Ganito lagi ginagawa namin. Kain, tulog, unting lakad, tulog and repeat. Ang boring. Hindi ko alam kung bakit ang tagal ko dito pero sabi nila under examinations pa ako.


"Gusto mo ng umalis dito?"


Tumingin ako kay Luke. I nodded.


"Pwede naman yata tayong lumabas. May café diyan sa labas, gala tayo pagkatapos kumain. Kairitang tatay ko 'yon, nakalimutan na yata tayo."


I smirked.


"Pero sana nakakapagsalita ka din para hindi lang ako ang nagsasabog ng laway" aniya.


I scribbled 'nakakapagsalita daw ako dati' tsaka smiley face.


"Weh?!"


I nodded.


"Tapos?"


'biglang hindi na ako nakakapagsalita'


"Ang ganda ng story mo. Tagos sa puso."


Tumawa ako pero walang sound syempre, ang creepy ng dating.


"Try mo nga magsalita. Sabihin mo... engot"

The Delinquent and The SilentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon