Chapter 10

2.5K 78 0
                                    


I grunted when I felt a hand pulling me up. Kung pwede lang magpasabog, kanina ko pa tinapunan ng tear gas ang isang to. Ang aga aga! Bestfriend ang katawan ko sa oras kaya alam kong maaga pa lang at may taong walang habas akong pinipilit bumangon!

"Out" I murmured. I so love sleeping I wanna marry it.

I hear no response and I didn't bother to open my eyes. Feeling ko umalis na siya. Pero bigla na lang lumipad ang comforter ko. Anak ng! Wag mong sabihing minumumo na naman ako.

I forced my eyes open. Nasilaw pa ako dahil hindi ang dim lights ko ang naka open kundi lahat ng ilaw sa kwarto ko. Hanep!

"Ano ba yon?!" Hindi ko na inalam kung sinong hudas ang gumising sakin. I grabbed my phone, looked for the time and exhaled. "Three twenty-five pa lang! God, people!"

I again hear no response. I dare to look at... "Langya Century! Ano? Binabangungot ka ba? Kasi ako, mukhang oo!"

She showed me her tab. "Simbang gabi daw"

Tumirik ang mata ko. "Wow! Anong petsa na?! December 21 na! Para saan pa ang simbang gabi eh hindi naman natin nasimulan?" I reached for my comforter na nasa sahig na. Ang lakas naman ng hatak ng pipi na 'to at sa sahig pa talaga napunta 'yong comforter.

I expected her to leave pero nakuha pa niyang umupo sa kama ko. Anong drama neto?

"What?"

She's scribbling something. "Sabi ng mama mo kailangan nating pumunta sa simbang gabi. It's an order daw. Kung gusto mo daw makuha ang regalo mo sa pasko, gigising ka daw."

I gripped my hair. "So dinadaan nila ako sa black mail?"

She shrugged. And doon ko lang napansin na wala na siyang bendang nakabalot sa kung saan saan except sa kamay niyang nasugat kahapon. But I can still see those bandages sa ribs niya dahil ang nipis ng shirt niya.

I sighed. Kakalbuhin ko ang tatay ko kapag hindi dumating sa pasko ang gusto kong regalo.

I stood up, grabbed clothes. "Out. I'll shower" I dimmed the lights.

Hindi ko na siya hinintay lumabas at pumasok na ako sa bathroom.

Simbang gabi's one of the occasion my parents never missed. Well except ngayon since they've been busy with the business and Century's case. Tuwang tuwa naman ako dahil kala ko postpone ngayong taon ang simbang gabi namin. Kasi syempre hindi namin na-start. Malay ko bang itutuloy pa namin. Ang hirap bumangon ng maaga...

I changed into black jeans and white printed shirt. I went out with my dog tag in my hand.

I went straight to my closet to grab a thick hoodie dahil nagyeyelo sa labas! I wore my dog tag and grabbed socks. I started looking for my chucks under my bed when I noticed a figure sleeping on it.

Syempre dumugudog na naman my heart dahil feeling ko na talaga... may mumu sa bahay na to.

Napahilamos na lang ako sa mukha nang mapansin kong si Century na naman pala. Pusang gala! Ano bang meron sa disabled na 'to?!

"Century! I thought I told you to get the freaking out my freaking room?"

She steered then sat up.

"Wow. Pambihira Century! Pinadala ka para gisingin ako pero ikaw naman tong na-knock out diyan!" I hissed.

She gave me an irritated look.

"Up, woman."

She stood up. I grabbed my chucks and wore it.

The Delinquent and The SilentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon