Chapter 4

2.7K 79 2
                                    



"I miss you, Luke!" sigaw ni Danny habang bumababa siya ng sasakyan niya. Lokong to.

Ang ingay niya kaya ayoko sana siyang isama sa paghahanap dun sa pipi pero mas okay ng may kasama ako. Baka mas mapadali paghahanap ko sa kanya.

Nang makalapit siya sa'kin, bigla na lang siyang yumakap.

"Danny! Ano ba?! Bakla ka ba?" nandidiring tanong ko.

Alam ko naman na hindi siya bakla, sadyang malambing lang siya para sa lalaki. Pero kahit na! Nakaka-ewan siya eh. Kahit mas marami siyang nakamang babae kesa sa'kin, hindi ko pa din mapigilang isipin na silahis siya dahil kung umasta siya, daig pa niya ang girlfriend.

Ang lutong ng tawa niya habang kumakalas sa'kin. "Gusto mo bang patunayan ko pa?"

Inayos ko ang hoodie ko. "Wag na! Umayos ka. Kelangan ko ng tulong mo kaya magpakatino ka. Wag ako ang minamanyak mo, manyak!"

He touched his heart. "Ouch, Luke. Break na tayo!" aniya sabay talikod.

Hinila ko ang baba niya bago pa siya makalayo. "Ang drama mo naman Danny eh. Umayos ka sabi. May hahanapin pa tayong pipi."

He grinned. "Sabi ko na nga ba napaka-importante ko sa'yo." Tuwang-tuwang sabi niya sabay hablot sa picture na hawak ko.

"Snatcher..." bulong ko.

"Ito 'yong amazona na bumangga sa'kin nun sa elevator!" hiyaw niya sabay kunwaring sinasakal niya ang picture.

"Oo siya 'yan."

He angled his head. "Ano pangalan neto?"

"Century Zapanta"

"Ibang klase namang pangalan yan..." bulong niya. "O sige, dun ka maghanap. Ako dito" aniya sabay iwan sa'kin. Lokong to.

"Langya Danny! Iisa lang 'yang picture! Paano ako maghahanap kung nasa 'yo yan?" reklamo ko.

Kumamot siya sa ulo. "O, hati tayo..." tatawa-tawang sagot niya habang kunwaring pinupunit niya 'yong picture.

"Gago"







"May kilala po ba kayong Century Zapanta dito?" tanong ni Danny sa isang tindera. "Ito po ang picture niya"

Tiningnan naman nung tindera 'yong picture pero dahan dahan din siyang umiling. "Wala eh. Pasensiya na."

Tumango ako. "Okay lang po. Salamat."


Naka-ilang tanong na din kami sa kung sino sino pero hindi naman nila kilala si Century. Nagtataka tuloy ako kung tama ba 'tong lugar na pinuntahan namin. Babalatan ko talaga ng buhay ang tatay ko 'pag mali siya ng impormasyon.


"Anong oras na?" tanong ni Danny.

Tumingin ako sa cellphone ko. "2 PM na"

"Kaya pala gutom na ako..." reklamo niya. Humawak pa siya sa tiyan niya sabay tingin sa'kin.

I rolled my eyes. "Tayo na diyan! Kakain na tayo, hudyo ka."

Agad naman siyang tumayo. PG!




The Delinquent and The SilentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon