12: The Meeting (Part 1)

2 0 0
                                    


  Kit's POV

Nung alam ko ng tulog na talaga sya I held her hand, namiss ko sya hawakan. Namiss ko sya katabe at namiss ko sya kasama kahit isang gabe lang yung panahong nakasama ko sya. Buti nalang tinted yung salamin ng kotse nya.
Twink twink twink
Twink twink twink

"Ice… ieya wake up."Yugyog ko sa kanya

"Hmmm"sagot nya pero hindi sya dumilat. Pagod na pagod ata sya.

"Someone's calling at your phone."i said

"Hmmmm?. Sagot mo, antok ako."sabe niya at tumagilid pa sya. At dahil wala akong magawa gumilid muna ako saglit at huminto. May nakita akong huminto din sa likod namen pero alam kong kasamahan nya. Inayos ko sya at dahan-dahang binaba yung upuan para makahiga sya ng maayos. "Mmmmm." Tapos gumilid sya paharap sakin at hinamakan ang kamay ko.

Twink twink twink . . .

Pinaandar ko ulit yung kotse nya tapos sinagot ko na yung tawag.

"Buti naman sinagot mo na sweetie."babae? Mama nya? "About pala sa mission nak, we have some lead na kung sino sya..... hello Ieya? Are you listening??"sasagutin ko ba o hindi.

"Ahm"yun lang nasabe ko at katahimikan lang ang namayani. "Gomenasai, oujosama but she's sleeping."

"Hmmm. I think i called a wrong number but it seems its my daughter's"
Ano bang isasagot ko

"I'm sorry Ma'am. It just happen tha—"

"Oh no, don't be sorry. I'm just shocked iho. Hindi ko expect eh, this is the first time a guy hold her phone."nagulat naman ako at napatingin sa natutulog kong katabe. "I think you're the guy that Min was talking about."

"Po?"Naguluhan naman ako.

"Ahaha, never mind. What's your name young man? May I know?"

"Sorry Ma'am if I introduce myself by phone call. But I'm pleased to answer your question, I'm Kyoya Iethan Takeshima, ma'am. "

"Iethan huh? Are you— ah never mind. I'm excited to meet you Iethan. By the way call me Mama. Hihihi, dun din naman tuloy niyo. Call me Mama Sophia."Natawa naman ako sa mama ni Ice. "And don't say to my daughter that we'll go there okay. Bye, take care Iethan. Take good care of my daughter or else you'll be killed by my husband. Hahahaha."then nag end call na, nakangiti padin ako and remove my headset then hold her hand again.

. . . . . . . .

After few hours....

Pumasok kami sa isang subdivision named Enchanted. Sinundan ko lang yung nasa unahan ko then it take few turns hanggang sa huminto sya sa isang malaking gate. Malawak din yung property. Pinasok nila yung mga kotse nila kaya naman sumunod Lang ako hanggang sa makarating sa parking area. Yung parking nila may number bawat space. Kelangan ko na ata sya gisining.

"Ice, ice. Uy... pssst." Bat ayaw nya gumising (-_-!!) Hahalikan ko to pag di to gumising. "Ieya."isa "Ieayasha."dalawa "Kitten."tatlo ayaw mo ah. I lowered my head down to her and reach her lips pull it to mine.

"Mmmmm."O.O ganyan reaksyon nya tas tinulak ako.

"Ouch."

"A-ah, ha-hala. O-okay kalang? I-ikaw kasi ginulat mo ako."ahahaha nakakatuwa syang magpanic. Halatang hindi nya alam gagawin nya eh nasa loob pa kame ng kotse nya. Ang liit ng space kaya hindi kami makakilos at masakit talaga yung pag kakauntog ko. Sumandal ako sa upuan sabay pumikit dahil nahihilo pa ako at hinawakan ko yung likod ng ulo ko. Ang lakas nyang tumulak.
"Ano."hindi ko muna sya pinansin. Nang naramdaman ko nalang na may biglang umupo sa lap ko kaya napadilat ako and to my surprise O.O
"Patingin ako baka nabiak na ulo mo."sabe niya pero hindi sya makatingin sakin. Napangiti naman ako.

Black Prince meets the Ice EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon