Tres

2.7K 16 1
                                    

"Saan ka na naman pupunta?" Hinawakan ko ang braso ni Macy bago pa ito makasakay sa sasakyan niya

"Ano ba! Mag cecelebrate lang ako. Bitawan mo nga ako" Sinusubukan niya tanggalin ang kapit ko sa braso niya

"Celebrate? Para saan?"

"Duh! For Stacy's Pregnancy" Nakangisi niyang sagot sa akin

"Ano dapat ika-celebrate duun?" Bumuntong hininga ito

"Hindi kasi ako kasing bitter mo, Aidan" Naniningkit ang mga matang tinignan ko siya

"What are you trying to point out?" Nabigla ako nang malakas niyang binawi ang braso niya mula sa pagkakahawak ko

"MOVE ON"

* * *

"Seryoso ka? HAHAHHAHA" Kanina pa tawa ng tawa 'tong ugok kong kaibigan mula nang ikwento ko ang huling sinabi sa akin ni Macy. Napagpasyahan kong maaga umuwi mula sa trabaho dahil nababagabag ako buong maghapon sa sinabi ni Macy sa akin kaya eto kami ngayon ng kaibigan ko umiinom sa bahay at tinatawanan ako sa kwento ko

"Oo nga" Naiirita kong sagod pagkatapos ay nilagok ko ng diretso ang beer na hawak ko

"Dude!" Umakbay sa akin si Michael, ang tangi kong matalik na kaibigan na lalaki "Hayaan mo na lang yang asawa mo" Natatawang sabi nito

"Hinahayaan ko naman ah. Eto siyang palala lang ng palala"

"Pabayaan mo na. Babae yan! May needs rin yan" Anong needs ang pinagsasabi nito?!

"Aray!" Binatukan ko ito ng malakas "Ba't ka nambabatok?!"

"Anong needs ang pinagsasabi mo?" Umiling iling ito sa akin

"Dude, tao lang yan si Macy. May sexual needs kumbaga!"

"Aray!" Binatukan ko ulit "Nakakadalawa ka na ah! Sasapakin na kita"

"Eh ugok ka kasi! Binibigay ko rin naman sa kanya yun pag gusto niya"

"Tsk tsk.." Sumimangot ito at tinignan ako "Kulang pa yang binibigay mo"

"Ano ba pinagsasabi mo? Lasing ka na siguro" Nakakadismaya lang na marinig pa yang mga salita na yan mula sa ibang tao

"Aidan, nakaka anim pa lang ako. Wala pa yan" Turo nito sa mga bote na nainom "Atsaka tignan mo nga.. Hindi naman siya makikipagsex sa ibang lalaki kung kulang yang binibigay mo o pangit yang performance mo sa kama" Tinignan ko siya ng masama. Akala mo naman kung sinong magaling sa kama

"Hoy! Anong nginingisi ngisi mo dyan? Aminado ka na ba na hindi ka magaling sa kama?" Kesa maasar ako sa sinasabi niya ay mas lalo lang akong napapangisi. May naalala kasi ako nung college days namin..

"Natatandaan mo pa si Cami?" Kumunot ang noo ng kaibigan niya nang marinig ang out of the blue na katanungan ko

"Oo? Ba't mo ba bigla bigla natanong yan?"

"Wala lang. May naalala lang akong sinabi niya sa akin dati..." Mas lalo akong napangiti nang maalala ang kinuwento ng dating kalandian ng kaibigan kong ito. Halos magdikit na ang dalawang kilay ng kaibigan niya sa lalim ng pagkunot nito "Dude! Nakalimutan mo na ba?" Nanunudyok na tanong ko rito

"Diba sabi niya masyadong malii--" Hindi pa ako natatapos sa sasabihin ko nang tapunan na niya ako ng chips at duun ko lang nabuhos ang kanina ko pang pinipigilan na tawa

"Manahimik ka nga! Sadyang maluwang lang siya! Atsaka wag mo na nga rin ungkatin ang nakaraan!" Naiinis na sabi niya sa akin at inisang lagok ang inumin niya

AdúlteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon