Otso

1.7K 16 7
                                    

Nagising ako nang may malawak na ngiti sa aking labi.

Today is a good day!

Nag-inat ako ng aking katawan at bahagyang napatingin sa tabing espasyo ng kama at nakitang wala na si Macy duun. Sinilip ko ang oras sa aking phone at nakitang alas siete na ng umaga. Bumangon na ako at pumunta sa banyo para umihi at magsipilyo. Bago ako bumaba, kinuha ko muna sa isang kwarto yung papel na kailangan kong ibigay kay Macy. Dahan dahan akong bumababa at tahimik na nagmamasid sa sala para tignan kung anong ginagawa ng napakamasunirin kong asawa ngayon. Dumiretso na lang ako sa hapagkainan nang mapansin kong wala siya rito.

"Iho! Good morning" Bati sa akin ni Manang na nag-aayos ngayon ng hapagkainan. 

Teka, bakit si Manang gumagawa nito?

"Manang, nasaan si Macy?" Tanong ko rito nang hindi ko makita ni anino ng babaeng yun. Mukha naman nataranta bigla si Manang nang itanong ko yun sa kanya

"Eh, Iho.. Magj-jogging daw siya dahil nas-stress daw siya sayo" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. 

Ano daw? Jogging? 

Napabuntong hininga na lang ako at napahilot sa sentido.

Ako ngayon nas-stress sa kanya!

"Kabilin bilinan ko kagabi, Manang na siya gagawa ng lahat ng ito. Bakit mo naman pinayagan umalis? Paano na ngayon siya masasanay sa gawaing bahay kung ikaw parati kumikilos?" Sermon ko rito.

"Pasensya ka na, Iho. Naawa lang ako sa asawa mo" Paliwanag niya sa akin

"Manang, kung parati kayong maawa sa kanya, walang mararating sa buhay yan si Macy" Nakakaintinding tumango si Manang at bumuntong hininga

"Masyado mo naman kasi siya pinapahirapan"

"Ganun talaga, Manang. Hindi na siya bata. Marunong naman yan magluto, tinatamad lang dahil nandyan kayo para gawin lahat sa kanya. Atsaka kung sa gawaing bahay pa lang wala siyang alam.. Paano pa pag may anak na siya?" Gulat na napatingin ito sa akin

"Bakit iho? Buntis na rin ba si Ma'am?" Natatawang umiling ako. Hindi ko kailanman naisip na mabubuntis yan dahil alam kong hindi pa yan handa maging ina.

"Just train her hard, Manang" Muling pakiusap ko rito bago niya ihain sa akin ang umagahan.

Nagsimula na akong kumain at kasabay nito ay nagbabasa rin ako ng mga balita sa Ipad nang marinig ko ang pamilyar na yabag ng paa na papasok sa hapagkainan. Nagkasalubong ang mga tingin namin ni Macy nang pumasok siyang pawisin sa loob ng hapagkainan. Hindi man lang ito nagulat sa presensya ko at dire diretsong pumunta sa ref para lagukin ang isang bote ng tubig. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya at masuri siyang hinintay matapos

Of course, I'm disappointed. I should have expected more of this to happen..

"What?" Naiinis nitong tanong sa akin nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya

"Nagpaalam ka ba sa akin?" Naiinis ko rin tanong rito. Kibit balikat lang siyang sumagot at umupo na sa tabi ko para mag-handa pa ata kumain

"You were asleep" 

"Meron bang nagjojogging sa oras ng trabaho? Nakikita mo bang ginagawa yun nila Manang at Yaya linda?" Nagpakawala ito ng nakakapagod na buntong hininga at irap

"Kung pinapayagan mo sila, edi sana sabay kaming nag-jogging" Napailing na lang ako sa sarkastikong sagot niya.

Napansin kong kukuha na sana siya ng kanin nang tapikin ko palayo ang kamay niya

AdúlteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon