Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang magkaharap kami ng gagong yun. Nang mapagtanto kong may tinatago si Stacy sa akin, hinatid ko na siya diretso sa bahay niya at mula nang makauwi ako nang gabing yun, hindi ko rin kinikibuan si Macy.
No, hindi ko siya iniiwasan. Masyadong pre-occupied lang ako sa trabaho na hanggang sa bahay dinadala ko ito. I have less than 3 weeks to meet our deadline sa monthly quota and I have to keep track of the sales they are making sa UK kahit hindi ko na yun trabaho. Pag may libreng oras naman ako, nauubos yun sa kakaisip at kakaintindi kung bakit kailangan magsinungaling sa akin ni Stacy sa isang simpleng tanong. Hindi naman kasi siya ganun. Sa loob ng dalawampu't taon mahigit namin pagkakaibigan, hindi siya malihim at hindi siya sinungaling kaya ganun na lang ka-obvious pag may nililihim siya sa akin. Kung ibang tao ito, pinilit na siguro siya magsalita pero hindi ako basta ibang tao lang. Matalik na kaibigan niya ako kaya alam kong magsasalita rin siya pag handa na siya pero ang problema ngayon ay nasa akin dahil tuwing sinusubukan ko siyang intindihin, nakakaramdam ako ng inis.
Nastorbo ako sa pagi-isip nang malakas na binagsak ni Macy ang phone niya sa lamesa habang kumakain ako ng hapunan. Naiiritang sinalubong ko ang tingin niya at akala mo kung sinong señora dito sa bahay na nakapamewang pa sa akin.
Idadagdag ko yan sa listahan na kailangan niyang baguhin sa sarili niya. Walang modo talaga to.
"What?"
"Look" Utos niya sa akin sabay dulas ng phone niya sa lamesa patungo sa kinauupuan ko. Nagtatakang sinilip ko ito at bumungad sa akin ang isang litrato na nakayakap ako ng mahigpit sa kapatid niya "Kung maglalandian lang kayo, pwede sa walang makakakita sa inyo na kakilala ko?" Naiirita niyang sabi
Tumayo na ako at hindi na tinapos ang pagkain ko dahil nawalan na ako ng gana kumain at pakinggan yung mga susunod niyang sasabihin.
I am really mentally drained sa magkapatid na ito. Parehas na ngang may tinatago sa akin at kung makaasta pa tong isa na ito akala mo hindi gumagawa ng katarantaduhan sa buhay niya. Bigla ko na naman tuloy naalala yung putanginang Luke Salguero na yun na bigla bigla na lang sumusulpot sa buhay namin. Noong bago kami ikasal ni Macy, pinahanap ko pa sa mga kakilala ni Papa yung lalaking yun at nabalitaan kong lumipad siya papuntang Colombia. Hindi ko na kinuwento kay Macy noon na alam ko kung saan nagtatago ang ex niya dahil baka mag back out siya sa pagpapakasal sa akin. That was what I did to get what I want. Ngayon, hindi ako mapanatag dahil alam ko na habang nandito pa sa Pilipinas yung lalaking yun, gulo lang ang mangyayari sa amin ni Macy.
"Nakikinig ka ba sa akin?" Pasigaw na tanong sa akin ni Macy na kanina pa pala nakabuntot sa akin patungo sa loob ng kwarto
"Ano sabi mo?"
"Dakdak ako ng dakdak hindi ka rin pala nakikinig" Naiirita uli niyang saad sa akin na ikinakunot na ng noo ko
"Why are you acting like a nagging wife?"
"I'm just acting as a faithful wife like you said" Panunuya niya sa akin na ikinailing ng ulo ko
This girl is driving me nuts
"I said be one not act upon it" Kibit balikat siyang umupo sa gilid ng kama at binalik ang atensyon niya sa pagp-phone
"Whatever. Just keep your affair a discreet" What? Did she really say that?
"Affair? I'm not even fucking your sister" Kutya ko sa kanya na ikinatawa naman niya
"But you do wish you're fucking her, right?" Balik kutya niya na ikinapinting ng aking tenga
I am not that a maniac to fantasize having sex with Stacy. Yes, I am a man and I do love Stacy but I'm not that a pervert to wish I was fucking Stacy instead of her. Hindi libog lang ang nararamdaman ko para sa kapatid niya at para insultuhin niya ang nararamdaman ko sa kapatid niya ay nakakaubos pasensya na talaga.
BINABASA MO ANG
Adúltera
RomancePreviously known as: My Slutty Wife Votes and Comments are highly appreciated! PS: This story's been on hold for 5 years and there's no denying that I totally lost inspiration writing this.. PPS: I did major editing in my writing style and in the f...