"Mama!" Malugod kong tinanggap ng yakap ang Ina ko na kakarating lang galing Spain "Since when did you get here?" Nagtatakang tanong ko sa kanya dahil hindi ko man lang narinig yung pagbukas ng pinto ng kwarto namin kanina
Makahulugang tinignan lang niya ako bago haplusin ang pisngi ko "I just arrived this morning. Naisip ko lang bisitahin ka but to my surprise, Macy is in the house right now.." Tsaka niya sinulyapan si Macy sa likod ko. Pag dumadalaw kasi si Mama sa bahay, madalas wala si Macy kaya naman ganun na lang ang pagkatuwa niya nang makita ulit si Macy
"Sorry po, Ma.. Naging busy lang po ako" Nahihiyang sambit ni Macy kay Mama. Nakangiting lumapit naman si Mama rito para yakapin
"Okay lang, Anak. It's been a while since I last saw you. Nung huli tayong nagkita malaman ka pa pero parang ang laki na ng pinayat mo ngayon? Kumakain ka pa ba ng tama?" Naga-alalang tanong niya kay Macy nang mapansin niya ang katawan nito. Nakasimangot na humarap si Mama sa akin at tinanong ako "Anak, inaalagaan mo ba ito ng maayos?"
"Ah, Ma! I'm okay. Nagd-diet lang talaga po ako ngayon" Natatarantang sagot agad ni Macy sa tanong ni Mama sa akin "Gusto niyo dito na lang po kayo mag dinner? I'll cook something for you po" Matamis na nginitian ni Mama ito
"I'd love that" Ngumiti pabalik si Macy rito bago magpaalam na bababa na para magayos ng iluluto niya
Nang makaalis na ito sa kwarto, humarap sa akin si Mama na may makahulugang tingin na naman sa mala tsokolate niyang mga mata
"I saw how you treated her" Hindi na ako nagulat kung alam na niya ang nangyayari sa amin mag-asawa. Base sa ekspresyon ng mukha ni Mama halatang nabigo siya sa nakita niya at narinig niya "Why?" Nanlulumong tanong niya sa akin
"Mama, It's just a petty fight"
"It doesn't look like one"
"Come on, Mama. Wala lang yun. We're both mad at each other kaya nasabi lang namin yung mga salita na yun" Pagdadahilan ko na lang sa kanya pero mukhang hindi siya nakukumbinsi sa sinasabi ko "Mama, pag stinress mo pa sarili mo sa problema na yun tatanda ka agad sige ka" Pananakot ko na lang sa kanya para maalis yung nakakailang na titig niya sa akin
Natawa naman ito sa sinabi ko "Stop changing the subject, Anak"
"I'm not" Tanggi ko sa kanya at tinaas ang dalawa kong mga kamay
"Nanay mo ako, Aidan. I think I deserve to know what's on your mind and what's in your heart" Seryosong isinaad niya sa akin kasabay ng pagturo niya sa ulo at dibdib ko
"Mama" Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at pinantay ang mukha ko sa mukha niya "What's on my mind is knowing stories about your workscapades in Spain and what's in my heart is spending a weekend with you dahil namiss ko ang maganda kong Mama" Nanlalambing kong sagot sa kanya kaya lang mukhang wala rin epekto dahil sumimangot lang ito sa akin lalo
Napabuntong hininga na lang ako sa tigas ng ulo ni Mama na ayaw itiwalag ang usapan na yun
"Fine, let's talk about it" Pagsusuko ko sa mga simangot na binibigay niya sa akin magmula kanina pa. Lumabas na kami sa walk-in closet at tumungo naman siya sa paanan ng kama para umupo kaya naman umupo na lang ako sa upuan ng vanity mirror ni Macy
"Gusto ko malaman kung bakit ganun mo na tratuhin ang asawa mo?" Napatikhim agad ako sa unang resbak na tanong ni Mama. Paano ko ba sasagutin yan? Safe answer or honest one? Hindi ko naman pwede sabihin na nakulong si Macy dahil baka mag-iba tingin ni Mama rito kaya duun na lang tayo sa safe...
"I just snapped. She was threatening to leave me and I don't want that kaya napunta kami sa ganun usapan"
"Bakit naman niya gusto umalis ng bahay?" Nag nagtatakang tanong niya sa akin pero dahil wala ako masagot sa kanya ay nagkibit balikat na lang ako. Naniningkit ang mga matang tinignan niya ako "May babae ka ba, Aidan?" At yan ang problema sa mga babae, kaming mga lalaki ang sinisisi agad
BINABASA MO ANG
Adúltera
RomancePreviously known as: My Slutty Wife Votes and Comments are highly appreciated! PS: This story's been on hold for 5 years and there's no denying that I totally lost inspiration writing this.. PPS: I did major editing in my writing style and in the f...