Nueve

1.7K 19 1
                                    

Ala una na ng madaling araw nang makauwi ako sa bahay. Pinarada ko na ang aking kotse sa garahe at dumiretso na sa kwarto para makaligo at makapagpahinga

Today is tiring! My mind is fully drained. I managed to finish everything around 10pm but I went straight to Papa's place to hand over my revised financial report as well as the plans we'll take to boost up the sales. Overall, he was impressed. We decided to send a team straight away sa UK to start our plans. We had a couple of drinks to talk about my marriage and mom of course. Nakakatawa lang isipin na mom still has an impact sa kanya. Sometimes I just want to say straight up na magbalikan na lang sila but I know that's impossible to happen lalo na't i'm hearing from other people that both of them are seeing somebody else so it's out of my business anyway.

Pagbukas ko ng kwarto napansin kong gising pa si Macy at nagp-phone sa kama. Tinignan lang niya ako saglit bago binalik ang tingin sa phone.

"You're still awake" Puna ko sa kanya habang tinatanggal ang coat at sapatos ko

"Unfortunately, yung amo ko ang tagal umuwi" Binaba na niya ang phone at humiga na 

"You were waiting for me?" Pang aasar ko sa kanya

"I'm not. I'm not yet sleepy pero ngayon, I am. So good fucking night"  Matabang na sagot niya sa akin bago nagtalukbong ng kumot sa ulo

"Hey, Macy" Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin "Hey.." Umupo ako sa gilid niya at tinanggal ang kumot sa ulo niya. Nakapikit na ang kanyang mata pero nakakunot ang kanyang noo. Gusto ko matawa sa inaakto niya.

"Hey, I'm sorry kung inumaga na ako ng uwi" Taimtim kong paghingi ng tawad sa kanya. Bigla niyang dinilat ang mga mata niya at napaupo. Napansin ko ang pag lalim ng kunot ng noo niya at naguguluhang tinignan ko

"Why are you saying sorry? Hindi naman kita inantay, Aidan" Nakaramdam ako ng hiya sa paghingi ko ng tawad kaya tumayo na ako at lumayo sa kanya

"Okay" Simpleng sagot ko na lang sa kanya bago siya talikuran. Napansin kong sumunod siya sa akin sa banyo, kinrus ang magkabilaang braso niya at naiiritang tinignan ako

"I mean sana you should have given me a heads up kung di ka uuwi ng maaga so that I won't cook dinner" Napabuntong hininga ako sa sinabi niya

Girls. Di mo talaga maintindihan ang takbo ng utak

"Umuwi man ako ng maaga o hindi, alam nila Manang na its mandatory to cook dinner. And what's the problem? Kumain ka naman diba?"  Sandali siyang nabigla sa tanong ko at umiwas ng tingin "Kumain ka ba?" Muli kong tanong sa kanya

"Oo" Iwas tingin niyang sagot sa akin. Tumango na lang ako at hinintay siya makaalis para naman makapagsimula na ako maligo

"Macy, do you mind?" Pagtawag ko sa walang ulirat niyang saliri. Dali dali niyang sinara ang pinto at naligo na ako.

Nang matapos na ako, naabutan ko siyang tulog na sa kama kaya pumasok na ako ng silid damitan namin para magbihis. Dumiretso muna ako sa baba para uminom ng tubig bago matulog at napansin ko dun ang nakahandang hapagkainan. Dalawang set ang nanduun sa lamesa kaya nagtaka ako kung para ba ito bukas o kaninang nakahanda at nakalimutan lang ni Macy ligpitin. Binuksan ko ang ref at agad pumuna ng pansin ko ang dalawang punong bowl na may sticky notes na may mga sulat na:

Kasing lamig mong kanin

Kasing tabang mong ulam

Medyo naguluhan ako sa sinulat niya pero naisip ko na lang na pinagt-tripan na naman niya ako.

"Iho???" Narinig kong tawag sa akin ni Manang. Binuksan niya ang ilaw sa may kusina at mukhang bagong gising lang ito

"Nagising ko ba kayo? Pasensya na" Umiling ito at nakita ang bowl na hawak hawak ko

AdúlteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon