"Maayos mo ba yan ngayon, Kuya?" Kakapasok ko lang sa garahe para kunin ang kotse ko nang marinig ko ang tanong ni Macy sa mekaniko na pinatawag niya sa bahay para suriin ang nangyari sa kotse niya
"Eh ma'am lahat ng gulong niyo butas at sira pa ang baterya ng kotse. Kailangan pa namin to dalhin sa shop po para mapalitan agad"
"Shit!" Naiinis na sambit ni Macy pagkatapos ay napasapo sa noo nang malaman na hindi agad agad maayos kotse niya "Kelan pa yan maayos?"
"Pwede na sa makalawa, Ma'am"
"Oh sige. Ikaw na bahala dyan. Tatawag na lang ako ng uber" Binigay na niya ang susi sa mekaniko at ganun na lang ang pagkagulat niya nang mapansin akong nakatayo sa pintuan ng garahe.
Here we go...
Malalaki ang mga hakbang tinungo niya ang kinatatayuan ko at naniningkit ang mga matang tinititigan niya ako
"Ikaw may gawa nun sa kotse ko no?!" Hindi ba obvious? Pero syempre hindi yun ang sinagot ko
"I don't know what you're talking about" Maangmaangan ko sa kanya pagkatapos ay nilagpasan siya na may ngiting tagumpay sa mga labi ko na nakapinta kaya lang hindi pa ako nakakalayo nang malakas niyang hinablot ang braso ko
"Ikaw lang pwedeng gumawa niyan, Aidan! Maayos pa yan kahapon pero ngayon, hindi na! Bakit mo sinira kotse ko?!"
"Wala akong kinalaman dyan, Macy" Kunwa'y seryoso kong sagot sa kanya
"Sinungaling ka! Ikaw lang may galit sa akin sa bahay na 'to. Ikaw magbayad sa pagpapaayos niyan!" Mataray ko siyang tinignan nang marinig ko ang mga huling salitang lumabas sa bibig niya
"Kotse mo iyan diba? Ikaw magbayad"
"Bullshit, Aidan! Ikaw sumira kaya ikaw magbayad!" Hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya habang pinagmamasdan ko ang expresyon na lumalabas sa maganda niyang mukha
It's so fucking priceless
Wala na akong sinayang na segundo pa at agad kong kinuha ang phone ko mula sa bulsa ko at mabilis na pinicture-an ang naiinis na nabibigong pagmumukha ni Macy
"Ano bang ginagawa mo?! Kinakausap kita!" Naiinis naman na tinaboy niya ang phone ko na nakapwesto sa harap ng mukha niya
"You look funny" Puna ko sa kanya at bago pa niya ako masampal o masapak sa sinabi ko ay muli ko na inayos ang sarili ko at seryosong tumingin sa kanya
"Anyway, asan proweba mo sa paratang mo sa akin? Atsaka ikaw na rin nagsabi sa akin diba na wag na kita papakelaman kaya problema mo na iyan" Pangungutya ko sa kanya at saka tinalikuran na
"Aidan!" Nanggigilaiti na tawag niya sa akin at nang napansin kong pasunod na siya sa akin ay nagmamadaling sumakay ako ng kotse at pinaandar ito palayo sa kanya
Macy, it's not even half of the price you're gonna pay for being stubborn
***
"What the fuck did you just do?!" Bungad na sigaw ni Macy sa akin nang buksan niya ang pintuan ng opisina ko. Hindi na ako nagulat na nandito ang presensya niya ngayon dahil inaasahan ko rin ang pagdating niya pagkatapos naming magtagpo sa garahe kanina tungkol sa ginawa ko sa kotse niya and ah, speaking of the car...
"How's your lovely car, my dear wife?" Asar ko sa kanya dahil mukhang natuklasan na niya ang sunod kong ginawang pangsasabotahe sa buhay niya. Padabog siyang lumapit sa akin at matunog na hinampas ang lamesa ko gamit ang mga kamay niya
"Tang ina, Aidan! Anong trip mo?! Una kotse ko ngayon bank account ko? Why the fuck did you freeze my account?!" Gusto ko na naman matawa sa ekspresyon ng pagmumukha niya. Kumokota na siya sa pagpapasaya sa akin ngayon araw ah
BINABASA MO ANG
Adúltera
RomancePreviously known as: My Slutty Wife Votes and Comments are highly appreciated! PS: This story's been on hold for 5 years and there's no denying that I totally lost inspiration writing this.. PPS: I did major editing in my writing style and in the f...