Darkness covered me. Hindi ko madilat ang aking mga mata. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ang sakit ng katawan ko.
Finally, I managed to open my eyes. Nasaan ako? umupo ako sa pagkahiga ko at nag hahanap ng sign sa lugar na ito, baka kasi sakaling malaman ko kung nasaan ako.
"You okay, my dear?" Nakita ko ang isang babaeng nakapony tail at mahaba ang buhok.
"Ok ka na?" Hindi ako sumagot. Hindi ko siya pinansin.
"Nasa Clinic ka ngayon sa school. Binugbog ka yata ng kaklase mo e." Nag-aalalang sabi ng babae. So nasa clinic pala ako ngayon?
"OK na ka ba? Gusto mo ba bang pumunta sa room mo?" Ulit, hindi ko umimik. Wala akong ganang gumalaw. Gusto ko munang matulong sa malambot na kama dito sa clinic.
Makakatulog na sana ako nang biglang may sumigaw.
"ERIK!"
"Shhh" Pinatahimik ng babae yung sumigaw.
"Erik, ok ka na ba?" Pumunta sa pwesto ko yung taong iyon. Kahit hindi ko siya tiningnan, alam kong si Jericho na 'to.
Nagsmile lang ako sa kanya.
"Maghihintay na lang ako dito hanggang sa makalabas ka, ah?" Nag-aalala na rin pala si Jericho. Gusto ko sanang tumanggi kaso. Alam kong alalang-alala siya. So, pinag bigyan ko siya.
Nagising na ako sa aking pagkatulog. Anong oras na ba? Tiningnan ko yung relo ko. 2:11 PM na. 3:00 kami uuwi. OK na ako. Pero nararamdaman ko pa rin yung sakit ng katawan ko. Pero bakit ang bigat ng paa ko? Tiningnan ko yung paa ko at.... Andun si Jericho. Napangiti na lang ako sa ginawa nya.
Umupo ako at tinapik-tapik yung braso nya hanggang sa makagising siya.
"A-ano?" Nagulat ako sa reaksyion nya, but ngumiti rin ako. Yumuko ako sa kanya bilang pasasalamat. Eh, si Lyla? OK lang ba siya? Kumuha ako ng ballpen sa bulsa ko at nagsulat sa palad.
"Lyla?"
"W-wala dito, nasa room siya ngayon"
"Ok lang siya?"
"Oo, ikaw ok kana?" TUmungo ako ang nginitian siya.
Bumalik na sa klase. Nang pumasok kami, sumulubong agad sa'kin yung teacher namin at mga estudyanteng nagbubulungan. PInaupo naman kami ng teacher. Nakita ko yung demonyong nakatingin sa'kin at nakangiti.
Tahimik lang ako sa klase. No I mean, hindi ako nagpaparticipate. Gusto ko nang umuwi. 3 minutes na lang. Tumitingin lang ako sa orasan ko. 2 minutes. 1 min. 12 sec. 5. 4. 3. 2. 1.What? Bakit wala pa akong naririnig na Good Bye Class ???? So, overtime? Tss. Naghintay na lang ulit ako ng 2 min.
Bago ako umuwi, hahawakan ko sana si Lyla para ihatid sa bahay nya, kaso may biglang tumapik sa kamay ko.
"Ako na." Sabi ng demonyo. Tumungin ako sa kanya. yung I-Can't-Trust-You Look. Hindi naman talaga siya makakapagkatiwalaan. Hinawakan ko yung braso ni Lyla.
"Ok na ako, Erik. Siya naman talaga yung dapat na mag susundo sa'kin, eh." Sabi ni Lyla na may pag-alala.
Ngumiting bibe sa'kin si Mark. Napahiya ako dun, ah.
Tiningnan ko silang maka alis sa school. Umuwi na rin ako.
*Sa bahay*
"Tok tok tok"
Kumatok ako n kumatok sa pinto ng bahay namin hanggang sa binuksan ito ni Mama.
"Oy! Kamusta First class? Masaya ba?" Nakangiting tanong ni mama. Well. My first class? Nevermind.
BINABASA MO ANG
Special Love
RomanceAno ang pakiramdam kapag ikaw ay pipe? Ano ang pakiramdam kapag hindi mo masabi ang gusto mong sabihin? Masasabi mo ba ito sa isang babaeng special sayo? Lalo na kapag Bulag ang babae? Gusto mo ba ituloy ang nasimulan nyong pagsasama kahit hindi kay...