A-ang bigat nya, hindi ko siya maialis. Eh pano ba naman kasi, nakahiga ako at nakapatong siya. Matindi yung kapit nya sa'kin. Siguro takot na takot talaga siya. Umiiyak kasi siya.
"E-erik" Nagsalita siya,kahit umiiyak. Hinintay ko siyang mag salita ulit.
"N-n.. Nata-----Natatakot a-ko."
"Nandito lang ako, Lyla. Hindi kita iiwan." Argh! Bakit ba walang lumalabas sa bibig ko? Gusto kong sabihin sa kanya 'to!
"E-erik. Huw--------" Napatigil siya sa pag sasalita nang may biglang tumili.
"GSFGNKFJGNSFJIPNKDJLGKSFHPSFKSFDGFDHFG" Kung ano-ano ang mga pinagsasabi ni Jericho nang nakita nya kaming dalawa. Lumaki ang mga mata nya at nakangiti. May dala siyang tatlong halo-halo na naka plastic.
"O-OMG!" Sigaw niya ulit.
Bakaramdam ng awkwardness si Lyla kaya bigla siyang tumayo. Tumayo na rin ako at tumingin sa kanya. Nag-b-blush siya.
"a.." Hindi alam ni Lyla ang sasabihin niya. "Nahulog kasi ako. Natatakot ako sa heights."
Biglang lumaki mata ni Jericho at tumawa ng malakas.
"B-bakit? May problema ba dun?" Tanong ni Lyla sa tawa ng tawa.
"BUWAHAHAHA! May bulag palang nalulula." Sagot ni Jericho.
"Che!" Ngumiti lang ako sa mga pag-aasaran nila.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkatapos ng 5 minutong pag-aasar nila, pumunta kami sa bench. Umupo kami dun at ulit, umalis yung kurukong para bumili, daw, ng pagkain.
"Nanaman?" Sabi ni Lyla.
Tiningnan ko ng masama si Jericho at ngumiti lang siya sa'kin.
"Mga 1 min lang 'to.. Alam ko namang nagugutom kayo e. Bye!" At bigla siyang tumakbo.
"Haay! Yung lalakeng yun.. Kahit kailan e."
Tiningnan ko si Lyla ng matagal. Minamasdam ko ynug mga mukha niya. Ngumiti siya bigla dahilan ng pagkagulat ko.
"Maganda ba ako? Erik?" Pero masnagulat ako sa tanong niya. well, madaling sabihin e.
Nag clap ako ng dalawang beses. At ngumiti naman siya.
Oo, maganda ka.
"sa tingin mo ba may makgagagusto sa'kin?"
Pumalakpak ulit ako ng dalawang beses. Sa ganda at attitude nyang yan? Walang magkakagusto sa kanya?
"Ikaw? magugustuhan mo kaya ako?"Lumaki ang mga mata ko sa tanong nya. Hindi ko siya magugustuhan. Kasi nagustuhan ko na siya.
Oo..
"As Friend?" Huminga ako ng malalim.
As friend. As friend. as friend. 2 claps.
ngumiti siya, ulit.
"Do.... You.....Love.....Me..."
HIndi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang gagawin ko sa tanong na yan. Madali lang yang sagutin, kasi OO at HINDI lang naman e. Kaso, mahirap pag-isipan. Nakakayamot!
Kailangan kong magpakatotoo sa kanya. Kailangan kong ipakita sa kanya na may nararamdaman ako. Papalakpak na sana ako nang bumalik si Jericho na may dala dalang Kikiam.
"OYOY!" Sigaw ni Jericho.
"JERICHO!"
I rolled my eyes at him. Gagawin niya talaga ang lahat para lang magka-usap kami ng maayos ni Lyla? Whew. Binigay na sa'min yung kikiam.
BINABASA MO ANG
Special Love
RomanceAno ang pakiramdam kapag ikaw ay pipe? Ano ang pakiramdam kapag hindi mo masabi ang gusto mong sabihin? Masasabi mo ba ito sa isang babaeng special sayo? Lalo na kapag Bulag ang babae? Gusto mo ba ituloy ang nasimulan nyong pagsasama kahit hindi kay...