Well. halos mag iisang buwan nang nag-aaral ako sa eskwelahang ito. Marami-rami na rin akong naging mga kaibigan. At siyempre, ang mga Bestfriend ko. Sila Lyla at Jericho.
Wala na rin si Mark! SA WAKAS! Kasi na Kick out siya. Marami-rami na kasi siyang nabugbog. Kaya't napagdesisyunan na ng mga guro dito na paalisin siya.Nag-aral na si Mark sa malayo. 'Dun sa Impyerno. Dun naman talaga yung "Home sweet home" nya e, right?
At sa ngayon. Solo ko si Lyla. Charot~~~
Nasa canteen kami ngayon. Kumakain kami ng Lemonsquare. Ang sarap kasi. Nagkukuwentuhan din kami kaso tagapakinig lang ako at tagatawa lang.
"Buti nama wala na si Mark! WOOOH!" Wika ni Jericho. Pintang pinta sa mukha niya yung saya. Wala na siyang kakatakutan except lang sa Test.
Tumingin ako kay Lyla. Gusto kong magtanong sa kanya kung sino ang mag susundo pauwi sa kanya. Kaya sinulat ko na lang sa papel at ipinakita kay Jericho
"Sino ang magsusundo kay Lyla?"
"Lyla! Sino daw ang magsusundo sa'yo, tanong ni Erik.."
"Uhhmm.. Si Daddy yata."
Oooops. Daddy nya pala. Parang ayoko na tuloy magpakita sa Daddy nya.. Bigla akong kinabahan dun a. Tumango na lang ako.
"Erik, May Assignment ka?" Tanong ng isa kong kaklaseng bulag.
Tumango ako sa kanya, kahit alam kong useless.
"Oo daw." Buti may translator ako dito. Si Jericho.
"Pwede mo bang sabihin yung sagot, please?"
No! Hindi ako nagpapakopya ng sagot sa Assignment!!
Umiling ako.
"Hindi daw."
"Aww.. Ah, sige.. Maraming salamat."
Ngumit ako sa kanya. At umalis na siya.
"Bakit ba wala 'yung Assignment?"
Nang natapos na ang klase namin, nagsilayasan na kami sa loob ng Classroom. Sinundo ko SI Lyla papunta sa labas at umupo sa Bench. Woah! Ang ganda ng view! Ngiting ngiti ako ng nakita ko yung view sa harapan namin. Sa harapan namin, May Palayan, at salikuran banda nun, ay May madaming puno at sa likuran ng madaming puno ay mga bundok. Well, kapag nakakakita kasi ako ng maraming puno ay napapangiti ako. Feeling ko fresh ako.
Tumingin ako kay Lyla na nakasimango. Oo nga pala, hindi nya makita yung nasa harapan namin. Paano ko ba masasabi? Wala yung translator ako..
Hinawakan ko ang kamay nya. At nag blush naman siya. Napangiti rin naman ako kasi pati ako kinikilig na rin.
Biglang may nakita akong lalakeng may edad na at papunta sa'min. Baka ito yung Daddy nya. Bigla ko nalang binitawan yung kamay ni Lyla. Daddy nya yun eh....
"Lyla?" Sabi ng Daddy nya.
"Daddy!"
"Anak. Tara na. May trabaho pa ako."
"Oh, sige po"
Sumama na si Lyla sa kanyang Daddy at naiwan akong mag-isang nakaupo
"Thanks Erik." Napatingin ako sa kanya at ngumiti.
"Daddy, Si Erik nga pala, yung nagbantay sa'kin."
tumingin ako sa Daddy nya, ngumiti ako at yumuko.
Tiningnan ako ng maiigi ng Daddy ni Lyla.
"Gusto mo bang bantayan ang anak ko?" Lumaki ang mga mata ko, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.. No choice, tumango ako. Ngumiti naman yung Daddy nya.
"Oh, pwede bang ikaw na mag sundo at hatid sa kanya? May trabaho pa kasi ako e."
OPO! OPO! OPO! OPO! gusto ko! pero nakakakaba rin, noh? Ngumiti ako at tumango. Ngumiti rin siya.
"Oh siya, sumama ka samin pauwi para malaman mo kung nasaan ang bahay namin, ah?"
Tumango ako. At sinundan na sila. Ang awkward. Kasama ko yung Daddy nya. Tahimik lang ako. As usual. Katabi ko kasi ngayon si Lyla habang naglalakad. Nakakakaba pala kapag nameet mo yung crush ng daddy mo.
Nag stop kami sa 3rd floor ma bahay. ANG LAKI!
"Oh, yan na yung bahay namin."
Tumingala ako sa sobrang laki. Ngumiti naman yung Daddy ni Lyla.
"Alam mo na kung saan? Kaya mo na siyang sunduin at ihatid?"
Tumango ako. Malapit lang naman kasi pala yung bahay nila sa Bahay namin. Umalis na yung Daddy ni Lyla at nagpaalam kami ni Lyla. Pumasok na si Lyla.
Umuwi ako sa bahay nang nakangiti! SOBRANG SAYA KO! Ako na ang magbabantay kay Lyla! Humiga ako sa kama ko at nagtakip ng kumot. WHIP WHIP! Ang saya saya ko! Habang nagtatakip, ay kinikilig ako sa loob. Excited na ako bukas! Ay! Friday nga pala ngayon.. Paasa.
Binuksan ko yung Facebook ko at agad na chinat si Jericho
"UI! JERICHO!"- AKo
"UI! JERICHO!" - Siya
"Musta na?"
"Oks lang, you?"
"SOBRANG SAYA!"
"Ah? eh?"
"Ih, oh, uh."
"Psssst"
"??"
"ano nga yun?"
"Ako yung maghahatid at mag susundo kay Lyla."
"So?"
"-_-'"
"Ay oo nga pala, crush mo siya ahihihihihihihih"
"well! swerte ko."
"Pshhhhhh"
"Ahahahah"
"Sa monday pa! Friday ngayon, duh"
"So?"
"wala. Nag paalala lang."
"Tsk tsk"
"ui!! Aalis kami ngayon. iwan na kita'? bye!"
"K."
At yun, tuluyan nang nag offline si Jericho. Pero naiwan akong nakangiti. I will be Lyla's Guardian.

BINABASA MO ANG
Special Love
RomanceAno ang pakiramdam kapag ikaw ay pipe? Ano ang pakiramdam kapag hindi mo masabi ang gusto mong sabihin? Masasabi mo ba ito sa isang babaeng special sayo? Lalo na kapag Bulag ang babae? Gusto mo ba ituloy ang nasimulan nyong pagsasama kahit hindi kay...