"Jericho! Gumising ka na diyan! Hay naku po.. Anong oras na! hoy! Malelate ka na! First class mo pa naman! HOY JERICHO!"
"Erik! Gumising ka na! Ligo na!"
Iah! Inuunat ko pa ang likod ko habang tumitingin sa orasan. Ang ingay naman kasi sa baba. Jusko, dumating ba yung ISIS sa baba? Hindi ako makatulog ng maayos.. Ay! First class na! Yay! Anong oras na?.. Whew. Tsk tsk. 6:15 AM pa lang, ah? Ang aga naman nila akong ginigising? Ewan.
pinakinggan ko yung sa baba kung maingay pa ba. Ayun, wala nang ingay. mag iidlip lang muna ako. 8:00 AM pa naman pasok namin, eh. labing limang minuto lang. Humiga na ako sa kama at pumikit hanggang sa nakatulog ako.
"JERICHO! HUY! HUY! HUY! Gising na! 7:40 na! Late ka na.. Mag-ayos ka na ng sarili mo.. Huy! Gising!" Niyuyugyog ako ni Papa sa kama, dahilan ng pag kagising ko."Jericho. Mag-ayos ka na, anong oras na, oh?" sabi ni Papa sa'kin. Umupo ako sa kama ko at pinipilit labanan ang nakasarado kong mata. Anong oras na ba? AY SH*T! 7:41 AM na pala!
Agad-agad akong tumayo at naligo. Nag-ayos ng sarili ako at mga gamit ko. Kumain na rin ako. At agad ng lumabas. Sa kakadali ko, hindi na ako nakapag paalam kala Mama at Papa. "Ingat Jericho!" Sigaw ni Papa."Anak! yung Baon mo!" Pahabol ni Mama. Ay, hindi ko pa pala nakuha baon ko. tumingin ako sa orasan ko, 7:59 AM na. What? Hindi ako mabubuhay kapag walang baon sa school! No choice ako kaya bumalik ako sa bahay para kunin yung baon ko. At agad ko silang bineso at tinaas ko ang right hand ko bilang sign ng pag papaalam. Tumakbo ako ng mabilis para makaabot sa School. Matagal-atagal ko ring napuntahan yung "new" school ko. tumingin ako sa oras, 8:18 AM na, sana payagan naman ako pumasok dito. First class? Late? OK.
"School of Wonders" Binasa ko sa isip ko yung pangalan ng Skwelahan. Ang laki pala nito. Ito yung paaralan para sa mga may kapansanan. Katulad na lang ng mga Bingi, Pipe, Bulag, Pilay, etc. Dito ako nag-aral kasi.. Kasi pipe ako. Bata pa lang ako, hindi na ako makapag salita. Pero sabi ng mga Doctor, may chance pa raw akong makapag salita. Ang saya, no? Pumasok na ako sa school ko. And, woah! ang ganda ng loob. Hinanap ko ang room ko. Yun! Room 21: Grade 10-Hope. Hindi na ako nag dalawang isip na pumaspk sa loob ng room ko. Nang pumasok ako, mga bulag, pipe, at mga pilay na agad ang nakita ko. Nakita ko rin yung Adviser, yata, namin. Ngumiti siya sa'kin at nag salita. "Ok, Welcome in School of Wonder. I am Ms. De Guzman, your Adviser". Ngumiti ako sa kanya at yumuko. Para namang ang bait ng magiging Adviser ko. I think she deserve my respect. "Can you introduce youself?" Tanong ni Ms. De Guzman sa'kin. "Oh... Are you mute?" Pag papatuloy nya. Tumungo na lang ako sa kanya na nakangiti, and ngumiti rin naman sya.
Pinapasok na ako ni Miss sa loob ng room "You can introduce yourself infront of the class, you can write in the blackboard" Nakangiti nyang sabi sa'kin. Ang ganda nyang tingnan kapag ngumingiti siya. Kaya naman sumulat na ako sa Blackboard
Hi, everyone. I am Jericho Sensano. 16 years old. Ayan lang ang info. na sinulat ko sa Blackboard. Tumungo ang mga pilay at pipe. "Ok, He is Jericho Sensano, he's 16 years old." Sinabi na ni Ms. De Guzman ang isinulat ko. Para naman sa mga bulag na hindi nakita ang isinulat ko. "So, Jericho. What name would you want to be called?" tanong sakin ni Ms. Sinulat ko naman yung word na "erik" sa board. Nakangiting tumungo si Miss De Guzman. "Ok class. He is Erik. Say Hi to him" "Hi!" bumati ang mga pilay at bulag, at tinaas naman ng mga pipe yung kamay nila, tinaas ko rin yung kamay ko.
"Uhmm, you can sit beside Lyla. There" tinuro nya yung bakanteng upuan sa tabi ng bulag na babae. Ngumiti ako sakanya at yumuko. And She just smiled back at me. Umupo na ako sa tabi ng babaeng bulag. "Are you Erik?" sabi ng babae. Tumungo ako, at alam kong useless yun. Nag smile siya sa'kin. "Pipe ka ba?" tumungo ulit ako, at ulit, useless. Ano kaya ang maabot ng kuwentuhan namin. Haiiist. "I'm Lyla De Ramos. 16 years old." Pinakilala nya ang sarili and she offers her hand at me. Tinanggap ko naman yun. Ngumiti siya sa'kin, ulit. "Nice to meet you". Gusto kong sabihin na Nice to meet you, too, . kaso. Hindi ko kaya.
"Ok, class? Again, I am Gheril De Guzman, your Adviser in this whole school year. I am your math teacher, as well. Nakangiting nagpakilala si Ms. De Guzman sa harapan.
"Ohhhhhh!"
"Math!?"
"Uh, Oh"
"GG"
"Please, God. Help me to pass."
Nagbubulungan ang mga nakakapagsalita at ang hindi naman ay tumingin lang sa paligid. Tumingin ulit ako kay Lyla. Isa syang babaeng sexy, mahaba at blonde yung buhok nya. Sa tansya ko, Matandkad siya. At maganda ang mata nya, sayang nga lang kasi hindi sya nakakakita...
BINABASA MO ANG
Special Love
RomanceAno ang pakiramdam kapag ikaw ay pipe? Ano ang pakiramdam kapag hindi mo masabi ang gusto mong sabihin? Masasabi mo ba ito sa isang babaeng special sayo? Lalo na kapag Bulag ang babae? Gusto mo ba ituloy ang nasimulan nyong pagsasama kahit hindi kay...