Finding you.

18 1 0
                                    

Ang sakit ng pakiramdam ko. 'Di ko magaling ang mga kamay at paa ko. Parang familiar yung nangyari sa'kin. Sh*t. Hindi ko magalaw mga katawan ko. No choice ako kaya pinilit ko itong igalaw. Kaso mga daliri lang ang naigalaw ko.

"O-ok na siya!" Sabi ng isang familiar na boses.

"Erik?" Sabi pa ng isa.

Naidilat ko na ang mata ko at nasa ospital ,yata, ako. Nakita ko lang ang Mama at Papa ko na nakatingin sa'kin.

"OK ka na?" Sabi ni Mama sa'kin. Hinawakan nila ang kamay ko at ngumiti.

"Nakita ka naming walang malay sa Park." Wika ni Papa.

Ay oo nga pala. Binugbog nga pala ako ng mga lalaking naka-iti-------------

Si Lyla! SI Lyla! Asan na siya? Ligtas ba siya? Nasa hospital ba siya? ARGH! Hindi ito masasagot kapag hindi ko siya hinanap. Tumayo ako sa kinahihigaan ko pero bago pa man ako maka-alis, bigla akong hinawakan sa braso ni mama.

"At saan ka naman pupunta?" Tanong ni Mama. Hindi ko siya pinansin. PInipilit kong tanggaling ang kamay ni Mama sa braso ko. Tiningnan ko sila ng pagmamakaawa. Mukhang naintindihan naman nila ito kaya binitawan na ako.

"M-mag-ingat ka." Sabi ni Mama sabay halik sa noo ko. Tiningnan ko si Papa at nagsmile siya sa'kin. 

Tumakbo na ako papalabas at pumunta sa park. Wala siya. Pumunta ako sa bahay nila at nakita kong nag-uusap ang Daddy ni Lyla at si Jericho. Nagtago ako sa gilid ng pader para makinig sa kanila.

"Sorry, po. Pero, nahimatay po talaga ako sa sobrang takot." Sabi ni Jericho na parang paiyak na.

"Nasaan na yung.. Si Erik?" Tanong ng Daddy ni Lyla.

"N-nasa ospital po"

"Anong nanaman bang nangyari sa kanya?"

"I don't know, sir. Nahimatay po ako."

"I need to see him!" Kinalibutan ako dahil sa tono ng boses nya. Halatang gustong gusto nya akong makita. Galit na galit siya sa'kin. I think it's not even my fault. Madami silang nagbugbog sa'kin. I tried my best. pero hindi ko talaga kaya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Magpapakita ba ako? O magtatago lang ako? Kailangan ko siyang maka---- 

Nonsense rin naman pala. Alam kong hindi nya ako maiintindihan lalo na kung galit na galit siya at nag-aalala. Hindi ko alam ang gagawin ko..

"B-but. Sir. Ano po bang kailangan nyo sa kanya?" Tanong ni Jericho sa Daddy ni Lyla.

"Kailangan ko siyang makausap. I think it's his fau---" Napigilan siya nang lumabas ako sa tinataguan ko at lumaki ang mga mata niya ng nakita ako.

Bigla siyang tumakbo sa kinaroroonan ko at hinawakan ang damit ko.

"Nasaan ang anak ko!?" Nanginginig ako. Galit na galit siya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang takot ko.  Hindi ko alam kung bakit ako natatakot. Pero, kailangan kong sagutin ang mga tanong niya para maintindihan nya.

Nag Charade kami.  Wala, eh. Ayun lang naman ang kaya kong gawin sa sitwasyon na ito. Magaling naman ako dun, eh.

Ginawa ko na ang mga kailangan kong gawin. Tinaas ko ang isa kong kamay na nakabuka, na ang ibig sabihin ay lima.

"Five!" Sabi ni Jericho. Tumatango lang ang Daddy ni Lyla. 

Tinuro ko ang sarili ko, si Jericho at ang Daddy ni Lyla.

"Lalaki!?"  Tumango ako.

"AY OO! May limang lalaking nakaitim na pumunta sa'min. May dala silang kotse!" Napatingin ang Daddy ni Lyla kay Jericho na tila hindi makapaniwala sa sinabi ni Jericho.

Special LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon