Miss CAS President

16 2 0
                                    

COLLINE'S POV

Okay. 2 weeks have passed since that Gerald incident.

Naniwala naman kahit papaano si Bestie na joke lang yung mga nagyare.

Si Gerald naman, back to basics ulit kay Bestie.

Si Clark laging kapit tuko sakin kapag nandyan si Gerald. Baka daw itakas ako ulit eh.

Si Wama, ayun, ayaw niya daw talaga kay Bestie.

Kawawa naman ang bestie ko..

kaso..

"BESTIIIIIE!"

Ayan na pala siya eh. Game.

3...

2..

1.

"BESTIE! Nakita mo ba si Cyan? :D" Sabay naming sabi.

Sabi na eh.

Simula nung nalaman niyang hinatid ako ni Wama nung gabing yun, lagi na niya hinahanap sakin si Wama.

"Hinahanap mo rin siya?" Tanong niya.

"Loka! Ginagaya ko lang ang lagi mong sinasabi."

"Ahhh! Pero nakita mo nga siya? :D"

"Hindi pa eh." sabi ko sabay sulat sa papel.

"Alam mo ba kung nasaan siya?"

Sasabihin ko ba kahit alam ko? Oo. Nasa garden ulit siya. Ayaw daw niya sa maingay eh. Kaya dito ko muna ginawa yung mga papeles. Aasarin lang ako nun pag nandun ako.

"Ah. Hindi ko alam eh."

"Text mo na lang siya! ^___^"

"Huh? Bakit ako? Ikaw na lang magtext dun!"

Wala kaya akong load =___= Saka busy ako noh.

"Ah kasi ayaw niya ibigay number niya eh."

"Bigay ko sayo, gusto mo?" Kaso magagalit si Wama! Hayaan na yun.

"Ayoko bestie. Gusto ko, siya yung tatawag sakin ^____^"

Napa ~__^ na lang ako.

Sabagay, si Wama nga pala unang tumawag sakin.

Ni hindi ko nga alam kung paano niya nakuha number ko eh.

"Sooooo.. text mo na siya!" -Bestie

"Wala akong load."

"Awwww!! Sige sige! Next time na nga lang!"

"Okay."

"Bestiiie!"

Ang ingay naman =___= busy ako dito eh.

"Ano na naman?"

"T____T galit ka ba sakin?"

"Huh? Hindi noh. Bakit?"

"Kasi parang ang tipid mong sumagot T___T tapos ang lamya pa! Hindi ikaw ang bestie ko eh! SINO KA!!"

May paturo-turo pa siya. Haha!

"Busy lang kasi ako ngayon."

Eto nga at nakakalat pa yung mga documents sa lamesa eh.

Yung mga para sa freshmen night.

"Kala ko ginagaya mo na si Cyan eh!"

"HA?! Hindi noh! No way! Never!" Bongga lang makatanggi Haha!

"Ah. Okay. Ano bang meron sa freshie night at parang super busy ka?" sabi nya sabay upo.

Tinignan niya yung mga papeles at nakita kong naguguluhan siya.

Picture PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon