COLLINE'S POV
Ang sakit ng ulo ko @___@
Tapos parang ang hina hina ko ngayon. ANYARE?
"Iha? Ayos ka na ba iha?"
Si manang yun ah.
"Manang..."
Minulat ko yung mata ko.
"Buti naman at gising ka na. Nag-alala kami ni Yanyan sayo ineng."
Bakit naman? Natulog lang ako, nag-alala na sila?
"Ano pong ibig niyong sabihin manang?"
"Ah, hindi mo ba maalala ineng? Muntikan ka nang malunod sa dagat kanina."
"So hindi pala panaginip yun?!"
Akala ko panaginip lang! Yung naglunod-lunuran ako. Tapos nagalit sa Wama tapos totoong nalunod na ako.
Teka, speaking of,
"Manang, asan po si Wama?"
Umupo ako at inalalayan naman ako ni manang. Ang sweet niya talaga. Sanay na nga pala siyang tinawag kong Wama ang Yanyan niya.
"Nandoon siya sa labas neng. Kausap yung doctor na tumingin sayo."
"Ah ganun po ba."
Nag-alala daw sila sabi ni manang.
Pero, paano kaya ako nakita ni Wama?
"Manang, si Wama po ba ang sumagip sakin?"
Tanga ka ba Colline? Siya lang naman ang taong nandun kanina kaya malamang...
"Hindi. Yung lifeguard namin ang sumagip sayo." Sabi ni manang na tila malungkot.
Pero.. bakit?
Nalungkot ako.
Ganun pala siya kagalit kanina.
"Wag ka malungkot, Colline."
Tinawag niya akong Colline! Puro kasi ineng at iha eh.
"Kasi, si Yanyan ang tumawag sa lifeguard. Siya ang nagdala sayo dito. Siya ang tumawag sa doctor at iba pa."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano.
"Bakit po hindi siya ang sumagip sakin?" curious lang ako.
Galit ba talaga siya sa ginawa ko? Nag-sorry naman ako eh.
"Makinig ka saking mabuti. May nangyari kasi kay Yanyan noong bata pa siya. Simula noon ay natakot na siyang lumangoy sa dagat. Ano nga bang tawag doon? Ah ano.. teka.."
May nangyari? Natakot?
"Trauma po ba manang?"
"Ah! Jusme, yun nga! Na-trauma siya sa pangyayari kaya sinumpa niya na hindi na siya ulit lalangoy sa dagat."
Grabe siguro ang nangyari kaya nagkaganoon siya.
Eh bakit kasi dito niya ako dinala =___=
"Sa katunayan nga eh, masayahin bata yang si Yanyan bago pa mangyari ang trahedyang yun. Sobrang kulit at pasaway kaya madalas napapagalitan."
"Ano po ba ang nangyari?"
Parang naiiyak si manang. Sobrang dramatic naman ng scene namin ngayon.
Sasagot na sana siya nang biglang pumasok si Wama.
Nagpunas agad siya ng luha saka ngumiti sakin.
"Ayos ka na ba ineng? Aalis muna ako para maghanda ng hapunan ah." Tumungo ako bilang sagot tapos umalis na si manang.
BINABASA MO ANG
Picture Perfect
Teen FictionAng lalaking tinatago ang nararamdaman niya sa likod ng maskara ng pokerface at ang babaeng tinatago ang kahinaan niya sa likod ng maskara ng ngiti. What will happen if their worlds collide?