First Date Part 2

12 2 0
                                    

COLLINE'S POV

"Hey. Wake up. We're here."

Sino ba yun? Ang ingay naman eh. Kita naman kasing natutulog ako dito.

"Hey."

Tss. Kunwari di ko siya naririnig.

"Tch. Babangon ka ba o hahalikan kita?"

O____O

"I'm serious here Colline."

Hala. Si Wama yun.

Babangan ba ako? Syempre gusto ko rin mahalikan,. crush ko kaya yan. Landi! Ang landi mo Colline!

"I'll count to three. Kapag hindi ka bumangon, hahalikan na kita  -____-"

bakit ba kasi ako ginigising nito?

"1..."

Nakakatamad kaya bumangon.

"2... Don't make me count to three."

Aish! Bahala na!

"thr-"

"PRESENT SIR!"  Sabi ko sabay salute. Haha!

Nahilo ako @___@

Buti na lang nakaupo pa ako sa upuan... ng kotse?

"Tss. Bigla bigla kasing bumabangon. -___-"

"Ikaw kasi!! Hahalikan mo ko eh!"

"I counted to three to give you time."

"Ayaw ko pa nga kasi bumangon! Pero hahalikan mo kasi ako!"

"Ayaw mo nun? Swerte mo sana."

"YUCK! NO WAY! Nirereserve ko ang first kiss ko noh! Bleh!"

"Tss. Bumaba ka na nga dyan."

"Ano nga ba ang ginagawa ko dito?" Nalimutan ko na eh. Ang alam ko lang umiiyak ako tapos nakatulog. Masakit kasi mata ko kaya sure na akong ganun yung nangyare.

"Have you forgotten? You owed me dinner right?"

Ah oo nga pala!

Kaso..

"Dinner? Eh kita mong palabas na yung araw oh."

*______*

"Ang ganda..."

Ang ganda talaga nung lugar! Kitang kita yung sunrise tapos ang lamig pa ng breeze!

Naka-park yung kotse sa gilid ng highway, tapos may hagdan pababa, papunta dun sa parang park.

Aaminin ko, mas maganda dito kesa sa garden ko! Ang daming bulaklak! ANg gaganda pa!

Tapos kapag naglakad ka pa ng konti, mararating yung parang beach. Ang linaw ng tubig tapos ang hinahon ng dagat. Kitang kita kasi dito sa pwesto namin ni Wama.

Pero yung talagang nagpaganda nung place ay yung sunrise. Kumabaga yung feeling na mala-orange na may halong light blue yung skies.

Tapos walang ingay, walang usok. Ang peaceful tignan.

"Beautiful, right?" Sabi ni Wama. Pati siya napangiti sa ganda ng scenery.

Edi lalo pa tuloy gumanda >////<

"Paano mo to nakita?"

"I grew up here."

"Cool! Teka, saan ba to?"

"Zambales."

"WHAT?! Ang layo naman ng narating natin!"

Seriously, ilang oras ba ang travel mula Laguna hanggang Zambales? Matagal yun.

Picture PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon