Chapter 15 : New Found Friends?

21 2 0
                                    

Yuri's POV

"Teka nga Yuri, ba't ba tayo andito?"

"Ano ba Kier, sinabi ko na di ba"

"Eh, ba't ba kasi dito, maraming inosenteng tao"

Nakakairita talagang 'to si Kier, kanina pa tanong ng tanong.

I give up. " Ok Fine!" Hinila ko naman siya sa likod ng isang classroom. Sumunod nalang si Seff.

"Kasi nga diba, sabi ni dad may malaking makukuha daw tayo ditto na information"

"Paano naman tayo makakakuha ng info, kung di naman tayo ng binigyan ng target person"

Napakunot nalang na noo si Seff

"kier, kaya ng tayo nandito. Magaaral tayo"

Itinaas naman niya ang dalawang kamay bilang pagsuko. Hay! Buti naman.

"Tara, pumasok na tayo sa room natin"

Tinawagan ako ni dad kagabi na papasok kami sa isang school at magkukunwaring mag aaral. Hindi ko na itinanong kung bakit at paano. Alam kong may malaking dahilan siya. Kinaumagahan, may naghatid na ng mga gamit naming para sa school, ID, uniform at mga gamit.

Pagdating namin sa classroom, pinagtitinginan kami ng halos lahat ng magiging kaklase naming. Si Seff at Kier naman agad na nilalapitan ng mga kababaihan. Eh ikaw ba naman ang ubod ng gwapo. Daig pang artista.

Napatigil naman sila ng dumating na yong guro.

"class, settle down. May bago tayong transferee. Please stand up the three of you"

Tumayo naman kami at pumunta sa harap na tinuro ng guro

"Hi! Sa inyo. I'm Yuri Spencer 16 years old at sana maging magkaibigan tayo"

Nag bow na ako.

"Hello, im Kier Santos, 17 years old" Ngumiti ng sobrang cute. Naku, pinaiiral naman niya yung pagka womanizer niya.

"I'm Seff Tan" Napatingin naman kami lahat kay Seff, naghihintay na may sasabihin pa sya, ang kaso, wala. Yun lang? Wow Seff ha, pero kahit ang tipid lang ang nasabi niya, kinikilig naman yung mga babae. At sa punta say un, may naisip ako. Mapapadali yung trabaho naming ditto.

First day, wala naman masyadong nangyari, nag quiz sila sa dalawang subject. Exempted kami, kaso nag insist ako para naman kahit kunwari lang ay may score kami.

"Yuri sabay na tayong mag lunch"

"sIge Sarah walang problema" Nasa iisang school kami. Nagulat nga siya ng Makita niya kami ditto. Hindi ko kasi nasabi sa kanya. Hindi basta basta makakapasok sa school na to. Lahat ng nandito puro ELITE at anak ng mga mayayaman. Dahil dun siguro kaya naisip ni dad ditto kami magsisimula.

Nung naka pwesto na kaming apat. May lumapit na tatlong lalaki.

Si Sarah unang nagsalita.

"Ah! Sila pala yung mga kabarkada ko since elemtary."

"Si Kile (itinuro niya yung chinito), Si Josh (yung blonde na buhok) at si Arnold (ordinary lang, simple as that)"

Yung Arnold na lalaki sobrang titig na titig ky Seff. Napatingin naman kami ni Kier. There something on his eyes.

"HI sa inyo" Si kile na tumabi sa akin.

"H-hello" sagot ko na agad naman akong hinila ni Seff.

"Opps, sorry pare, Girlfriend mo? Sayang type ko pa naman siya"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vampire GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon