YURI'S POV
Nasan ako.
Bat' wala akong makita?
Anong lugar 'to?
Anong nangyari sakin?
May nagbukas ng pinto. Hindi ko makita kung sino, nakatakip yung mata ko.
Hinawakan niya ang baba ko. Hinaplos ,saka niluwagan ang pagkakatali sakin.
“S-sino ka?”
Wala naman akong kaaway ahh.
Naramdaman kong nanglakad siya papalayo. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto.
“Wag kang mag alala,ginagawa ko to para sa kabutihan at siguridad mo”
“P-pero, sino ka ba”
Wala na akong ibang narinig kong di ang pagsara ng pinto.
Siguridad? Bakit? Nangaganib ba ang buhay ko?
Unti-unti akong kumawala sa tali, nagtagumpay naman ako. Hindi naman ako nahirapan kasi maluwag na ang pagkakatali. Teka,
Kaya ba niya niluwagan ito dahil alam niyang makakawala ako?
Humahapdi na ang sikmura ko. Tumayo ako at tinanggal yung piring sakin,
Malaki ang kwarto,parang kwarto ko lang. Inilapit ko ang tenga ko sa pinto. Wala naman akong narinig.
Tumingala ako sa taas.
Tama nga ako.
May camera, siguro pinapanood nila ako ngayon.
“Nagugutom ako” sinasabi ko habang nakatingin sa camera
Maya-maya may kumatok. May lumabas sa maliit na pinto sa baba, Yung pang pinto ng aso lang.
Isang tray, pagkain. Kinuha ko at inilapag sa may mini-table
May sulat na nakalagay.
Pagkatapos mong kumain, lumabas kana.
At sisiguraduhin mong wag sabihin kung saan ka galing at napano ka.
Mag alibi ka nalang. Magtiwala ka YURI...para din ito sayo.
Magtiwala ka sa taong bago mo lang nakilala, wag sa nakapaligid sayo
I'm counting on you.
TU
Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.
Tumingin naman ako sa camera at ngumiti. Sign yun nagagawin ko ang pinagagawa niya.
Siguro naman mabuti siya oh sila. Wala naman silang ginawa sakin.
BINABASA MO ANG
Vampire Guardian
Teen FictionYou fall in love for that someone cause that someone saved your life in the past. You want to express your gratitude by means of protecting that someone. But, what if in the end you will know that you are the one will kill that SOMEONE? It was you...