Seff’s POV
Bakit ko ba natanong sa kanya yun?
Arrgg! Nakakainis talaga ako,
Siguro, eto na yung panahon na sabihin sa kanya kung ano ang nararamdaman ko.
Simula nung nakita ko ang batang babae habang nagaganap ang digmaan.
Lagi ko na siyang iniisip, tinitingnan mula sa malayo.
Nagimbestiga rin ako tungkol sa kanya. Hanggang sa nalaman ko na anak siya sa isa sa pinaka matapang na vampire hunter.
Habang tumatagal lalong nahuhulog ang loob sa kanya. Pero, habang tumatagal lagi kong pinapaalala sakin na isa siyang TAO.
Hindi ko alam kung ganito na lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Unang ko palang siyang Makita, bumilis bigla yung tibok ng puso ko.
Parang nabuhay ulit ako…
Simula nong mangyari ang trahedya…
**FLASHBACK**
“Seff, anak tumakbo kana, kami na bahala dito”
Nakatitig parin ako sa aking ina. Naluluha na siya habang yakap ako.
“Ina, hindi kita iiwan”
Inilayo ako ng akin ina sa kanya, may tinawag siya.Ang butler ni ama.
“Anak, sige na!”
Mabilis akong hinawakan ng aming butler.
“Tara na young master”
Nagpupumiglas ako habang hinawakan niya ako.
Nakikita ko parin ang kintatayuan ng magulang ko.
Si ama habang nakikipaglaban sa kalaban naming. Habang si Ina..
“Inaaaaaaaaa!!!”
Napahinto ako. Ang aking ina. Hindi maari ito.
Nakahandusay na aking ina. Habang nakatingin sa kinalalagyan naming.
Napahinto naman si ama at pinuntahan si ina.
Aking Ina.
“Tayo na po, nakasunud na sila sa atin.
May paparating naman kalaban sa amin.
Agad akong pinagtanggol at inilayo sa kalaban.
Ngunit nahuli ako ng isa sa kanila.
Napatigil naman sila ama.
“Bitawan moa ng anak ko!” galit na sabi ni ama
“Pasensiyahan tayo, kailangan mamatay ng nakatakda” sabi nung lalaking may hawak sakin.
“Hindi papayagan yan!, magkamatayan muna tayo!”
Mabilis naming sinugud ni ama ang kalaban at dahil tinaguriang malakas si ama, nakawala ako sa taong may hawak sakin.
Pagtingin ko sa likod nakahandusay na ang lalaki.
Lumapit si ama sa akin.
“Magiingat ka anak, kailangang mabuhay ka, dahil yun ang nakasaad sa propesiya”
“mahal na mahal kita ama”
Ngunit laking gulat ko ng bigla nalang napaubo si ama ng dugo.
“Ama! Ama! Ama!”
Inilayo agad ako sa lugar na iyon.
**END OF FLASHBACK**
Hinawakan ko ang kwentas na bigay sakin ang aking ina. Ang tangi kong alaal sa kanila.
Nung mga panahong wala ang aking mga magulang, yun din ang panahong patay ako. Patay ako dahil, wala akong pakialam sa mundo. Hindi ako nakikisalamuha sa iba pa naming kalahi, kahit na mga pinsan ko.
Hanggang sa dumating ang digmaan at nakita ko siya.
Si YURI.
Ang muling nagpabuhay sakin.
Batas ng vampire: Huwag umibig o makipagrelasyon sa di mo kauri. Kamatayan ang kahahantungan nito.
Kaya, nanatili nalang akong tahimik,
Pero ngayon..
.
.
.
.
.
“Magpapakatotoo naku sa nararamdaman ko”
***********************************************
Naka Update narin ako!! Yosh!!!
Comment at vote po kayo!
BINABASA MO ANG
Vampire Guardian
Teen FictionYou fall in love for that someone cause that someone saved your life in the past. You want to express your gratitude by means of protecting that someone. But, what if in the end you will know that you are the one will kill that SOMEONE? It was you...