33

264 15 3
                                    

At dahil tapos na ang hell week namin, eto ako ngayon. todo kayod mag update sa mga panahon na nagkulang ako ng pag update.

Sorry kung this past few months ay hindi ako nagpaparamdam, busy kasi ako masyado e. Malapit na rin pala matapos tong My Happiness or Her Happiness. Kasi magpo- focus muna ako sa study ko kasi hindi ako naka pasok sa top :( Promise sa bakasyon mag uud talaga ako araw araw.

Thank you sa lahat ng nag babasa nito.






ENJOY READING :)

---------------------------------------------------------------------

Nadine POV

Yesterday, I receive a message from James? Hindi ko alam kung paano niya nalaman yung number ko. Eto ako ngayon tinatry na tawagan si Yassi baka kasi siya yung nagbigay e. Pinsan pamandin nya yun.


Bold= Yassi

Italic= Nadine


"Hello Yassi?...."

"Oh hello Nadz, kamusta ka na? Bat ka nga pala napatawag? May problema ba?" tanong nito sakin

"Eto okay lang naman, Wala, wala namang problema. May itatanong lang sana ako sayo" saad ko naman sakanya

"A-ano i-to?" tila nag dadalawang isip nyang tanong

"Ikaw ba ang nagbigay ng number ko sa pinsan mo?" Alam ko kasing sya yung nagbigay kay James e

"Ah-hmm..... Nadz sorry ah.." napabuntong hininga naman ako, bakit kailangan pa nyang sabihin sakanya ang aking numero? Ang mas ikinasakit nito ay ang pagsabi nya na wala na akong uuwiang pamilya

"Yassi naman e" tila may nagbubuntong ng patak na luha sa king mga mata

Hindi ko akalaing ganon ang mangyayari kapag iniwan ko sila..

"Kailangan niyo kasing mag usap Nadine.. Anak mo nabubully dahil iniwan raw ito ng kanyang mommy para sa ibang pamilya.. Nadine kailangan mo ng umuwi.. Kausapin mo si tita My, ilang taon ka ng nangungulila sa pamilya mo. Sapat na ang apat na taon Nadine." mahabang saad nya sakin. wala na tumulo na ang aking mga luha.

Hindi ko kayang marinig o makita na nasasaktan ang anak ko. Wala ako sa tabi nya nung una syang nagsalita. Wala ako sa tabi nya nung una syang naglakad. Wala ako sa tabi nya nung unang araw nyang pumasok. Wala ako sa tabi nya nung una syang nasugatan. Wala ako sa tabi nya nung unang pagtawa nya. Wala ako sa tabi nya nung nakakita na sya. Wala ako sa tabi nya nung panahon na may sakit sya. Wala ako sa tabi nya nung panahon na kailangan nya ng mommy. Ang tagal kong nawala sa piling nya. Alam kong nangungulila sya sa piling ng kanyang mommy. 1 month lang nyang naramdaman ang magkaroon ng mommy.

"Tama ka Yassi.. Sasabihin ko na kay mommy na kailangan ko ng umuwi para sa pamilya ko"

"Sige Nadine.. Sana maayos niyo ito ni James. Bye! ingat ka lagi! i miss you" pagpapa-alam nito sakin

"Bye! i miss you too"


Call ended....

Tama si Yassi, apat na taon na akong nangulila sa pamilya ko. Apat na taon na hindi ko sila kasama, kayakap, katabi sa pagtulog, kasabay sa pag kain at sa lahat, siguro sapat na ito para makasama ko na silang muli. Kailangan kong bumawi sa asawa't anak ko.

Kahit kinamumuhian nila ako ngayon, alam kong makukuha ko rin ang loob nila.





From : Mommy

Anak, papunta na ako jan. Pwede ka ng umuwi





Ito, ito yung text message na matagal ko ng gustong mabasa galing kay Mommy. Yung papayagan na nya akong maka uwi. Eto na.. Malapit na...

My happiness or her happiness (Jadine) (COMPLETED// UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon