--ANDY POV--
“ ever see!!.. more than my heart could ever show.. I love you more than you’ll ever know…”
“yuck Gabe, ang corny mo!” sabi ko. Humirit na naman kasi si Gabe ng mga corny nyang love songs.
“anganda kaya nun” galit na sabi ni Gabe “Ikaw nga ang corny kasi hindi mo naaapreciate yung makapagbagbag damdaming lyrics”
“o ba’t galit ka agad?”
“Galit ba ako?”
Nakaupo kami sa bubong ng bahay nina Gabe. Wala lang, nakatingin sa madilim na langit. Mula pagkabata, nakagawian na naming tumambay dun. Lagi kaming nagkwewentuhan at nagtatawanan. Ngayon nga ay nakikinig kami ng mga kanta sa ipod nya.
“ay sya sorry, malay ko bang may sentimental value sayo ang song na yan?”
“kinanta ko lang ah”
Natawa ako sa expression ni Gabe. Parang guilting guilty sya na may sentimental value talaga yung kanta sa kanya. Madalas kaming magbiruan ni Gabe, madalas rin nauuwi sa away pero nagbabati rin agad.
Simula nung namulat ako sa mga bagay-bagay dito sa mundo, kilala ko na si Gabe. Sabay kaming lumaki kaya kilalang-kilala na naming ang isat-isa.
Tumingin ako sa langit, nagfefeeling na kaya kong bumuo ng constellation sa mga nagkalat na stars.
“Hindi mo kaya yan!” banat ni Gabe. Akala mo naman sya kaya. Nang biglang nalang…
“Gabe!! Gabe!!” hinigit ko nang hinigit ang manggas ng t-shirt ni Gabe.
“Ano?!” tinanggal ni Gabe ang kamay ko sa manggas ng tshirt nya “sinisira mo ang t-shirt ko”
“nakakita ako ng shooting star!”
“sus!.. akala ko naman kung ano”
“Bilis, magwish ka!!”
“Engot. Naniniwala ka ba dun?” tanong ni Gabe.
“Ngayon nga lang ako nakakita ng shooting star” Pumikit ako para magwish.. wala naming masama kung hilingin ko n asana Makita ko na ang prince charming ko..
Si Gabe naman ang tumawa. Nakapikit pa raw kasi ako habang nagwiwish..
“Andy, sa tagal-tagal na nating tumatambay dito.. ngayon ka lang talaga nakakita ng shooting star?”
Eh ano? kung makatawa tong si Gabe parang katapusan na ng mundo.
“bakit ba?!” tanong ko.
“ako nga, milyon milyong shooting stars na ang nakita ko eh”
“dapat nagwiwish ka, ganun yun”
“ganun ba yun?”
Nakakita ulit kame ng shooting star. Ang saya saya ko! Dalawang beses na ako nakakakita ng shooting stars. Nag-wishhh ulit ako. Syempre, yun pa rin ung wish ko.
“wish ka ng wish hindi naman yan magkakatotoo” kontra na naman ni Gabe.
“eh pano kung magkatotoo?”
“ok magwish tayo ng imposible” sabi ni Gabe “sana magkagusto sa akin si Andy!”
Hinampas ko si Gabe ng malakas “para namang sira ‘to eh, magseryoso ka naman!”
Tumawa na naman sya “sabi mo imposible.. bakit possible ba yun?”
“sa bagay.. pag nagwish ka dapat seryoso” sabi ko.
“antakot mo noh? Baka magkagusto ka nga sakin”
Hinampas ko ulit sya “ang yabang mo! Hinding hindi ako magkakagusto sayo!!”
Tumahimik kaming dalawa, hanggang sa narinig ko na lang na kumakanta ulit si Gabe.
BINABASA MO ANG
**Star** (FINISHED)
RomanceSIGN?? Naniniwala ba kayo sa sign? sign to find your true love? This is Story about Gabe falling inlove with Andy na bestfriend niya,, Kaso di alam ni Andy na may gusto si Gabe,, NAniniwala si Andy sa Sign,, Malalaman ba ni Andy na si Gabe ang kay...