--GABE—
Alam ko naman eh, na kahit kelan kaibigan lang ako kay Andy. Wala akong natatandaang araw sa buhay ko na hindi ko sya minahal. Ang corny ko nga talaga.. hay.. kung alam lang nya. Naku naman! Paano nya malalaman kung hindi ko sasabihin?.. pero, wala talaga akong balak na sabihin ‘to sa kanya. Hanggat kaya kong itago, itatago ko..
Ansaya nya talagang asarin.. ngayon, wala ako ibang gusting gawin kundi ang titigan sya habang nakatingin sa langit. Ang totoo nan, seryoso naman talaga ako sa wish ko dun sa shooting star at sa milyong milyong shooting star na nakita ko, iisa lang ang wish ko…
“Gabe, uwi na ako” sabi ni Andy.
“eh di, umuwi ka na”
“nakakainis ‘to, wala man lang bahid ng pagkagentle man sayo eh”
“dyusko naman Andy, tatawid ka lang ng kalsada bahay nyo na!”
“eh pano kung masagasaan ako?”
Tumingin ako kay Andy, ano ba namang tanong yun? “kaengutan mo nay un, sa dinami dami ng humps dito, nasagasaan ka pa”
Tumayo na si Andy, sa bintana ng kwarto ko ang daan pababa ng bubong kaya bumaba na sya dun. Balak ko naman sya talagang ihatid pauwi eh kaso napangunahan na ko ng hiya. Paghinatid ko sya, magtatanung yun… anong isasagot ko? “kase mahal kita”?
Sinilip ko naman sya muna sa bubong kung maayos bas yang nakatawid.
“Andy!!” tinawag ko pa sya bago sya pumasok sa gate nila. Tumingin sya sakin. “Goodnight!” inirapan nya lang ako.
Araw-araw, gabi-gabi.. iniisipko kung anong gagawin ko, kung sa pagdaan ng araw mas lalo ko syang minamahal. Naku Gabe, itulog mo na lang yan.
“Gabe!! Hoy…”
Pagmulat ko si Andy agad ang nakit ko. “Ano?!”
“Bumangon ka na! tanghali na…” sabi nya “sabi mo sasamahan mo ako sa club house”
Sa club house? Nakakahalata na ko ditto kay Andy eh, ba’t kaya gusting gusto nito laging pumunta sa club house?
“mamayang hapon na, ang init init oh”
“napakadaya mo talaga!” sigaw nya sabay hampas sakin ng malaking unan.
May ugali si Andy na nanghahampas kapag naiinis. Minsan nga talagang nananakit yan eh.
“aba naman, mamayang hapon nga, ang kulit nito!”
Hindi pa rin ako bumabango, nakakaantok pa kasi eh, ikaw ba naman ang mapuyat sa kakaisip. Humiga si Andy sa tabi ko, kung alam lang nya kung gano ako nanghihina ngayon, gusto ko syang yakapin pero hindi ko kaya. Hindi ko dapat gawin yun. Tumayo na lang ako.
“Hoy Andrea! Ayusin mo yang kama ko!” biro ko.
“Ano ka?” tumayo na rin sya.
“bumaba ka na, magtotoothbrush at liligo na ko”
ngumiti si Andy “pupunta na tayong club house” tanong nya.
“Oo na, kaya bumaba ka na”
Tumakbo na si Andy papalabas ng kwarto ko. Kelan ko ba naman tinanggihan ang babaeng iyon?.. haayy…
BINABASA MO ANG
**Star** (FINISHED)
RomanceSIGN?? Naniniwala ba kayo sa sign? sign to find your true love? This is Story about Gabe falling inlove with Andy na bestfriend niya,, Kaso di alam ni Andy na may gusto si Gabe,, NAniniwala si Andy sa Sign,, Malalaman ba ni Andy na si Gabe ang kay...