ANDY POV

370 4 0
                                    

--ANDY—

Napaka-KJ talaga ni Gabe. Hayun, umuwi na sya. Ok lang, at least walang kokontra sa tuwing  magpapacute ako kay Brad.  Kaya lang, hindi ko naman alam na marami kaming tuturuan ni Brad. Since marunong naman talaga ako mag-swimming, hindi  na ako nakisali sa swimming lessons nila.

Nung nagbreak sila. Lumapit sa akin si Brad.

“Mag-isa ka ata. Asan si Gabe?” tanong nya.

Kinikilig ako kasi tumabi talaga sya sakin.

“Umuwi na eh” sagot ko “Andami mo pa lang students..” hay, para lang magkaron kame ng usapan.

“Ahh.. Umayaw na nga ako. Si kuya na lang”

“Ha? Hindi ka na nagtuturo?”

Ngumiti sa akin si Brad “Ang hirap pala kasi, ang galling ko noh? Two hours pa lang sa trabaho nagresign agad.”

Tumawa ako. Ganon lang kasi dapat, if nagpapatawa ang crush mo.. tawa ka lang.

“Tsaka hindi naman pala kita Estudyante”

Tumawa ulit ako kahit sa  loob-loob ko ay kiliggg na kilig ako sa sinabi nyang yun. Anong ibig sabihin nya dun? Gusto nya turuan nya ako?! Hay Andrea, kumalma ka.

“Andy, samahan mo naman akong kumain” biglang  sinabi ni Brad nung tumayo na sya “Sige na.. ililibre naman kita eh”

“uhhmm.. ok!”

Swerte ba ang mga Aries ngayong araw na ‘to? Kasi sobrang swerte ko at kasabay ko pa mismo maglunch ang crush kong si Brad. Nagkaroon tuloy kame ng time para makilala ang isat isa.

Naaalala ko pa nung  una ko syang nakita. December 7, last year at  sinabi  ko sa sarili ko baka  sya na ang  soulmate na hinahanap ko.

“Kelan ba birthday  mo?” ask ni Brad

“April 2.. ikaw?”

“February 4.. ang cool! Sakin 2/04 sayo 4/02”

Actually, hindi ko nagets nung una pero nung na-gets ko.. grabe soulmate ko nga sya. Ang dami  rin naming similarities.. pareho kaming tuwang tuwa sa “The Simpsons”, pareho kaming frustrated  vegetarians, as in sa kaliit-liitang bagay, pareho pa rin kami.

Excited na akong  ikwento kay Gabe ang kiliggg moment na ito.

**Star** (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon