--GABE--
Alam ko namang hindi madali para kay Andy ang hinihingi ko, kaya bago ako umalis sinabi ko sa kanyang wala na akong ibang gusto kundi ang maging masaya sya. Hindi naman ako nag-eexpect na magustuhan rin nya ako. Ok na yung hindi sya nagalit sakin dahil antgal kong itinago na mahal ko sya. Hindi na rin muna ako nagparamdam sa kanya. Nagpapamiss ng konti.. hehe.. pero unang araw ko pa lang sa Davao gustong gusto ko nang umuwi. Anong laman ng box?.. hmm.. syempre, secret.
Miss na miss ko na si Andy. Ang isang araw ay parang isang taon, walang araw na hindi ko sya inisip. Mahal ko si Andy at sa palagay ko, mamahalin ko sya habang buhay.
Antagal kong hinintay ang linggo... yun ang araw ng pag-uwi ko. Kung ano mang sagot ni Andy tatanggapin ko na lang.
"Andrea!" sigaw ko. sa tapat ng bahay nina Andy ako una pumunta pagkauwi ko, gabi na nun.
Tumakbo si Andy papalabas ng bahay nila, kasunod ang Mommy at Daddy nya pati si Ayen.
"Gabe?"
"Umuwi na ako"
Parang naiiyak na naman sya "Ang tagal naman ng 6days"
"Oo nga eh" sabi ko "Pasensya na wala akong pasalubong"
"Ok lang"
Masaya ako na makita ulit si Andy
"May sagot na ako" sabi nya "Kelangan ko lang ng sign"
Lumapit sakin si Andy. Nakatingin sya habang tumutulo ang luha "since hiniling ko sa stars na sana makita ko na yung para sa akin.. kapag nakakita ako ng star, sasabihin ko na yung sagot"
Tumingin ako sa langit. Madilim, walang kahit isang bituin, uulan pa nga ata. Dala dala ni Andy yung box na bihay ko sa kanya.
"Andy, andaya mo.. uulan eh"
"basta, mag-iintay tayo hanggang magkaroon" sabi ni Andy "kahit buong gabi pa"
at gaya ng inaasahan ko, umulan. Inintay na lang namin ni Andy tumigil ang ulan. Kasama si Ayen at si JJ(nakababatanggg kapatid ko) nanood lang kami ng sponggebob squarepants marathon, sa bahay. Tumigil man ang ulan saglit, wala pa ring stars.
3a.m na... wala na.. Pumunta ulit kami ni Andy sa bubong para kung magka-star, kita agad namin
"Andy, pag wala talagang stars anong mangyayari?" tanong ko.
"Eh hindi ikaw yung para sa akin"
"Ha?!" sabi ko "Grabe naman yun!"
Hindi muna kami nagsalita hanggang sa maalala ko yung box "Hoy, yung box, buksan muna!"
Actually, hindi ko na maalala kung anong laman nung box. Oo, box yun ng posporo pero may laman yun sa loon. Nasa akin yung box na yun since kinder, ibibigay ko talaga kay Andy yun pero inabot na ng ganto katagal.
"Nasa akin na yan nung bata pa ako, ginawa ko para sayo"
Binuksan ni Andy yung box. Sa loob nun may papel... Ahh Oo, drawing ko yun! Portrait ni Andy. Napatawa ako pero bigla akong niyakap ni Andy.
"Mahal din kita Gabe!" bulong nya sa akin.
"H.. ha?" sabi ko "wala pang sign ah"
"Sa tagal-tagal ng panahon, nasa tabi ko lang pala ang hinihintay ko"
Nakita ko yung drawing na ibinigay ko. bukod sa portrait ni Andy, may maliliit na stars sa paligid.. ang sign na pinakahihintay namin.
At himalang naglabasan sa madilim na langit ang sandamakmak na mga bituin kahit malapit nang sumikat ang araw
Mahal ko si Andy. Mahal na mahal.
BINABASA MO ANG
**Star** (FINISHED)
RomanceSIGN?? Naniniwala ba kayo sa sign? sign to find your true love? This is Story about Gabe falling inlove with Andy na bestfriend niya,, Kaso di alam ni Andy na may gusto si Gabe,, NAniniwala si Andy sa Sign,, Malalaman ba ni Andy na si Gabe ang kay...