Mathematics: The Language of Gods

128 2 0
                                    


Bago isilang si Hesukristo, noon ay mayroon na tayong mga Diyos at Diyosa. Sila ang nangangalaga sa buong sangkatauhan upang mabalanse ang katahimikan, kaligtasan, at kaayusan sa kanilang mga nasasakupan. Pinamumunuan ni Haring Zeus ang buong kaharian ng Olympus, ang kaharian kung saan ang lahat ng mga diyos at diyosa ay namamalagi. Kilala si Haring Zeus bilang makapangyarihang panginoon at siya ang kumokontrol sa ulan, batas, kaayusan, kulog at ang mismong kapalaran ng sangkatauhan. Ang lahat ng kanyang bilin at utos ay palaging sinusunod ng mga diyos at diyosa. Mahigit isang libong taon nang nabubuhay at namumuno si Haring Zeus sa kaharian ng Olympus at ito ay dahil sa isang agimat o anting-anting na nakalagay sa kanyang sinturon. "Ang Pascal Triangle", isang kapangyarihang pinagkaloob ni Horus, isang ehiptong tinaguriang "God of Mathematics". Dahil sa Pascal Triangle, nagkaroon si Haring Zeus ng panghabangbuhay na pagkabuhay at kapangyarihang pamunuan ang buong sangkatauhan. Kapalit nito ang pangakong panghabangbuhay na pagtuklas sa iba't ibang sangay ng Matematika. Sa mahigit isang libong pamumuno, kanyang natuklasan ang Geometry sa tulong ni Euclid, ang Cartesian Coordinate sa tulong ni Rene Descartes, ang Calculus sa tulong ni Isaac Newton at ang Pythagorean Theorem sa tulong ni Pythagoras. Nang matuklasan ng isa sa kanyang mga diyos ang kanyang lihim, nagkaroon ng sigalot sa buong kaharian. Si Ares, ang diyos ng digmaan at karahasan ay nagtangkang paslangin ang kanilang panginoon upang mapasakanya ang trono at kapangyarihan. Naging matagumpay si Ares na angkinin ang Pascal Triangle. Dahil sa pagkamatay ni Haring Zeus, ang buong kaharian ng Olympus at ang buong sangkatauhan ay napasakamay sa ilalim ng pamumuno ng makasarili at gahamang si Ares. Nang mawala si Haring Zeus, walang humpay ang pag-ulan at pagkulog sa buong kaharian. Naging marahas ang kaayusan at batas at naging masalimuot ang kapalaran ng buong sangkatauhan.

Nagalit si Horus sa kaharian ng Olympus dahil naudlot ang pagtuklas sa mga konsepto at aral ng matematika. Nagpakita ang espiritu ni Horus at nagbitiw siya ng ilang mga banta kung hindi masusundan ang mga natuklasan ng namayapang si Haring Zeus.

Horus: Mahigit daang taon na ang nakakalipas simula noong matuklasan ang Pythagorean Theorem at pagkatapos noon ay naging tamad ang inyong kaharian sa pagtuklas ng ilang mga aral sa Matematika na isang panata ng inyong panginoong namayapa. Kinakailangan niyong buhayin ang konsepto ng Matematika at iyon lamang ay inyong matutuklasan kung kayo ay bababa sa mundong ibabaw. Kung hindi niyo masusundan ang Pythagorean Theorem sa loob ng isang linggo ay babawiin ko ang mga kapangyarihang pinagkaloob ko at tuluyang mawawasak ang kaharian ng Olympus.

Biglang naglaho na parang bula si Horus at ito ay nagdulot ng pangamba kay Ares. Dahil hindi niya hilig ang matematika, sapilitan niyang iniatas sa mga Diyos at diyosa ang pagtuklas alang-alang sa kapangyarihan at buhay na walang hanggan na mayroon siya. Naging isang malaking dagok ito hindi lang sa buong kaharian ng Olympus, kundi maging sa buong sangkatauhan. Nagkaroon ng isang malaking pagpupulong sa kaharian ng Olympus kaugnay ito sa isang malawakang pananaliksik na iniutos ni Horus.

Ares: Kayo ay aking inaatasang manaliksik ng mga aral at konsepto tungkol sa Matematika. Sa ayaw at sa gusto niyo ay bababa kayo sa mundong ibabaw para makatuklas ng ilang mga paksang makakaambag sa pagpapalawak ng Matematika. At kung sino man ang lalabag sa utos kong ito ay papatayin ko. Kapag hindi kayo nagbigay ng matinong konsepto sa loob ng isang linggo ay papatawan ko kayo ng mabibigat na parusa.

Athena: Pero mahigpit na pinagbabawal ng kaharian ang bumaba sa mundong ibabaw. Hindi tayo dapat makita ng mga tao!

Aphrodite: Mapanganib para sa atin ang maglakbay lalo na at walang humpay ang pag-ulan at pagkulog!

Ares: Wala akong pakealam! Ako na ang bago niyong Panginoon at lahat ng susuway sa aking mga kautusan ay mawawalan ng buhay at kapangyarihan. Kung kinakailangan niyong gamitin ang inyong mga kapangyarihan para labanan ang sama ng panahon, gawin niyo! Magsisimula tayo kay Hera! Kailangan ko ng bagong tuklas bukas. Tiyakin mong magugustuhan ko ang iyong iuulat bukas at kapag hindi ko nagustuhan, ipapatapon kita sa mundong ibabaw kasama ang mga tao!

Katiting Kathang-IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon