Ang tao ay nagmula sa alabok at babalik din sa alabok. Mali. Mali ang ating pinaniniwalaan noon dahil isa itong lumang paniniwala noong mga nakalipas na daang taon. Walang tunay na tagapaglikha. Ang lahat ng may buhay sa daigdig ay likha ng mga bayolohikal na mekanismo na siyensya lamang ang makapagdidikta.
Ang pagpasok ng ika-30 dantaon ay isang karangalan upang mabago ang pamumuhay ng tao. Sa tulong ng imbensyon ng magkapatid na Stevenson, naging matagumpay ang pagnanais ng mga tao na isabuhay ang mga labi ng mga bangkay at iresiklo ito sa tulong ng mga makinarya. Gamit ang isang artificial cardiac pacemaker o implantable cardioverter-defibrillator, ang boltaheng nilalaman ng mga ito ay nagdadala ng electrical stimuli na kokonekta sa mga nerve tissues na magpapagana sa katawan ng tao. Marahil ito mismo ang simula ng tinatawag na “cyborg era”.Victor: Tagumpay! Isa ito sa aking mga obra maestra na tunay kong maipagmamalaki! Oh, mukhang kanina mo pang inaayos iyan ah! Di ka na natapos-tapos!
Leandro: Nahihirapan akong ayusin itong likod. Tingnan mo nga baka may mali.
Victor: Hindi talaga iyan gagana dahil mali ang pagkalagay mo ng mga resistors. Mabuti pa at puntahan mo na lang ang mga kliyente sa labas at may kukuha na nitong tatlo.(Bubuksan ni Leandro ang pinto sabay pasok ng mga kliyenteng may dala-dalang mga briefcase)
Client 1: Nasan na diyan yung anak ko? Bakit magkakamukha?
Victor: Ito ho. Medyo natagalan ako sa pagmamakina ng spinal cord ng anak niyo dahil sobrang sira na nga ito.
Client 1: Mukhang matibay ang pagkakagawa nito ha. Magkano nga pala?
Victor: Naubos ang artificial wires na ginamit namin diyan kaya kung susumahin eh siguro 1,300,000 iyan.
Client 1: Bakit parang ang mahal naman ata? Sarado 1,200,000?
Victor: Kayo, kung gusto niyong matulad diyan sa anak niyo eh...
Client 1: Oh eto na nga!Client 2: Fredericko! Fredericko! Mahal ko…
Victor: Hindi ho iyan ang asawa niyo. Ito ho, nasa gitna.
Client 2: Fredericko! Kay tagal kitang hinintay. Sa wakas, maipagpapatuloy na natin ang naudlot nating kasal.
Victor: Bale mga 1,500,000 ho iyan. May one week warranty hong kasama.
Client 2: Grabe namang singil yan! Sigurado ka bang matibay ang pagkakagawa nito? Alam mo naman sigurong ikakasal kami tapos alam mo na… kailangan malakas siya.
Victor: Sigurado akong malakas iyan! Hindi yan hahapuin. Teka, yung bayad niyo nga pala?
Client 2: Ang mahal naman kasi! Hindi ba pwedeng 1,300,000 din katulad nung nauna?
Victor: Kayo, kung gusto niyong maikasal nang buhay eh…
Client 2: Oh eto na nga! Nangonsensya pa eh!Client 3: Ito na ba si Lola?
Victor: Ahmmm… mga ano yan, mga 800,000 kung susumahin. Aba! Inayos namin pati vocal cords niyan para makapagsalita nang maayos.
Client 3: Ako na ang luluhod sa harap mo Mr. Stevenson, 500,000 lang ang dala kong pera. Pakiusap! Ibigay mo sa’kin ang katawan ng aking Lola.
Victor: Bakit mo pa kasi pinagkagastusan yang matandang iyan? Pwede mo namang ibalot na la’ang sa banig at itapon sa ilog para tipid.
Client 3: Kami na lang ng Lola ko ang magkasama sa buhay simula nung iniwan ako ng aking mga magulang. Kung kailangan kong magpakaalila sa inyo, gagawin ko.
Victor: Tsk! Siya, siya… Tumayo ka na diyan at kunin mo na yang Lola mo! Masyado mo kong binabagabag.
Client 3: Maraming maraming salamat po talaga Mr. Stevenson! Diyos na po ang bahala sa inyo.
Victor: Anong Diyos ka diyan? Walang diyos! Kasi kung meron man,sana matagal na niyang tinupad yung sinasabi niyang eternal life!Leandro: Grabe ka naman Kuya don sa bata! Dapat hindi mo na siningil ng ganong kalaki.
Victor: Totoo naman diba? Mga impokrita lang ang naniniwala sa mga Diyos na iyan! Kung talagang tunay silang nananampalataya, hindi sila lalapit sakin para pilitin na buhayin ang isang bangkay. 3000 na pero ewan ko ba kung bakit may naniniwala pa rin sa Diyos na iyan. Ang tunay na diyos ay ang siyensya at agham. Sila dapat yung pinupuri ng mga tao!
Leandro: Teka lang, may kumakatok na naman yata sa labas.
Victor: Pakisabi nga bukas pa ako maglalabas ng mga makinarya. Magpapagawa tapos hindi naman magbabayad nang tama!
Leandro: Ay! Si Cassandra pala! Kumusta nga pala?
Cassandra: Hindi ikaw ang pinunta ko rito! Si Victor, nasan? Tabi nga!
Victor: Pag minamalas nga naman, tsk!
Cassandra: Victor! May bagong tayong kainan diyan sa may Modesto. Kung hindi ka busy eh pwede bang samahan mo akong kumain?
Victor: Marami pa akong dapat tapusin. Ayan si Leandro, yayain mo.
Leandro: Pwede ako Cassandra. Tutal tapos ko na naman ang trabaho ko. Ano? Tara?
Cassandra: Ayoko! Ano na lang, ahmmm… samahan mo na lang akong sumakay sa Hyperion Spacecraft. Dali! Ngayon daw masisilayan ang pagsabog ng planetang Neptune!
Victor: Bakit ba ang kulit mo?! Ayoko sabi, pwede ba umalis ka na lang? Wala akong panahon sa’yo!
Leandro: Kuya huwag naman ganyan! Babae ‘yang kinakausap mo.
Victor: Palabasin mo nga ‘yan at baka mapasama ‘yan sa’kin.
Leandro: Pasensya ka na kay Kuya ha.. Masyadong…
Cassandra: Kaya ko ang sarili ko!

BINABASA MO ANG
Katiting Kathang-Isip
PoesíaNabuo tayo sa mga pinagdugtong-dugtong na mga katha, ng mga isip, ng mga malilikot na guni-guni. Nagkaroon tayo ng kapirasong mundo gamit ang mga pangarap, ang kakayahang magmahal, ang masaktan, ang mangulila. Sa likod nating puno ng kwento. Sa gitn...