Hanggang saan tayo dadalhin ng panahon?

126 1 0
                                    


"May mga pag-ibig na kayang ibulong sa hangin para maiparamdam."

Tunghayan ang isang natatanging kwento ng dalawang nagmamahalang sinubok ng panahon, ng pagsubok at ng mga ala-ala. Gaano kahigpit ang kapit? Gaano kainit ang yakap? Gaano katamis ang mga salita? Hanggang saan tayo dadalhin ng panahon?



Dok: Base po misis sa isinagawa naming neuropsychological testing eh aming nadiskubre na hindi normal ang amyloid plaques at neurofibrillary tangles ng inyong anak at ito ay isang indikasyon ng isang pasyenteng may Alzheimer's disease.
(Buntong Hininga ng Ina)
Madalas nagkakaroon nito ang mga matatanda na may edad 65 taong gulang pataas pero sa edad ng inyong anak ay unti-unting nadedevelop ho ang mga sintomas. Medyo malala na ho ang pinsala sa kanyang utak at mukhang hindi naagapan ng maaga. Ito ho ay dulot ng unti-unting pagkamatay ng mga neurons na humahantong sa paghina sa kontrol ng paggalaw, memorya at katalasan. Wala pa pong natutuklasang gamot para sa kondisyong ito subalit maraming maaaring gawin upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng inyong anak at...

Ina: Dok.. hhhh.. Sa kondisyon ho ba ng aming anak, ilang araw po ba ang itatagal ng mga may ganung karamdaman?

Dok: Kapag ho kasi nakitaan na ng mga sintomas eh minsan linggo o buwan na lang ang tinatagal depende ho kasi iyon sa magiging epekto ng mga sintomas. Asahan niyo na hong magiging makakalimutin ang inyong anak. Malaki ho ang pagbabagong magaganap sa pag-uugali ng inyong anak at mahabang pasensya ho ang inyong kailangan.
(Exit. Tuluyang paghikbi ng ina habang palabas ng silid )

(Papasok sa eksena si Trish )

Trish: Tita, ano ho ba ang nangyari kay Jarred? (Hindi nakausap si Tita Vicky. EXIT )
Troy, Lexa ano bang nangyari?!

Troy: Kakatapos lang ng inuman namin kanina tapos itong boyfriend mo eh lumagabog sa sahig. Hindi namin alam kung napano ba. Kanina eh ang saya saya pa niyan. Kinekwento pa nga niya yung mga drawing mo samin eh. Yung mga portrait.

Troy: Buti nga hindi na ano, nabarog o nabasag ang bungo. Ang lakas ng pagkabagsak sa sahig. Sinugod na naming sa ospital baka kasi sinama lang ng panlasa.

Lexa: Hindi pa namin alam kung ano yung result ng test na ginawa kanina. Masyadong confidential daw sabi ng doctor. Hindi rin naming makausap ng maayos si Tita Vicky.

Troy: Sige, mauuna na kami. Balitaan mo na lang kami kung okay na si utol ha. Eto nga't malalate pa nga kami sa aming mga duty. Gege.
(EXIT)

Tita Vicky: Trish.... (Humahagulhol)
Trish: Tita, ano ba ang sinabi ng doctor? (Sad Music)

Monologue: Matagal na palang may Alzheimer's disease si Jarred. Sa labingapat naming pagsasama ay ito pala ang palagi niyang iniinda. Palagi niyang iniinda ang pagsakit ng ulo at akala ko normal lang ang kanyang pagiging makakalimutin. Lagi kong ginuguhit sa isang kwaderno ang bawat ala-alang masaya kami. Lagi kong hawak yung kamera niya upang kunan lahat ng mga masasayang bagay na magpapaalala sa kanya sa tagal ng aming pinagsamahan. Ngayon naiintindihan ko na. Lalo na't malapit na kaming ikasal.

(Nasa kotse. Pauwi ng bahay nina Inigo)

Trish: "Tita pauwe na po kami ni Jarred. Dala ko na rin po yung mga reseta at gamot na ibinilin ni Dok!"
Sa kabilang linya: "Pasabi sa Tito Rogelio mo na bukas pa ako makakauwi ha! Sige, magingat kayo!"
*************SILENCE & SOUND EFFECTS*********************************

Trish: Hindi mo man lang sinabi sa'kin na may Alzheimer's ka na pala.

Jarred: Sus! Nagpapaniwala ka naman dun sa mga doctor na yun. Wala akong sakit okay? Tingnan mo, ang lakas lakas ko kaya.
Trish: Eto ha, nagresearch ako sa google. Mga sintomas ng mga taong may Alzheimer's disease. Makakalimutin. Ikaw yun, sobrang ulyanin daig pa ang matandang uugod-ugod. Isang bulate na lang ang pipirma at mamamatay na. Nawawalan ng malay at biglaang pagsakit ng ulo. Ayun, ilang beses na yan nangyari pero lagi mong sinasabi naout balance lang, nilalagnat, pagod, nadapa? Ang totoo? Tapos ito pa, nakakalimutan ang pagkontrol sa pag-ihi at pagdumi. Ikaw talaga to! Diba? Umiihi ka sa pantalon mo tuwing gabi o di kaya tumatae sa br.. (Tinakpan ng kasintahan ang bibig)

Katiting Kathang-IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon