A Long Walk

15 6 0
                                    

Entry #3:
November 15, 2011 - Tuesday

Dear Diary,
Half day lang ang klase namin ngayon at walang alam si mama nito. Ngayon ang pinakaunang praktis namin ng pagsayaw para sa aming phil.demo. Pagkatapos ng praktis namin na under sa MAPEH subject ay mathematics pero di pumasok si Sir Sunga kaya pumunta kaming magbabarkada sa kanila Jerrielyn at kasama ko sina ate Kristyl, Krystel, Joece, Rozel, Marichu at Angelika. Pagkatapos nun ay sa bahay naman nina Rozel doon sa Lacson pero dahil wala ng pamasahe ang iba eh umuwi na lamang sa sarili nilang mga bahay kaya kami na lang nina ate Kristyl at Joece. Bago ang lahat ay dinaanan muna namin sa school ang mga lalaki at sa likod ng gate kami dumaan. Sina Noel Loyd, Jomarie, Oliver, Emmanuel at Jessie Jan yung mga lalaki na tinutukoy ko. Dinaanan din namin si Marichu sa kanila dahil sasama daw sya.
Pagdating sa bahay nila Rozel ay nagsimula na kaming mag praktis ng sayaw para saming xmas party. Pagdating ng boys ay kasama nila si Luigi. Nagpraktis na kami kasama ang boys.

After ng praktis ay nag foodtrip muna kaming lahat at kumain ng papaya na sinawsawan ng sukang maanghang then umuwi na.
Enjoy kami dahil nilakad lang namin ang Lacson hanggang NCCC to think na ang layo nun tapos sumakay na kami ng tricycle papuntang bahay ni madam ay este ate Kristyl pala. Hehe. Kasama namin ang couple na sina Noel Loyd at Krystel, Emmanuel, Jomarie, Oliver, Jessie Jan at Joece. Nanood kami ng The Grudge! Nagmiryenda din kami.
Nung umuwi na sila ay umuwi nadin ako ng bahay at nanood ng Paul na movie. Tungkol sa alien yung story. Nag-enjoy naman ako kahit na mag-isa lang akong nanuod.

Maaga akong makakatulog nito dahil pagod yung katawan ko kakalakad namin kanina.


Otor's Note:
Alam nyo napala ko nung gabing 'yan? Sumakit mga binti ko na pakiramdam ko ay binugbog ito! Tsk. Ang layo din naman kasi ng nilakad namin. Naaalala ko pa na kinabukasan ay same complains lang naririnig ko.. masakit daw ang mga binti't mga paa nila ! Haha XD i miss those times ! (〜^∇^)〜☆\(^ω^\)
Well, kayo ba guys? Naranasan nyo din ba ang ganito while you're in high school ?? Haha .. XD

Flying Kisses ~♥
MalouVillas

My Dearest DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon