Entry #12
March 23, 2012Hi Diary !
Ako na naman ... Tanghali ako ngayong nagsusulat sayo pagkatapos kung kumain. Hanggang tanghali lang ang maishi-share ko sayo dahil until lunch time ko lang nakita si Jenard sa school. :-(Di ako nagsuot ng uniform ngayon kasi wala na namang matinong pasok. Pagdating namin sa classroom ni ate Kristyl, MY GOSH ! Konti lang ang pumasok diary ! Kalungkot talaga. Kaya ayun, medyo late na kami pumasok so nagmamadali kaming humabol sa pagsagot ng test paper namin sa MAPEH subj.
Kanina noong lumapit ako kay Marichu ay pinag-usapan namin yung project sa Science dahil nawawala daw talaga eh sa pagkakaalala ko talaga ay kasama ko iyong ipinasa sa science faculty kaya ang nangyari, kailangan nyang gumawa ulit.
Sinamahan ko si Marichu na magpa xerox copy ng DNA pattern kasi nagi-guilty ako dahil nawala yung sa kanya. Habang papunta kami sa labas ng school gate paqa magpa-photocopy bigla ko na namang naisip si Jenard. Nakapasa na sya noon sa akin pero di ko nahagip yung project nya kanina.
Dahil nag-aalala na naman ako na baka nawala nga yung kanya (ewan ko ba at ba't ang lakas ng pakiramdam ko na nawawala ang project nya! OA na ako masyado) kaya nagpa-xerox copy na ako bahala na kung di man talaga nawala yung project nya.
Pagdating namin sa room ay nag check na agad kami sa sinagutan namin kanina tapos mga ilang saglit ay dumating na si Jenard tapos kinuha na ang frequency of correct tapos nun .. NAMOMROBLEMA KUNG BA'T NAWAWALA ANG PROJECT NYA.
WAHAHAHAHAA sabi na eh! TamHi talaga ako .. Tamang Hinala, diba Diary ! (*^_^*)
Mga ilang minuto ay pumasok si Ma'am Echavez at in-announce kung sino ang top honnors sa aming section and GUESS WHAT DIARY !
2nd ako .. waaah ! OMG . I'm so proud (*^ω^*) .. di pa ako nag-e-exert ng effort nyan eh 2nd daw ako. Wabaahh~ at syempre! Si ate K ang 1st.Kanina pa dapat ako nakauwi dito sa bahay kung pinilit pa lang talaga ako ni ate K kaya napasabi tuloy sya ng :
"Dapat talaga para kusa kang umuwi, dapat nakauwi na din yang si Jenard eh."
LOL XD
Kilala na talaga ako ni ate K. Alam nya ang reason kung ba't ayaw ko pang umuwi. Kaya ayun, mag-isa umuwi si ate K.I'm glad na napirmahan na si Jenard sa Science nya dun sa clearance na dala-dala nya lage. Kasi naman! Binili nya yung pina xerox copy ko kanina for him. Ibibigay ko lang sana yun kaso nahihiya na naman kaya para di sya mahiya ay pababayaran ko na lang. Atleast di na nya kelangan pang lumabas. (*^_^*)
Sinenyasan ko si Micca kung pwede bang tulungan nya si Jenard at dahil wala na naman syang ginagawa, nilapitan nya at nag-alok ng tulong. Nagseselos ako pero ok na'to para naman mapadali yung project ni Jenard.
Nung gumagawa na sya ng stick (part ng project), sa pagkuskos nya nun ay nasugatan sya sa kamay. DUMUGO!
:-O :-(Nag-alala talaga ako habang tinitingnan sya na hinihipan ang daliri nyang dumudugo. Napansin naman ako ni Ronel tapos tumayo syj at lumapit kay Jenard at .. sya ang nagpatuloy sa pagkuskos ng stick.
After a while, may namamalimos sa may pintuan. Di na ako nagtataka nun na ba't nakapasok yung mag-inang namamalimos dahil open ang mga gate ngayon. Naawa ako pero pamasahe nlng ang meron ako kanina kaya di ako nakabigay. Nagbigay ang ilang kaklase ko ng barya.
Alam kong mabait si Jenard pero di ko parin inasahan na binigyan nya dahilan para mapangiti ako at mas lalong naiinlove sa simpleng galaw nya lang.
Noong papauwi na ay kunwari ihahatid ko sa gate sa likod ng school sina Marichu at Joece dahil kasabay nila si Jenard. Yieee!
Pero bago yun ay dumaan muna kaming apat sa science faculty para magpa pirma. While waiting outside (dahil may ginawa pa saglit si Ma'am Corales), umupo muna si Jenard sa may flower pot at habang nkaupo sya, di ko sya masyadong nakikita dahil may posteng nakaharang THEN GUESS AGAAAAIN ! Kunwari sinisilip-silip nya ako. KYAAAA~ ♥Pagdating sa gate ay nag bye si Marichu kay Jenard at nag "babye" din sya in his cute voice! Pagtalikod nya ay tska lang ako nag wave sa kanya ng goodbye. Wahahahaa..
At dahil pilya si Marichu ngayon, sinabi nya ito :"Babye din daw Jenard sabi ni Malou."
At tska na ako nagmadaling naglakad pabalik ng classroom. Nag-aantay si Rozel sakin dahil sasabay sya sakin papuntang Crossing Fausta (kung saan laging doon ako naghihintay ng masasakyan pa uwi) dahil sa Ransona daw sya uuwi.
Pag-uwi ko ngayon, sabi ni mama na nag text daw si Teltel na pupunta daw sila dito. Ewan ko kung totohanin ba nila. Malalaman ko yan mamaya.
Hayys! Vacation na naman .. mamimis ko talaga si Jenard ! T^T
2 days ko na lang yata syang makikita, last 2 days which is this coming Tuesday at Wednesday. Wala kasing naka schedule na pipirma this Monday. Tsk! Watalayp!Otor's Note :
Nag aate ako kay ate Kristyl kasi po mga tsong, dapat at that time na i was 2nd yr ay 4th yr na sya. Kaso nagstop sya dahil ayaw nya sa dating school nya w/c is Holy Cross College of Calinan (private school). Ayan! Wag na kayo ma confuse.Flying Kisses,
MalouVillas ~♥
BINABASA MO ANG
My Dearest Diary
RandomAko si Malou Villas. Nagsimula akong magkagusto sa kanya noong 2nd year high school pa lang kami. Baliw talaga ako nun sa kanya until nag 4th year na kami. Madami na din ang nanligaw sakin nun pero wala talaga. Ewan ko ba sa sarili ko kung ba't hini...