Entry #13
March 24, 2012 - Saturday!Dear Diary,
I'm lonesome and bored now. Wanna know why? Coz it's Saturday! Wala akong magawa, nakakalungkot kaya pakiramdam ko malapit na akong ma baliw ! Buti pa kahapon at ang saya ko.Magkukwento na lang ako sayo tungkol kahapon after kong sumulat sayo Diary!
KAHAPON. Dahil malakas ang kutob ko na dadating sina Krystel, nag arrange ako at naglinis ng kwarto. Nanonood ako ng He's Beautiful (one of my favorite tape collection) ng dumating sina Teltel, Loydy, Ronel at Paulo. Wala si mama ngayon dahil nagpunta sila Uncle Fino sa downtown para kumuha ng pension ni Lola Pina.
Mga ilang saglit lang ng mapansing di sila nasisiyahan sa pinanood namin ay tinanggal ko na ang tape sa dvd player at Secret Garden naman. Bored parin silang tingnan dahil siguro korean yung pinanood ko so yung HANNA naman na movie. Sa kalagitnaan ng panonood nun ay dumating na sina mama at pinag miryenda ang bisita ko. Umalis na naman agad si mama ng dumating si ate K kaya huminto na kami sa panonood at pumunta kina Cheng-cheng (sa tapat ng bahay namin) para mag videoke (may tindahan kasi sila tska videoke-han). Actually, videoke naman talaga ang sadya nila dito eh pero pagdating dun, nawalan ng gana. Haha. Kumanta lang sila. Kumanta si Ronel ng "Ngiti" habang nakatingin sakin kaya tinutukso ako =____=" .. di ako natutuwa ah! CERTIFIDE JENARD na ako eh! ∩__∩
Bago magdilim ay umuwi na ang tatlo. Kinagabihan, dito natulog si ate Jhele for the 1st time. (magpinsan si ate Jhele at ate K at magka batch lang sila DATI. ) Dito rin sana natulog si ate K kaso naalala nya na kanina pa pala nya na charge ang cp nya kaya umuwi pero bago sya umuwi ay andun muna sya dahil umuulan at nakipagkulitan kay Ariane (bunso kong kapatid). Tawa lang kami ng tawa dahil andaming kalokohan ni ate K habang tulog na sa tabi ko si ate Jhele.
KANINA/NGAYON. Pagka gising ko, si ate Jhele ang bumungad sakin.
Boring na umaga na naman hanggang sumapit na ang gabi na matutulog na naman ngayon. Bwesit talaga Diary! Miss ko na si Jenard. :3Ay oo nga pala! Kawawa yung pusa ko kanina kasi naipit yung buntot nya sa pinto kakasunod kay mama. Y^Y Buti na nga lang at buntot nya lang ang naipit. Dumudugo pa naman yun kanina.
Urggh ! I hate this day. Ito talaga yung ayoko basta walang pasok eh.. lalo na't magbabakasyon na! Di ako kuntento na sa picture lang sya makita. Gusto ko syang makita na as in PERSONAL! ... tsk! Inlove nga ako. ●ω●
BINABASA MO ANG
My Dearest Diary
RandomAko si Malou Villas. Nagsimula akong magkagusto sa kanya noong 2nd year high school pa lang kami. Baliw talaga ako nun sa kanya until nag 4th year na kami. Madami na din ang nanligaw sakin nun pero wala talaga. Ewan ko ba sa sarili ko kung ba't hini...