Loydy's House

15 6 0
                                    

Entry #4:
November 16, 2011 - Wednesday

Dear Diary,
Medyo marami din ang nangyari today. Wala kaming MAPEH ngayon so ang trip namin was Truth or Dare. Nung inikot na ang ballpen, si Alexandra ang natapatan nito (lesbian sya). Ang tanong sa kanya ay sino ang crush nya sa loob ng klase. Ang sagot nya ay ang pangalan ko. Well, nagulat ako syempre pero binalewala ko lang.
Mga ilang minuto na din kaming naglalaro nun at ang ingay na namin hanggang sa lumabas na yung teacher sa katapat namin ng room na 3rd yr at pinagalitan kami. Pinalo din ng chart si Alexandra dahil sya yung malapit sa bintana. Buti na lang at may rehas yung bintana kaya di masyadong dumampa sa balikat ni Alexandra yung hinampas sa kanya. Ang ingay naman kasi namin. Matanda narin yung guro kaya siguro ganun kung magalit kaya nagpipigil kaming lahat na matawa.

Ang last subject namin pagka hapon ay Filipino pero di pumasok si Ma'am Pamintuan kaya pumunta kami sa bahay ni Noel Loyd. Buti na lang at open ang gate sa likod at walang guard na nagbabantay. Kasama ko si ate Kristyl, Joece, Angelika na pinsan ni Krystel, Rozel, Marichu, Jerrielyn, Jessie Jan, Emmanuel, Oliver, Jomarie at Krystel na nobya ni Loydy. Loydy tawag ko kay Noel Loyd. Parang kagaya lang kahapon. Hehe.

Pag-uwi ay pinagalitan ulit ako ni mama at as usual. Nagpalusot ulit ako.

Otor's Note:
Magkaibigan po ang mama ko at mama ni Loydy way back in their high school life kaya.

My Dearest DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon