Farewell Letter

13 4 0
                                    

Entry #8:
March 15, 2012

Dearest Ever Diary,
Guess what !!! ♥♥♥
Gumawa na ako ng farewell letter para kay Jenard Larena kagabi! Kyaaa~ ! Naisipan ko kasi na baka next school yr ay di na kami magkaklase kaya mas mabuti pang mga confess na ako ng feelings ko sa kanya.
Pinabigay ko kay Micca ang letter ko para sa crush kong 'yon. Bilin ko sa kanya ay dapat walang ibang makakabasa nyan malibang kay Jenard, sinunod naman nya.

Walang teacher na pumasok sa room namin ngayon pwera na lang sa adviser naming si Ma'am Echavez. Inutusan nya kaming lahat na pinturahan ang lahat ng mga upuan namin para narin mapirmahan nya yung dala-dala namin na clearance. Nung wala na si ma'am ay sumabay kami sa mama ni Krystel para makalabas na gate. Sa bahay nila kami tatambay ngayon para simulan ang project namin sa Filipino na pop-up. Kung di namin yun maipapasa ay di mapipirmahan ang clearance namin.
Bale tatlong grupo kami na andung kaya ang gulo namin sa bahay nina Tel-tel (nickname ni Krystel). Ang masaya pa nyang , kasama ang grupo ni Jenard! Shyet ! Ang galing nya talagang magdrawing. Sya taga draw sa grupo nila.
Sa grupo ko naman ay ako ang taga guhit at sa grupo ni ate K ay sya ang taga guhit din gaya namin ni Jenard. Dun kami nagstay 9 am hanggang 2 pm. Naghabulan si Jenard at yumg kapatid ni teltel dahil inagaw ang clearance ni Jenard. Namangha kasi ang kapatid ni teltel sa clearance ni Jenard kasi may drawing ng dragon yung clearance nya. Syempre sya mismo nag drawing nun! Galing ng crush ko ! ♥♥♥

Nung nabawi na nya ang clearance nya ay tinanong ko sya baka nalaglag na yung letter ko pero wala naman daw. Ininsert nya kasi yung letter sa likod ng clearance nya.
Habang andun kami, tampuhan kami ni Jenard ng tukso. Kinilig naman ako syempre pero galitgalitan lang ako para di masyadong halata! Wahahaha.

Bumalik na kami ng classroom namin at nauga na ang mga pininturahang mga upuan kaninang umaga kaya nauupuan na namin.
Parang nahahalata na ni Maridel si Jenard na laging nakangiti dun sa clearance nito kaya nung iniwan muna ni Jenard ang folder na may nakadikit nyang clearance ay kinuha agad ito ng letseng si Maridel at dahil nakita ko yun, sinigawan ko pa tuloy si Jenard na habulin si Maridel kaya hinila ni Maridel si Catherine para silang dalawa ang makabasa ng letter ko. Naghabulan sila habang ako ay mangiyak ngiyak na sa inis and at the same time nahihiya ako! Malamang nabasa na nila yun! Bwiset na Maridel yun !!

Nung nabawi na ni Jenard yun sa kanila ay di ko inasahan ang galit na ngayon ko lang nakita kay Jenard. Galit sya kay Maridel dahil sa pagiging pakialamera nya. Buti nga sa kanya! Leche plan talaga!

Pagkatapos nun, may nakita akong kwintas sa bag ko na nakalagay sa maliit na cellophane. Ang cute ng kwintas. Nagtaka ako ba't may ganun sa bulsa ng bag ko. Siguro isa sa mga nakasama ko kanina kina teltel ang may-ari nito dahil magkatabi lang lahat ng bag namin kanina at baka namali lang ng paglagay nung kwintas. Kaya ang ginawa ko, nagtanong ako sa lahat ng andun sa classroom kung kaninong kwintas yun. Sa lakas ng boses ko ay napalingon lahat kasama si Jenard.
Dahil walang sumagot, lumapit ako kay Ronel baka sya na naman ang naglagay sa bag ko ng kwintas dahil binigyan nya na ako nung nakaraan week kahit binasted ko na sya. Di nya daw alam kaya nagtanong din ako kay Paulo pero di din daw. Pero malakas ang kutob ko na nasa kanilang dalawa lang ang naglagay ng necklace.
Binalikan ko si Ronel sa pagtatanong kaya kinuha nya muna ang kwintas at tinanong si Paulo. Tinignan ko lang sila at nung nagtanong na ulit si Ronel kay Paulo ay kinuha ni Paulo ang kwintas at nag action sya na itapon yun. Nginitian lang ako ni Ronel at Paulo tapos umupo sa upuan nila.
OH MY GOD! SO THAT MEANS, PARA SAKIN YUN AT GALING KAY PAULO YUN! BAKA INIISIP NYA NA DI KO YUN NAGUSTUHAN AT DI NADIN MATATANGGAP DAHIL PANGIT. Huhuhu... nasaktan ko yata yung feelings nya. Ang cute pa naman ng necklace. Naku naman!

Pag-uwi ko ng bahay, dun ko lang napatunayan na REMEMBRANCE pala yun ni Paulo sakin dahil naiwan yung maliit na papel na siguro ginamit sa pagbalot sa cellophane na may kwintas kasi kunot na yung papel.
Naku! Ang tanga ko! Kung nakita ko lang yung agad kanina eh di di na ako nakasakit ng feeling at nasakin nadin sana yung necklace.

Sa front ng papel ay may nakasulat na :

Remembrance
ko pala
Sayo !!!

from : Mr. Lee!
to : PRINCESS

Ang nakasulat naman sa likod ay :

SORRY NA HA

Cute din ni Paulo noh? Sya lang talaga ang tumatawag sakin ng princess eh. Ang Mr. Lee naman ay code name nya bsta may ka text sya.
Ang wallpaper nga ng cellphone nya ay picture ko pero hinahayaan ko lang. Ok lang naman sakin. Mabait talaga si Paulo tska mahiyain.

Hai naku! Isa din sya sa nagkagusto sakin eh. Binasted ko na naman sila ni Ronel. Paano ba yan? Iba ang napupusuan ko eh! Sorry na lang talaga . Nakakalungkot man sa side nila, hanggang kaibigan lang talaga si para sakin.

My Dearest DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon