Entry #15
March 26, 2012Hello Diary!
Woohoo~ Maaga akong sumulat ngayon sayo dahil excited na akong mag share/sulat sayo.
Magugulat ka talaga kung saan ako nakarating... sa BAYANIHAN,WANGAN !
Di ko maipahiwatig ang aking nararamdaman! (Aw ' sar langs! XD)
Ang layo ng nilakad namin. So here it goes.Kanina ang tamlay-tamlay ko kasi as expected, di sya pumasok (though Val.Ed lang naman ang pipirma ng clearance today kaya pwedeng umabsent). :-(
Miss ko pa naman sya. Napansin naman ako nina Teltel."Absent lang si Joseph parang namatayan ka na jan." Panunukso ni Teltel. -____-" Di ko lang sya pinansin.
(Nasabi nyang Joseph kasi late ko ng nalaman na may gusto pala sakin si Joseph. Yung as in sila lahat alam, ako lang ang blind. -_-# But ok na naman si Joseph dahil alam naman nyang baliw talaga ako kay Jenard. XD
Pero alam naman talaga ni Tel na si Jenard talaga ang namimis ko)So, dahil sadyang pilya ako...
"Tel! Punta tayo sa bahay nina Joseph. Tutal tapos na naman tayong magpapirma sa Values eh. Tska diba alam nyo na kung saan ang bahay nila Joseph. Geh na."
So, ayun nga! Pumayag sya. Lakas ako kay sa mga 'yan eh pero ewan ko at laging gustong sumama ni Ronel at Paulo. Bahala sila. XD Ang mga kasama ko ay sina Teltel, Loydy, Joece, Marichu, Ronel at Paulo.
Shortcut daw kami so sa pa Alcantara kami dumaan. Pakiramdam ko kanina mga half hour kaming naglalakad. Pag dating kina Joseph ay kumain kami tapos nanood sa tv ng showtime. Nakakatawa si Ronel kasi sinuot nya yung palda ni Joece. (hinubad ni Joece ang palda nya dahil mainit daw tska nagshort naman sya) Suot nya yun habang topless. Nakakatawa syang tingnan. Nag-eenjoy talaga ako basta kasama ko 'tong mga kaibigan ko.
Nung pauwi na kami ay hinatid kami ni Joseph. Napag-alaman ko na sundalo pala ang papa ni Jenard. (Yiekks! Scary.) Tinuro din ni Joseph kung saan banda kina Jenard at may tinuro syang daan. Diretsuhin lang daw yun at andun na ang bahay nila. Gusto kong makita ang bahay nina Jenard baka kasi makita ko din sya hehe. ≧﹏≦
Pero, ayaw nila Ronel, Paulo at Marichu. ╭(╯ε╰)╮ Ano bang problema nila?! Ang KJ ah! Eh di sana di na sila sumama! Kainis!!So, yun. Di ko nakita ang bahay nila Jenard BUT! atleast pag mapadpad man ako dun one day, alam ko na kung saan banda! Hihihi .. (*^﹏^*)
Sa may Kalye Apike na kami dumaan yun malapit sa bahay ni Teltel sa may tulay.
Nung andun na ako sa Fausta para maghintay ng masasakyan pauwi ay nadaanan ako ni Joece na nakaangkas sa motor at nag wave nalang sya as goodbye.
Sana. Sana pumasok bukas si Jenard.
PROMISE! Miss ko na talaga sya! T^T
BINABASA MO ANG
My Dearest Diary
عشوائيAko si Malou Villas. Nagsimula akong magkagusto sa kanya noong 2nd year high school pa lang kami. Baliw talaga ako nun sa kanya until nag 4th year na kami. Madami na din ang nanligaw sakin nun pero wala talaga. Ewan ko ba sa sarili ko kung ba't hini...