Ronel's Birthday

14 5 0
                                    

Entry #5:
November 30, 2011 - Wednesday

Dear Diary,
Paggising ko at pagkatapos manghilamos ay naglinis ako sa aming sala pagkatapos sa taas naman ako dahil maalikabok na. Wala kasing natutulog dun kaya bakante ang mga kwarto sa taas. Nagwalis din ako sa kusina at nilagyan ng bagong bulaklak yung altar sa taas tska nagwalis na naman ako sa harap ng bahay.
Pagkatapos ay nagpahinga ako at kumain narin ng agahan. Mga 9 am ay dumating si Joece sa bahay. Wala si Inchick dahil may praktis sila at mamayang 3 pm pa makakauwi kaya ako lang naglilinis kanina.
Nanood lang kami ni Joece ng Despicable Me sa kwarto. Pagkatapos ay doon na muna sya kina ate Kristyl.
Sumunod naman ako at tumambay kami sa likod ng bahay nina ate K at nag aminan ng mga crush. Crush ni Joece si Oliver at si Jomarie naman yung sakin.
Ang talagang pakay ni Joece ay dapat mag praktis na kami sa assignment namin sa Aral.Pan na ipapasa na pagka December 5 which is Lunes.
Pero di namin ginawa ang talagang pakay ni Joece.

Mga ala una ay umalis na sila dahil pumunta sila sa Malagos dahil ngayon ang bday ni Ronel. Sama dapat ako pero di ako pinayagan ni mama dahil walang tutulong sa kanya mamaya para asikasuhin ang kanyang mga bisita. May household kasi dito sa bahay. Handmaids of the Lord nga pala si mama kaya ganun.
Ang tagal ngang natapos ng househole eh kaya nayamot ako! (Sorry Lord)

Andaming text sakin ni Ronel ba't wala daw ako. Nagtext din yung iba at sinabing malungkot daw si Ronel dahil wala ako. Wahahaa. Andami nilang kalokohan.

Nakakainggit sila. Sana andun din ako't nakikisaya.

My Dearest DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon