The Confession

2.4K 112 0
                                    

Makalipas ang ilang mga buwan ay naging malapit sila sa isa't isa na halos araw araw ay magkasama sila. Pag may race si Rhian ay laging nanonood si Glaiza. Ganun din naman si Rhian kay Glaiza pagdating sa mga gigs.

Madalas ay sinusundo ni Glaiza si Rhian pagkatapos ng kanyang practice sa Clark gamit ang kanyang Ducati. Sobrang palagay na ang loob nila sa isa't isa.

Chynna calling Glaiza

"Tsong hello kamusta naman ang puso mo eh este kayo ni Rhian? Kayo na ba?" lokong sabi Chynna

"Masaya ang puso ka ngayon tsong salamat sayo. Pero sa totoo hindi pa kami ni Rhian. Actually I have plan of confessing my feelings for her kahit ano pa maging reaksyon niya. Hindi ko na mapigilan tong nararamdaman ko para sa kanya." Glaiza said with sincerity.

"That's my tsong!! tama yan sabihin mo yang tinitibok ng puso mo. Pero ano bang plano?". tanong naman ni Chynna na masaya para sa kaibigan.

Napagplanuhan nilang lumabas para makapag kuwentuhan sila. At dadalhin naman ni Chynna si Rhian sa rooftop kung san nag iintay si Glaiza na nagprepare ng candle lit dinner at magcoconfess ng feelings niya for Rhian.

Chynna calling Rhian

"Hey Rhi labas naman tayo mamaya.Pwede ka ba?"

Rhian answered

"Oo ba pero kasama ba natin si Glai.?

Chynna talking

"Nakausap ko na siya kanina sasama daw siya.Titext na lang kita kung san tayo magkikita ok? Bye Rhi!"

Naitext na ni Chynna ang address at isa isa na silang dumating sa venue.

Chynna calling Glaiza

"Tsong ok na pupunta siya. Goodluck ah! Mahal kita." Chynna said

"Sige tsong maraming salamat talaga huwag kang mag alala babawi ako sayo." Glaiza said

Nagsidatingan na sila pero nahuli si Rhian agad niyang tinanong si Glaiza kung bakit wala pa ito. Sinagot naman siya ni Chynna na hindi ito makakarating dahil may importante siyang lakad.
Nadis appoint naman si Rhian bakas sa mukha niya ang pagkalungkot. Nagkuwentuhan sila at bukod tanging si Rhian lang ang hindi nag eenjoy marahil ay dahil wala si Glaiza. Kaya naisipan nitong umakyat ng rooftop para magpahangin.

Habang paakyat si Rhian sa rooftop ay tinawagan ni Chynna si Glaiza.

"Tsong paakyat na siya jan" chynna said

Binuksan ni Rhian ang pintuan papuntang rooftop napansin niyang may romantic candle lit na naprepare. Palakad na sana siya para buksan ang pinto ng may magstrum ng gitara malapit sa may lamesa kung san may naka set up na candle lit dinner. Hindi niya maaninag ang nagigitara maliban na lang nag nagsimula ng kumanta ang nasa harapan niya. Pamilyar ang boses nito at isang tao lang ang alam niyang may mala anghel naboses na katulad niya. Umaawit ito ng tadhana ang kantang inawit niya ng magkita sa ng personal.

Lumapit siya sa naggigitara at hindi nga siya nagkamali at si Glaiza ang nakita niyang kumakanta. Nakatitig ito sa kanya na halo ikatunaw niya. Samantalang siya naman ay hindi mapigilang ngumiti sa babaeng kaharap niya ngayon.

Natapos nang kumanta si Glaiza kaya naman lumapit na siya kay Rhian sabay baba ng kanyang gitara.

"Hi Rhi nagustuhan mo ba yung suprise ko sayo?" Glaiza said

"Ah so kaya pala sabi ni Chynna saken may importante kang lakad. Ito pala yung nilakad mo pero alam mo I like it. Thank you for doing this for me. Pero bakit mo to ginagawa?". Rhian said na parang nararamdaman niyang may gustong sabihin si Glaiza sa kanya.

"Ok hindi ko na to patatagalin at hindi ko na din sasayangin ang mga panahon na pinalipas ko dahil gusto kong sabihin sayo na nung una hanggang sa pagsulyap lang sayo mula sa malayo ang lagi kong ginagawa, ang panonood ng mga races mo kahit sang lugar pa yun ginaganap, ang panonood ng mga replay ng mga races mo makita ka lang. Makita lang kita mula sa malayo ay kumpleto na ang buong pagkatao ko. Masaya ako pag nakikita kita. Naalala mo ba yung may nakabunggo ka sa restroom sa may RK at may naiwang panyo. Ang totoo ako yun ng makita ko na ikaw ang nakabangga ko lumayo ako. At yun ang isa sa mga pinghihinayangan kong araw. Pero kasalanan ko rin naman dahil pagdating sayo nahihiya ako. Simula nung araw na magkakilala tayo hindi ka na nawala sa isip ko. Ang sabi ko nga sa sarili ko paghanga lang ba talaga tong nararamdaman ko? Bakit ayaw kong lumipas yung araw na hindi kita nakakausap o nakikita? Ang totoo hindi lang to paghanga Rhi ----- (napatigil at naiiyak na siya pero pilit niyang panapakalma ang kanyang sarili para masabi ang mga salitang matagal niya ng gusto sabihin kay Rhian)

"Gustong kong sabihin sayo na Mahal kita Rhian Howell, Mahal na mahal kita" at hindi na napigilan ni Glaiza ang mga luhang bumabagsak sa mga mata niya habang nakatitig kay Rhian.

Mutual Admiration (Rastro FanFic)Where stories live. Discover now