Missing Someone

1.8K 81 2
                                    


Papunta na ngayon si Rhian sa Bank Bar para makipagkita kay Sally. Habang si Glaiza naman ay natapos na rin sa mga documents na kelangan niyang pirmahan. Mas pinili niyang tumambay muna sa RK kesa umuwi ng condo niya. Ngayon ay magkausap sila ni Chynna.

"Tsong inom tayo?" Yaya niya kay Chynna

"Oo ba tsong pero may problema ka ba?" sagot naman ni Chynna

Kilala ni Chynna ang bestfriend niya at nararamdaman niyang may problema ito kaya nagyayang uminom.

"Nag away kasi kami tsong ni Rhian. Galit ako sa kanya dahil kinalimutan niya yung anniversary namin. Pinag intay niya ko tsong tapos naka ilang text messages ako at missed calls ni isa walang siyang sinagot" himutok na sabi naman ni Glaiza

"Tsong lilipas din yang sakit na nararamdaman mo pero subukan mo pa rin siyang patawarin at intindihin. Tandaan mo tsong lahat ng relasyon dumadaan sa mga pagsubok na katulad ng sa inyo. Malalampasan niyo rin yan naniniwala ako.Grabe kaya ang pagmamahal niyo sa isa't isa" Chynna said to Glaiza habang umiinom sila

"Salamat tsong ah the best ka talaga hayaan mo susundin ko payo mo tsong mas lalawakan ko pa ang pang unawa ko para kay Rhian. Mahal na mahal ko siya at ayokong mawala siya saken" Glaiza said

"Teka tsong yung regalo mo sa kanya nabigay mo na ba?" Tanong naman ni Chynna kay Glaiza

"Yun pa nga tsong dahil sa naggalit nga ako sa kanya kagabi hindi ko na naibigay yung regalo ko." Sagot naman ni Glaiza

Bank Bar
8pm

Magkausap na ngayon sila Sally at Rhian habang umiinom din sila.

"Rhi ano bang pinag awayan niyo ni Glai?" Tanong agad ni Sally

"Ano kasi bestie nakalimutan ko na anniversary namin ni Glai kagabi and hindi ako nakadating sa dinner date namin. Pinag intay ko siya bestie" maluha luhang sagot ni Rhian

"Hayaan mo muna siya bestie give her time and sigurado ako hindi ka rin matitiis nun." Sally said to Rhian

"Sana nga bestie mapatawad na niya ko lalo pa na bukas na yung alis ko papuntang Singapore para sa competition ko. Ayoko namang umalis na magkagalit kami."malungkot na sabi ni Rhian

Nakauwi si Rhian sa condo ng mga 10pm dahil kelangan niya pang mag impake ng mga gamit na dadalhin niya para bukas.

Runner's Kitchen

"Tsong siya nga pala diba bukas na ang alis ni Rhian papuntang Singapore?Hindi mo ba siya sasamahan?" Tanong ni Chynna

"Oo tsong bukas na yun at siyempre gusto ko nandun ako pag lumaban na siya. Pero tsong may plano ako." Sabi naman ni Glaiza

Naisipan ni Glaiza na sorpresahin si Rhian sa competition niya. Pero hindi niya muna ito ipapaalam sa kanya na manonood siya.

Rhian's POV

"Please sana magka ayos na po kami ng honey ko. Miss na miss ko na po siya."

Rhian reached her cellphone and texted Glaiza

"Hon i just wanted to say na bukas na pala yung alis ko papuntang Singapore. Sana mapanood mo ko. Miss na miss na kita.I'm so sorry kung nasaktan kita. I love you Hon!"
Text ni Rhian bago humiga na siya sa kama at nakatulog na sa kakaintay sa reply ni Glaiza

Habang nakahiga na ngayon si Glaiza ay tumunog ang cellphone niya. Nabasa niya ang text ni Rhian at napangiti siya.

Glaiza's POV

I missed you too Love. Wag kang mag alala bukas magiging masaya na tayo ulit.Mahal na mahal din kita Love.



Mutual Admiration (Rastro FanFic)Where stories live. Discover now