The Vacation

2.2K 89 0
                                    

Maagang nagising ang magkasintahan para magtungo sa Batangas. Si Rhian ang nag drive habang si Glaiza naman ang umupo sa passenger seat. Gamit nila ang kotse ni Rhian.

Habang nasa biyahe sila ay pinatugtog nila ang mga kanta ni Glaiza. Masaya nila itong sinasabayan. Ang mga kamay nila ay naka intertwine sa isa't isa. Dahil si Rhian ang nagmamaneho ay sinusubuan niya ito ng burger habang bumibyahe sila.

Mga ilang oras pa ay dumating na sila sa private resort sa Batangas.

Habang nagpapark sila ay sunod namang dumating ang van nila Chynna.

Masayang silang nagbeso beso sa isa't isa. Magkahawak ang mga kamay nila Chynna at Abby ganun din sina Rhian at Glaiza papasok sa resort. Habang si Wila at Bianca ay masayang nagkukuwentuhan.

Nagpaalam muna sina Glaiza at Chynna para balikan ang mga gamit nila sa sasakyan.

Pero bago makaalis si Glaiza ay nagrequest muna si Rhian na halikan siya nito sa mga labi. At ginawa naman yun ni Glaiza binigyan niya ito ng isang passionate kiss.

Kinilig naman ang mga kaibigan nila sa ginawa nila at nagtawanan sila.

Matapos makabalik ng dalawa ay nagsipasok muna sila sa kanilang mga kuwarto para makapagpahinga kahit sandali.

Unang nakatulog si Rhian sa sobrang pagod siguro sa pagmamaneho nito.Eto namang si Glaiza ay tinitigan lang si Rhian habang natutulog ito.

Naisipan niyang maghanda ng lunch nila kaya nagpatulong siya kay Abby at Bianca.

Matapos nilang makapagprepare ay tinawag na ni Glaiza ang mga kaibigan para kumain.

Pinuntahan niya si Rhian para gisingin ito. Binigyan niya ng maraming halik si Rhian hanggang sa magising ito.

Sabay sabay silang kumakain ngayon at masayang nagkukuwentuhan. Habang sila Rhian at Glaiza ay sinusubuan ang isa't isa.

Matapos nilang kumain ay nagsibihis na sila ng kani kanilang swimsuit para makapagswimming.

Black na two piece ang suot ni Glaiza at napapanganga si Rhian sa kasexyhan ng kasintahan. Habang hawak naman ni Glaiza ang bewang ni Rhian na nakasuot naman ng white na two piece. Dahil sa suot nito ay hindi napigilan ni Glaiza na halikan si Rhian.

Hindi mapaghiwalay ang magkasintahan halikan at lingkisan ang ginawa nila.

Habang sila Chynna,Abby,Bianca at Wila naman ay naguunahan sa pagsisid sa mga baryang inihagis nila sa pool.

Umahon muna si Chynna para kumuha ng wine para mas masaya ang bonding nila. Inabutan niya ang mga ito isa isa. Napasarap lalo ang kuwentuhan nila dala ng alak na iniinom nila. Umahon din muna si Glaiza para samahan si Chynna. Kinuha niya ang kanyang gitara at kinantahan ang mga kaibigan.

Habang kumakanta ito ay nakatitig lang ito kay Rhian na nasa swimming pool.

Nakakailang bote na rin sila ng alak kaya napag isipan nilang mag laro ng truth or dare.

Nagsiahon naman na sila at pumasok sa loob ng bahay at nagsuot ng kanilang mga robe.

Siyempre dahil gentlewoman si Glaiza ay siya ang nagsuot ng robe ni Rhian at kinilig naman si Rhian sa ginawa nito.

Unang natapatan ng bote si at ang pinili nito ay truth. Kaya tinanong siya ni Chynna. "Totoo bang bago pa nagsimula ang banda natin ay may pagtingin ka na kay Glaiza?"

Wila answered

"No offense Rhi ah, Oo minahal ko na si Glaiza bago pa magsimula ang banda natin. Baket sino bang hindi magkakagusto sa kanya eh nasa kanya na lahat. Dba Rhi? Pero ngayon wala na kasi pinagpalit niya ko kay Rhian"nakakalokong sagot nito.

Wila's turn to spin the bottle

At natapat naman ito kay Chynna at pinili niya ang dare.


Mutual Admiration (Rastro FanFic)Where stories live. Discover now